Chapter 4

52 1 0
                                    

"Pasensya ka na sa naging asal ko kaninang mag-take off tayo sweetheart. Hindi ko kasi napigilan ang akong sarili eh," nahihiyang napakamot sa batok si Michael. "Kaya hindi ako sumasakay sa Ferris wheel dahil parang babaligtad ang aking sikmura kapag pataas na ang ikot. Ganoon din ang naramdaman ko kaninang biglang sumirit paitaas itong sinasakyan natin"
"Aba'y kailangang masanay ka na dahil itong eroplanong ito ang lagi naing gagamitin tuwing pupunta tayo sa asyenda," wika ni Dawn nanitinuro kay Michael ang mga kawan ng ibong lumilipad na tila sumasabay sa kanila.
"Kinakailangan ngang masanay ako" sang-ayon ni Michael na napatingin sa itinuro ni Dawn. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba. "Ganito pala ang porma ng lupa kapag nasa itaas, parang kung anong bagay na nakalutang sa napakalawak na dagat."
"Talaga namang mas malawak ang dagat keysa sa lupa ah."
"Alam ko," anito nang mayamaya'y hinahanap na ang sinasabi nila kanina na lupa. "Bakit nawala na yata ang nakikita ko na kaninang lupa?"
"Ikaw talaga," hagikgik ni Dawn. "Nakita mong nalambungan tayo ng ulap eh."
"Nagbibiro lang ako," wika nito nang biglang matagtag sa kinauupuan bagay na ikinagulat." Ano iyon?"
"Maaaring may nadaanang vacuum itong eroplano,relax ka lang," payapa niya sa kasintahan.
Subalit nang sumunod at parang naugoy ang eroplano ay nagulat na silang pareho. Kaagad na tinanong ni Dawn ang piloto lalo na nang mapansin niyang dumidilim ang kanilang niruruta sa kalawakan.
"Richard, ano ang nangyayari?"
"May mararaanan tayong bagyo maam," sagot ng piloto. "Huli na para umiwas, nahagip na tayo."
"Bagyo? Bakit may bagyo?" Gulat ni Michael. "Kaninang mag-take off tayo ay maganda naman ang panahon, bakit may bagyo na?"
"Hindi mo ba inalam ang weather forecast bago tayo lumipad, Richard?" Tanong muli ni Dawn sa piloto.
"Confirmed naman ho kanina na malayo sa ating ruta ang presence ng bagyo, lumisya na nga tayo sa tamang ruta para sigurado ang ating paglalakbay pero inabot pa rin tayo," katwiran ng piloto.
"Alam mo na pala na may bagyo sa pupuntahan natin, bakit hindi mo sinabi para nai-postpone na lang sana ang lakad na ito?" Inis na wika ng medyo kinakabahan na si Michael.
"Kagaya ho nang sinabi ko kanina, malayo ang bagyo sa ruta natin....."
"Malayo ang bagyo e ito at tinamaan na tayo!" Inagaw ni Michael ang pangangatwiran ng piloto.
Maging si Dawn ay nababahala na sa nakikita sa labas ng sinasakyan nila, dumidilim na ang kalawakan at may ulan na siyang nakikita.
"Gawan mk nang paraan para maiwasan natin ang bagyong ito," utos ni Dawn sa piloto.
"Fasten your seatbelts, maam, -- sir ," kahit papaano ay kalmado parin ang boses ng piloto.
Mabilis namang nagkabit ng seatbelt ang dalawang pasahero.
"Nasaan na ba tayo?" Pagkakuwa'y tanong ni Dawn.
"Nasa vicinity na tayo ng Mindanao , maam," sagot ng tinatanong.
"Humanap ka kaagad ng ating malalapagan," utos niya.
"Iyon talaga ang aking gagawin maam."
Sa kalawakang kinaroroonan nila, kung titingnan mula sa malayo ay parang maliit na ibon ang eroplano na naglalaro sa hangin at ulap.
"Control tower, this is Purple Parrot. We're in danger situation, please permit to land. Over," tawag ng piloto sa. Nalapitan nilang maliit na paliparan.
"Runway is heavily flooded, it is dangerous to land. We're sorry," sagot ng nasa ibaba.
Dinig ni Dawn ang contact sa radio kaya siya ay nag-alala.
"Ano ang gagawin natin?" Puro tanong ang lumalabas sa bibig niya.
"Wala tayong pagpipilian kundi ang abutin ang international airport sa Davao.
"Iayos mng mabuti, mamamtay tayo nito," alalang-alala si Michael. "Bakit ba hindi mo ibaba ang lipad ng eroplano para maiwasan ang lakas ng hangin?"
"Mas malakas pa ang hangin sa ibaba sir," sagot naman ng piloto nang gumanda ng bahagya ang lipad nila, " i think, nakalabas na tayo sa perimeter ng bagyo,"
"Whew, mainam naman kung ganoon," sabay na nabigkas ng dalawang niluwagan ang kaba sa dibdib. "Pero bakit may ulan pa?" Dagdag na tanong ni Michael.
"Okey na lang ho iyan, makakaya na ng eroplano. Maaaring dala lang ho ng bagyo iyan, tag-ulan na kasi." Wika ng piloto na pinataas ang lipad ng eroplano para malampasan nila ang ulap na siyang nagbubuhos ng ulan.
"Ito na yata ang kasabihan na ang malapit nang ikasal ay malapit din sa disgrasya," himutok ni Michael.
"Ikaw naman kasi eh, nahilinh-hiling mo pa na dumalaw muna tayo sa asyenda," kunwari sisi naman ni Dawn.
"Huu, hindi naman totoo ang kasabihang iyon." Biglang bawi ni Michael, na mayamaya ay muling nagulat sa dagundong na narinig mula sa kung saan, "a-ano iyon?" Umikot pa ang ulo nito sa kahahanap kung saan nanggaling ang dagundong na narinig.
"Nagalit ho sir ang langit sa sinabi ninyo," ang piloto ang nagsalita.
"May kulog a, baka kikidlat," bulalas ni Dawn. Kasasabi pa lang niyon ng dlaga nang halos magtakip sila ng mukha dahil dumaan sa tabi nila ang nakaksilaw na liwanag.
"Diyos ko, baka tamaan itong eroplano", usal ni Dawn.
"Dios , huwag po naman sana, maawa po kayo sa akin, ayoko ko pang mamatay", dasal ni Michael.
"Hindi ko alam kung ano ang galing mo sa harap ng korte ay siya namang takot mo sa kamatayan," wika ni Dawn sa katipan.
"Sa korte ay pupwede kang magsinungaling pero ito aynabibingit na tayo sa kamatayan. Kanina ay bagyo, ngayon naman ay kidlat! Talagang nahihintakutan na ito. Muling naitakip sa mukha ang mga kamay na animo ay sasalangin ang kidlat, at pagkatapos ay kinompronta ang puloto, "bagito ka kasi kaya kung saan-saan mo idinadaan ang eroplano!"
"Kung natitiyak ko lang ho sana na aabutin ng bagyo ang ruta natin ay di idinaan ko na sana itong eroplano sa lupa," balabag na sagot ng pilot dahil nasa peligro na silang kalagayan ay nagagawa pang manisi ni Michael. Pinipilt nitong gumawa ng tamang landas pero kaninang nalampasan nila ang mababang ulap ay siya namang pagsagitsit ng kidlat kaya sa pag-iwas nito ay nabalik sila sa dating linya.
Sasagutin sana ni Michael ang piloto pero muli na namang kumidlat nang napakalapit sa kanila at nahanginan sila. Sapat na ang hanging iyon para magkislapan sa harap ng eroplano na ikinamatay ng kuryente ng kanilang sinasakyan.
Isa pang sagitsit at sumiguk-sigok na abpng makina ng eroplano at paunti-unting tumitigil ang pag-ikot ng elisi.
"Diyos ko, ano na ang nangyayari?!" Nahihintakutang sigaw ni Dawn.
"Diyos ko, mamamatay na tayo!" Sigaw ng nag-uumpisang maghisteryang si Michael.
"Wala na ho tayong magagawa maam, namatay na ho ang makina," wika ng piloto na hinagilap ang parachute sa compartment. Binigyan nito ng tig isa sina Dawn at Michael. "Maam, sir, please pray Our Father who art in heaven!"
"Our Father who art in heaven, hallowed be thy name," sabay na usal ng dalawa habang nanginginig ang mga katawan sa kamamadaling isuot ang parachute.
"Prepare to jump," wika ng piloto ng biglang umiba ang pagkahang glide ng eroplano. Pabulusok na ang porma nito.
"God allow us in your paradise!" Sigaw ng piloto.
"Diyos ko, huwag mpong ipahintulot na mamatay ako! Hindi pa ako nakapagsisisi sa aking mga ksalanan!" Sigaw ni Michael.
"Lord, sa mga kamay ninyo aming iniaasa ang aming kaluluwa," luhaang dasal ni Dawn
Kasunod niyon ay kahindik-hindik na sigaw na ang humalo sa pagsagitsit ng kulog at kidlat!

"Purple Parrot, this is control tower, Purple Parrot, do you read us,. Come in, Purple Parrot!" Paulit-ulit na tawag ng nasa air traffic control division pero walang sumasagot. Ilang beses pang sinubukan ng nas control tower na kontakin ang eroplanong sinasakyan nina Dawn pero walang ma recieve na response ang mga ito kaya naipasyang ipaalam na sa kinauukulan.

Nag ring ang telepono sa ibabaw ng mesa ng sekretarya ni Don Taleon.
"Hello?"
"Pwede bang makausap si Don Taleon?"
"Sino ho ito?"
"Pakisabi lang na si Chief Buluran ng air traffic division."
Pinindot ng sekretara ang button na mag di-direct ng linya sa Don. Mayamaya lang ay nakausap. Na ng Don ang tumawag.
"Ano kamo Chief, linawin mo nga?" Parang kulog dahil sa pagkabigla ang boses ng Don na pumuno sa kwarto nito.
"Ang private plane ninyo sir, nawawalan ho kami ng kontak," sagot ng tumawag.
"Papaano nangyari, ha?"
"Nagreport ho sa amin ang piloto na may naraanan silang bagyo. Ninais nilang mag emergency lnding sa naraanan nilang domestic airport pero hindi sila nakalapag dahil heavily flooded ng runway sanhi ng malakas na ulan."
"Pagkatapos?"
"Muling kumontak sa amin at sinabing nalayuan na nila ang bagyo. Pipilitin nilang maabot ang Davao dahil iyon ang ipinayo naming lapagan nila. Hinihintay namin ang panibago nilang pagkontak pero biglang nawala. Kahit anong gawin namin ay naging zero communication sa kanila!"
"Gawin niyo ang nararapat!" Kailangang malaman ko kung ano ang nangyari sa kanila at kung nasaan na sila!"
"Iyan po ang ginagawa namin, ipinaalam lang po namin sa inyo."
"Sige, give me details in any development!"
"Yes ,sir"
Nang mawala sa linya ang tumawag ay pinindot ng Don ang intercom.
"Nancy, kontakin mo sGeneral," utos nito sa sekretarya.
Tumalima kaagad ang inutusan. Ilang sandali pa at kausap na ni Don Taleon ang nabanggit na General.
"Hello panyero, ano ba ang atin at napatawag ka?"
"Panyero, nawawalan daw ng kontak sa aking poker plane. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari," dinetqlye na
lang ng Don sa General ang nalalaman base sa ibinalita kanina ng tumawag. " I need your assistance,panyero. Nakasakay doon ang aking unica hija kasama ang kanyang mapapangasawa. Please do something."
"Ganoon ba?" Bahagyang nabitin sa pagsasalita ang nasa kabilang linya. Marahil ay iniisip ang maaaring naging trahedya. Mayamaya'y nangako ito. "Dont you worry, panyero. Pakikiluson ko ang aking pwersa para mahanap sina Dawn, Ngayon Din"!

-end
I hope you like it.. Dito na talaga magsstart ang magagandang takbo ng story!
Please don't forget to vote, comment and follow me also..

And if you have some time you can also follow me in IG (@teambabesxxchardawn)
Please support my story.. 😊😁 thank you guys..

You're the ONE ( Chardawn Loveteam )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon