Chapter 2

70 0 0
                                    

"Kamusta sweetheart, baka pagod kana niyan," wika ni Michael nang makalapit kay Dawn.
"Hindi naman. Nakakalibang nga eh," sagot niya na pinunas ang noo. "Kayo, kumusta ang pagbibigay ninyo ng legal assistance sa mga tao."
"Marami na ang napapayuhan namin at napangakuang tutulungan sa korte. Talagang hindi ako nagkamalin mahalin ka dahil mababa ang iyong kalooban. Sabagay, naikwento na sa akin minsan ng iyong yaya na mula daw noong maliit ka pa ay sadyang matulungin ka na. Katibayan din ang mga perang idino-donate mo sa sari-saring asilo."
"Hindi rin naman ako nagkamali ng pagpili sa iyo Michael. Magkatugma ang ating damdamin," wika niya.
"Napakamatulungin mo rin . Dati-rati ay hanggang sa pag aabuloy lang ng pera ang nagagawa ko pero nang makilala kita'y noon ko lang nasubukan ang makihalubilo sa ibat-ibang uri ng tao at nakapagserbisyo ng ganito."
"Masaya at masarap ang makatulong sa kapwa, hindi ba sweetheart?" Inakbayan ni Michael ang kasintahan.
"Tama ka, iba pala ang damdamin kapag nakakapagbigay-ligaya sa maliliit at walang kakayahang ipagamot ang mga sarili," inayos niya ang mga gamot na dadalhin sa kubol nila. Ang kubol na ginawa nila upang doon tsek-apin ang mga taong gustong magpatingin ng karamdaman."
"My itatanong nga pala ako sa iyo, sweetheart. Nasabi sa akin ni Lester na may lupain daw kayo sa Mindanao."
"Meron, pero dadalawang beses pa lang akong nakapunta roon. Si Papang ang laging pumupunta roon. Bakit?"
"Wala naman. Naisipan ko lang na dumalaw tayo roon bago tayo ikasal. Parang gusto ko kasing doon tayo mag-honeymoon."
"Hmmm, kelan mo gustong pumunta tayo roon?"
"Bakit? Saan kayo pupunta?" Napalingon ang dalawa sa nagsalita.
"Oy Ritz, kanina ka pa?" Tanong ni Dawn.
"Oo, hinahanap ko nga kayo eh. Dito ko lang pala kayo matatagpuan sa van."
"Kumuha ako ng mga gamot," pakli niya.
"Marami ka namang utusan , bakit ikaw pa? O, baka naman kahit dito ay gustoninyong magsarilinan ni Michael." Bungisngis ni Ritz.
"Well, talagang ganyan," wika ni Michael, " let's go, lumabas na tayo."
"Dapat lang para makunan kayo ng video habang siniserbisyuhan ang mga tao," ani Ritz.
"Bakit ba may pa video-video ka pa?" Tumawa nang mahina si Dawn.
"Para maipalabas sa tv, bale commercial ad na rin ni Lester," sagot ni Ritz.
"Ad?" Kunot noo niya.
"May balak kasi si Lester na tumakbo bilang congressman sa distritong ito," kamot sa batok na wika ni Michael.
"Kaya ninais ninyong dito tayo magbigay ng serbisyo sa tao?" Nakakunot pa rin ang noo niya na pinaglipat ang tingin kina Michael at Ritz.
"Kahit saan naman ay pupwede," sagotni Michael na tinanguan ang kasintahan na bumalik na sila sa kanikanilang kubol.
Nagkibit-balikat na lang ang butihing doktora sa pumunta sa kinaroroonan ng mga nakapilang magpapaeksamina. Bago siya pumasok sa kanilang kubol ay noon lang niya napansin ang streamer na nakakabit, napakalaki ng nakasulat na pangalan ni Lester na parang ito ang pasimuno sa ginagawa nilang iyon. Muli siyang nagkibit ng balikat at binalikan ang gagawin.

Kasalukuyang nag-iinat si Dawn sa swivel chair sa opisina ng sarili niyang hospital nang tumunog ang telepona. Katatapos lang niyang mag conduct ng operasyon kaya iniinat niya ang katawan.
Pinaikot niya ang upuan saka dinampot ang telepono. Pag-angat niya ng awditibo'y nabosesan kaagad niya ang nasa kabilang linya.
"P, sweetheart, napatawag ka?" Wika niya.
"Sweetheart, available ka ba sa makalawa?"
"O, bakit?"
"Gusto ko lang malaman sweetheart."
Batid na ni Dawn na may gagawin na anaman sila ni Michael kaya kahit meron pa siyang aasikasuhin sa sariling ospital ay sinabing available parin siya. Hindi niya kasi kayang biguin ang katipan kung meron man itong naisin.
"Meron kasi kami g pag aalay serbisyo na gagwin sa zone 300, baka pupwedeng sumama ang grupo mo. Pwede ba, sweetheart?"
"Basta ikaw sweetheart, walang hindi," sagot niya.
"Mga anong oras tayo magkikita-kita?"
"Mga 8:00 ng umaga para hindi masyadong mainit. Pasusundo ko kayo ng grupo mo para alam n'yo kaagad ang lugar," wika ng nasa kabilang linya.
"O sige sweetheart, hihintayin namin ang sinabi mong sundo," sagot niya.
"Maraming salamat, sweetheart, napakabuti mo. I love you."
"I love you too," nagpatunog pa siya ng haliksa telepono bago niya ito binaba.
Napasandal sa headrest ng upuan ang ulo ni Dawn pagkatapos ibaba ang telepono. Gastos na namanang haharapin niya sa makalawa pero hindi naman masasabing pagtatapon iyon ng pera dahil nakakatulong siya sa mga maralita. Isa pa ay humahanga siya sa prinsipyo ng kasintahn. Hindi man ito masasabing mayaman , nakakapagserbisyo ito ng libre sa mga mahihirap. Natuwa pa siya sa ibinalita nito noong minsan na nakapanalo na raw ang grupo ni Michael sa mga nabibinbin na kaso ng mga binigyan ng mga ito ng legal assistance.ipinagmamalaki niya sa kanyang mga magulang ang kasintahan at naalis pa ang pagdududa ng mga ito lalo na ang kanyang Papa. Inakala kasi ni Don Taleon na ang yaman lang nila ang habol ng binata kaya siyabpinaibig. Ngunit sa nakikita ng mga magulang niya na aktibidades ni Michael ay napalapit ang loob ng mga ito sa kasintahan niya. Ang ginagawa nito na pagtulong sa mga mahihirap kahit wala itong natatanggap na kapalit.
Sa pagdaan ng mga araway malimit na siyang himukinni Michael na magbigay ng libreng serbisyo sa mga mahihirap. Hindi naman niya tinatanggihan ang kasintahan kahit nalaman niya na nagagamit ang grupo niya sa pangangampanya ni Lester,na matalik nitong kaibigan. Panahon na noon ng kampanya para sa nalalapit na eleksyon at si Lester ay kandidato bilang kongresman.
"Manalo lang si Lester ay lubos-lubos na ang magagawa nating pagtulong sa mga mahihirap," wika ni Michael sa kanya. Magkaharap sila sa terasa ng kanilang mansyon. Dinalaw siya ni Michael sa kanila.
"Sana naman ay hindi magbago ang ugali ni Lester kapag nanalo. Ayaw ko mang isipin ay nagagamit na ang aking grupo sa pangangampanya ng kaibigan mo." Aniya.
"Kung noong hindi pa pulitiko si Lester ay nakakatulong na siya sa mga tao, kapag nanalo pa kaya siya? Sagot naman ni Michael.
"Napuouna ni Papa na medyo napapabayaan ko na ang aking negisyo dahil sa pagsama-sama sa grupo ninyo ni Lester. Natituwa ako at marami akong natutulungan, pero nasasakripisyo na yata ang sarili kong hanapbuhay....." Medyo naihimutok ni Dawn.
"Kaunting panahon na lang, sweetheart. Hindi magtatagal ay eleksyon na. Nahihiya lang kasi akong hindi tulungan si Lester dahil bukod sa matalik nating kaibigan ay may naitulong pa sa akin noong ako ay nag-aaral." Paamot na wika nito. "Kaunting panahon na lang sweetheart at pagkatapos na pagkatapos ng elesyon na ito ay tamang-tama na sa petsa ng ating kasal. Ang sarili na natin ang ating asisikasuhin."
"I love you sweetheart at anuman ang hilongin mo ay nakalaan akong tugunin, But as you promise, pagkatapos ng kompromiso mo kay Lester at anuman ang kahihinatnan ng pagkakandidato niya ay ang lasal na antin ang susunod nong aasikasuhin.
"Talagang iyon ang nararapat nating gawin," wika ni Michael na hinalikan ang katipan.
Matagal na naghinang angkanilang labi bago naghiwalay.
"Aalis na ako at may usapan pa kami ni Lesterna mangangampanya sa ibang sona," ani ni Michael at inakbayan angdalaga. "Gusto ko sanang isama ka , pero makabubuting magpahinga ka na lang. Alam kong napagod ka nitong nagdaang araw at ayokong magkasakit ka," pinisil nito ang baba niya saka ginawaran muli ng padamping halik.
"Mag-iingat kayo sa lakad n'yo, ha?" Paalala niya nang paalis na ang kasintahn.
"Talagang nag-iingat ako para sa iyo sweetheart," kaway nito bago sumakay sa kotseng pinahiram ni Lester sa kanya. Ilang sandali pa ay palabas na ang kotse na minamaneho ng katipan sa kanilang gate. Kumaway muna siya ng isang beses bago pumasok. Sa kanilang bahay para magpahinga.

Habang lumalapit ang petsa ng eleksyon ay puspusan na ang pangangampanya nina Michael at lagi nang kasama si Dawn sa mga lakd ng kasintahan. Ayaw din niyang masayang ang pagod na naiambag biya sa kandidatura ni Lester lalo pa't kasa-kasama ang minamahalniyang si Michael. Pinangatawanan na ni Dawn ang pagtulong sa kaibigan ng kasintahan.
Ibinigay na nang todo ni Dawn ang pagtulong kay Lester. Nakikipagkampanya na rin siya.kinakausap niya ang mga taong kanilang natulungan noon sa pamamagitan ng libreng panggagamot. Nangako naman ang mga tao na susuportahan nila ang taong ikinakampanya niya.
Katatapos lang nila na magbigay ng leaflets nang bulungan siya ni Michael.
"Sweetheart, doon tayo didiretso sa bahay nina Lester. Magbibigay ng kaunting salu-salo para sa mga leaders at magbibigayna rin ng complete instructiondahil sa makalawa na ang botohan."
"Kailangan pa ba akong sumama roon sweetheart?" Tanong niya.
"Oo naman sweetheart, lahat tayo. Si Ritz nga kasama rin pati ang grupo niya. Halika na't sumesenyas na sila . Aalis na tayo."
"Sige, sasabihan ko na ang aking grupo," tumango siya na sinenyasan din ang mga kasamahan. Pagkatapos niyon ay kanya-kanyang sakayan na sila sa mga sasakyan.
Nang dumating sila sa magarang bahaynina Lester at magkatipun-tipon ang lahat ay nagbigay ng full instruction si Lester sa mga ward leaders. Maging si Michael ay nag-ambag ng kaunting pagtuturo. Nang matapos ang pagbibigay ng instruction nina Michael ay ginanap ang salu-salo.
Nag-uusap sina Dawn, Michael at Ritz nang lumapit si Lester.
"O, congressman Lester Calmante, parang nakakasiguro na ako ng panalo mo," wika ni Ritz.
"Sana nga at alam kong malaki ang naging bahagi ninyo lalung-lao na kay Dawn kaya ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa inyo," inakbayan nito si Michael.
"Alam ko na malaki ang gastos at pagod mo sa aking kandidatura. Kaya ngayon pa lang ay idinedeklara ko na ang aking taus-pusong pagtulong kay Michael sa balak niya sa susunod na halalan."
Napakunot ang noo ni Dawn na napatingin sa kasintahan.
Nagtaas naman ng kilay si Ritz.
"Marahil ay hindi pa nasasabi sa iyo ng aking panyero ang balak niya Dawn," patuloy ni Lester. "Balak niMichael ang lumaban sa pagka bise alkalde sa susunod na halalan. Pinauna lang niya ako para magkaroon kami ng sapat na suporta."
"Hindi ko alam na may balak ka rin palang maging pulitiko," wika ni Dawn kay Michael.
"Pangarap ko rin kasi iyon, sweetheart," napahaplos sa batok na sagot ni Michael.
"Sabagay ay wala namang masama sa plano ni Michael," sabad ni Ritz. "Tamang-tama, incumbent ni si Lester sa susunod na halalan. Magkakatulungan na sila ni Michael."
"Talagang magkakatulungan kami dahil hindi na ako muling tatakbo bilang kongresman sa susunod. Tatakbo naman akong meyor."
"Kung magsalita kayo, parang nakakasigurado na kayo ng panalo sa halalang ito, ah." Sambit ni Dawn.
"Talagang nakakasiguro ako dahil sa iyong tulong Dawn," pormal na wika ni Lester. "Sa dami ng natulungan mo ay hindi ka naman siguro bibiguin ng mga iyon kapag nakiusap ka na ako ang iboto nila."
Nagkibit-balikat ang dalaga. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa sila ay magkahiwa-hiwalay.

"Mabuhay si Congressman Calmante!" Sigaw ng mga tao nang mag motorcade sina Lester bilang pasasalamat sa pagkapanalo nito sa idinaos na halalan. Dumiretso ang motorcade sa bahay nina Lester kung saan nagdaos ng salu-salo.
Nang muling magkaharap-harap sina Dawn, Ritz, Michael, at Lester ay uling nagpasalamat ang huli sa tatlo.
"Sana naman ay hindi ka magbago sa iyong pagtangkilik sa mga mahihirap," paalala ni Dawn kay Lester.
"Talagang hindi ako magbabago," wika naman nito. "Tutulong pa rin ako sa mga tao pero sa tingin ko ay nararapat lang na bawiin ko muna ang aking nagastos sa halalang ito".
"Ano ang sinasabi mong babawiin?" Tanong ni Dawn.
"A e, w-wala, wala," sagot ni Lester na iniba kaagad ang usapan. "Nasabi nga pala nitong panyero ko na kasal naman ninyo ang sususnod niyang poproblemahin. Talagang itinapat ninyo sa buwan ng Hunyo ang kasal ninyo a, okey iyan. Ako ang bestman, ha?" prisinta nito.
"Talagang iyon na ang susunod naming gagawin," wika ni Michael. " Alam na ng lahat na nakatakda na kaming ikasal at ang katuparan na lang ang hinihintay."
"E di, umpisahan na natin ang paghahanda," wika naman ni Ritz.
"Pagkagaling namin sa Mindanao," singit ni Dawn. "Gusto ko kasing makita ni Michael ang asyenda namin doon."
"Okey kung ganion," sabay na wika nina Ritz at Lester. "Pagkagaling ninyo sa Mindanao ay kasalan na."
At nagkatawann silang apat..

-end-
(Please wait for the next chapter)
Please vote, like and comment..
And if you have some time, you can follow me in IG ( @teambabesxxchardawn )
Thank you, may you have a great day today. 😘😊

You're the ONE ( Chardawn Loveteam )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon