"Desisyon mo yon. Choice mo. Para sa akin walang tama o mali sa mga desisyon na ginagawa natin. Nasa sa iyo na yon kung paano mo paninindigan yung desisyon na ginawa mo. Nasa sa iyo kung paano magiging tama ang choice na pinili mo" -Joseph
Nakatulala. Nakatingin sa kawalan si Allan nung araw na iyon. Nakatitig lang siya sa isang malaking bintana na may over-looking na beach at magagandang scenery ng mga bundok. Sa ganitong ambiance hindi mapigilab ni Allan mapaisip at balikan ang nakaraan.
Hindi na nga niya namalayan na pumasok na pala sa kwarto si Joseph.
"Pre mukhang malalim yang iniisip mo?", tanong ni Joseph habang isinuot ang puting barong nito.
Oo nga pala. Ikakasal na si Joseph. Halos sabay lang nila ni Allan nakilala ang mapapangasawa ni Joseph ngayon at ang babaeng sa ngayon ay iniisip ni Allan.
Inayos ni Joseph ang kanyang barong. Nag ayos ng buhok at nagpabango. Kinuha nya ang barong na isusuot ni Allan at inihagis nya ito sa kanya.
"Pre, siya na naman ba? Kasal ko ngayon wag mo na muna siyang isipin. Ako. Ako muna ang isipin mo, ako na bestfriend mo na ikakasal na sa isang napakagandang babae", sigaw ni Joseph.
Hindi nagsalita si Allan. Nakatingin pa rin siya sa kawalan. Kahit na napakarami nang sinasabi ni Joseph ay parang nasa ibang dimension si Allan. Malalim ang kanyang iniisip. Dapat ba o hindi dapat? Bakit nga ba? Bakit ko nga ba hindi ko siya pinuntahan nung araw na kinailangan nya ako. Ngayon ay...
"ALLAN! ANO BANG PROBLEMA!", sa sobrang lakas ng sigaw nu Joseph, nagising si Allan at nakabalik sa realidad.
"Joseph, di porket ikakasal mo ngayon, sisigawan mo na ako", sabi ni Allan.
"Tangina pre, kanina pa kita kinakausap tapos doon ka lang nakatingin sa kawalan", sagot ni Joseph.
Hindi nagsalita si Allan. Totoo nga naman na kanina pa niya hindi iniintindi yung mga sinasabi ni Joseph.
"Natahimik ka na naman. Palagi mo na lang siya iniisip"
Tumingin si Allan kay Joseph. "Pre, nagkamali ba ako?"
Lumapit si Joseph at umupo sa maliit ba couch malapit sa bintana na kanina pa tinitigan ni Allan. Nakita niya ang dahilan kung bakit kanina pa nakatulala si Allan. Sa maikling panahon ay napatunganga din siya dito, pero naisip nya na ngayon nga pala ang kasal nya at walang panahon para tumunganga siya.
"Desisyon mo yon. Choice mo. Para sa akin walang tama o mali sa mga desisyon na ginagawa natin", nagpaliwanag si Joseph.
"Nasa sa iyo na yon kung paano mo paninindigan yung desisyon na ginawa mo. Nasa sa iyo kung paano magiging tama ang choice na pinili mo" patuloy nya.
"Tangina pre, ang deep mo!" , sabi ni Allan habang tumatawa.
"E loko ka pala e, kanina ka pa nakatulala dyan lalim ng iniisip mo tapos ako pa sasabihan mong 'deep'?"
Tumayo si Joseph at lumapit na sa pinto. "Mag ayos ka na at baka mauna pa sa akin yung bride ko doon sa simbahan.."
Nangiti si Allan at tumayo sa kinauupuan. Isinara ng kurtina ang bintana at nagsimula nang magbihis.
Allan Kristoff Salvador ang buo nyang pangalan. May maayos na pangangatawan, siguro dahil na rin sa madalas nyang pagdalawa sa gym. Sa loob ng 29 years ay hindi pa siya nagpapakasal, hanggang ngayon hinihintay pa rin nya si Teresa. Si Teresa na kung sana yung isang choice ang pinili nya ay magkasama na sana sila ngayon, at marahil ay naging asawa na nya. Pero iba ang pinili nya. Sinunod nya ang sigaw ng utak nya.
Siguro naging wais siya nung mga panahong kailangan nyang mamili. Mas nanaig ang iisipin ni Teresa sa kanya kung sakaling pinuntahan nya ito noong araw na iyon. Naging duwag? Siguro nga. Ayaw nyang masaktan si Teresa kaya pinili nyang huwag nalang magpakita dito.
Bagay na bagay kay Allan ang suot nyang puting barong. Mas lumabas ang kagwapuhan nya sa suot nya. Lalo pa't inayos pa nya ang kanyang suot.
"Gwapo ka na. Tama na yan. Baka mainlab pa sayo yung bride ko." , sabi ni Joseph ng muli syang sumilip sa pinto ng kwarto na kung saan nagbibihis si Allan.
"Matakot ka na.", pabirong banat ni Allan.
Wala pa naman ang bride ng dumating sila sa simbahan. Magarbo ang simbahan sa lenguahe ngayon, masasabi ito na bongga.
Sa entrance pa lang, madaming bulaklak, red and white roses gaya na rin ng gusto ng bride. May mga choir na kumakanta non stop ng paboritong ng collection ng mga awiting parehas na paborito ng bride at groom.
Ang isa pa sa mapapansin mo ay ang man-made fountain na nakalagay sa entrance ng simbahan, may mga puso at may sweet pang picture ng ikakasal. Sa totoo nyan wala naman talagang fountain kagustuhan din ito ng bride. Tiyak na naubos ang pera ni Joseph sa mga gastos dito, pero hindi bakas sa mukha nya ang laki ng gastos.
Sa gitna ng altar may malaking screen na kung saan makikita ang mukha ng mag asawa mamaya habang sumusumpa na sila ng pag ibig sa Diyos.
Wala naman nakapagsabi kay Allan na dadaigin pala ni Joseph ang kasalang DongYan. Ito na ata ang pinaka magarbong kasal na napuntahan nya buong buhay nya.
"Siguradong pulubi ka na pagkatapos nito", bulong ni Allan kay Joseph na inaayos ang suot na barong.
Sasagot pa sana si Joseph pero masyado siyang na mesmerized sa biglang pagpasok ng bride niya. Kinanta na ng choir ang nirequest na kanta ng bride. "Ordinary Song" na ang sabi ni Joseph.ay kanilang theme song mula noon hanggang ngayon.
Dahan dahan, ang pagpasok ng bride sa entrance ng simbahan.
"Maganda naman ang magiging misis ko", pabiro ring sagot ni Joseph.
Hindi na narinig ni Allan ang sagot biro ni Joseph, napafocus na kasi siya sa bride.
Sa totoo nyan, hindi talaga siya sa sa bride nakatingin kundi kay Teresa. Wala si Teresa dito. Naiisip ni Allan na siguro kung sinunod lang nya ang puso nya dati ay sila na ang magkasama ngayon ni Teresa. Sana ay naglalakad na siya ngayon sa altar, habang inaawit ng choir ang paborito nyang kanta.
Bakit ngayon pa siya dapat magsisi? Kung kailan nangyari na ang lahat. Kung kailan wala na si Teresa at wala siyang ideya kung nasaan ito?
Natapos ang kasal, lahat ay kinikilig at natutuwa dahil sa laki ng screen na kung saan nakikita ng lahat ang wedding kiss ni Joseph pero iba pa rin ang tumatakbo sa isipan ni Allan.
Teresa. Teresa. Teresa.
Hanggang sa reception hindi pa rin nawawala sa isip ni Allan si Teresa. Na sana sila yung nagsusubuan ng cake. Sana isinasayaw niya ngayon sa kantang parehas nilang paborito. Madaling isipin pero hindi na mangyayari.
Nasaan na na ba si Teresa? Bakit hindi ko na siya mahanap? Ganun ba kasakit ang hindi ko siya pinuntahan nung araw na yun? Hindi ba siya agad nakamove on? O kaya nakamove on na ba siya ngayon?
Nakauwi na si Allan at lahat pero nasa isip pa rin niya si Teresa.
"Daddy!", isang pamilyar na boses ang narinig niya. Umupi siya at yinakap ang isang batang halos apat na taong gulang. Sing tanda nung araw na hindi na niya nakita si Teresa.
"Daddy, welcome home!"
Ngiti ang sinukli ni Allan sa bata. Nakakatuwang isipin na kahit naalala niya si Teresa sa bata, mahal na mahal parin nya ito.
"Teresa, kumusta ang araw mo?", tanong nya sa anak nya.
"Ayos Daddy, sinamahan ako ni Lola sa playground naglaro kami dun"
Nakakatuwang isipin na kahit hindi sila nagkaanak ni Teresa, may isang bata na nagpapaalala kay Allan na minsan may isang Teresa Dela Rosa na naging parte ng buhay nya.
BINABASA MO ANG
Pieces to Arrange
FantasyMinsan may mga desisyon tayong ginagawa sa buhay. Tama man o Mali? Ikaw lang ang makakasagot nyan. Wala naman kasing maling desisyon. Nasa tao lang yan kung magiging tama o magiging mali ang desisyon ng isang tao. Tulad ni Allan. May mga pagkakataon...