"Hindi masamang magmahal ng tao na matagal nang nawala, pero kung nakakaapekto na to sa mga tao sa paligid mo, siguro dapat mo nang kalimutan ang nakaraan at harapin mo naman yung mga taong... Nandito.. Ngayon.. kasama mo." -Porsia
Mahal na mahal ni Allan si Teresa, ang kanyang anak. Gabi gabi mula ng isilang ito ay hindi siya nakakalimot na halikan ito bago siya matulog. Tuwing Linggo naman hinding hindi mabubuo ang araw nila ng hindi sila dumadaan sa simbahan at pagkatapos naman ay kakain sa paborito nitong fast food chain. Manonood ng sine at marami pang usual na ginagawa ng mag ama tuwing Linggo.
Nakatulog na si Teresa pagkauwi nila ng bahay, dinala na ni Allan ang anak niya sa kwarto at gaya ng dati ay hinalikan nya ito sa noo.
Sa tuwing ginagawa nya ito ay palagi niyang naalala ang isa pang Teresa ng buhay nya. Si Teresa na nagpasaya sa kanya nung college pa siya.
"Ako nang bahala dito, mamaya lumabas ka may sasabihin ako sayo", sabi ni Porsia, ang nanay ni Allan na kasama ni Allan sa bahay at nag aalaga na rin kay Teresa sa tuwing nasa trabaho siya.
Pumasok na si Allan sa kwarto nya para magbihis, bukas kasi ay naalala nya na may pasok pa siya sa opisina. Graduate si Allan ng BS Civil Engineering sa isang university sa probinsya nila. Hindi siya katalinuhan pero dahil sa sipag at tyaga nya sa pag aaral ay nakatapos siya ng maayos at nakapasa agad sa board exam halos ilang buwan lang ang nakakaraan pagkatapos niyang grumadweyt.
Habang nag hahanap ng masusuot na damit bigla na lamang may dalawang libro ang nahulog sa sahig. Pinulot nya pareho at inilagay sa mesa. Pamilyar ang unang libro, kaya ito ang una nyang binuksan. Tama. Ito nga yung year book nila nung college.
Sa unang page makikita ang litrato ng mga professor ng college nila. May mga wacky na pictures at syempre mga usual na graduation pictures.
Nakita nya ang sarili nya. Grabe ang tagal na pala nito. Namiss nya ang mga panahon na nasa college pa siya. First time. First na pag skip na klase. Oo matalino sya masikap at masipag, pero dumating din ang panahon na nagbulakbol siya, na naging dahilan para makita nya si Teresa.
Si Teresa ay isa sa mga masasabing tahimik na babae sa university nila. Mahinhin at hindi makabasag pinggan. BS Accountancy pa ang kinukuha nya noon.
"Tara pre! Let's go na. Boring yung next subject e", yaya ni Joseph nung mga panahong yon.
Napangiti si Allan ng maalala nya ang unang beses nila magkita ni Teresa dahil na rin sa pag yaya ni Joseph.
Nagmadali sila papalabas ng building at nagkasalubong, at nagkabunguan sila, tulad ng mga nasa common romantic chick flicks. Slomo, kalembang sa mga tenga. Ganyan na ganyan ang naramdaman ni Allan sa una nilang pagkikita.
Nakatulog na si Allan sa sobrang kapaguran. Nalimutan nya na may isa pa siyang libro na napulot kanina sa sahig. Basta ang alam niya, inaalala nya ang nakaraan hawak ang year book niya. Inaalala yung unang beses na magkita sila ni Teresa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hindi na kita ginising, pagod na pagod ka ata kagabi", salubong ni Porsia kay Allan kinaumagahan. Nagtitimpla siya ng kape sa kusina nang mapansin nyang gising na pala si Allan. Nakabihis na ito at agahan na lang ang hinihintay.
"Oo nga pala Ma, diba sabi mo may sasabihin ka?" sagot ni Allan. "Si Teresa? Hindi pa gising di ba may school pa siya ngayon?"
Inaabot ni Porsia sa bagong gising na anak ang kape. "Allan, Sabado ngayon at alam naman natin na walang school tuwing Sabado", sagot niya at humigop ng kape. Napangiti naman si Allan sa pagpilosipo sa kanya ng kanyang ina. "Anak gusto makita ng mga magulang ni Chloe ang anak mo mamayang gabi, ayos lang ba?"
BINABASA MO ANG
Pieces to Arrange
FantasyMinsan may mga desisyon tayong ginagawa sa buhay. Tama man o Mali? Ikaw lang ang makakasagot nyan. Wala naman kasing maling desisyon. Nasa tao lang yan kung magiging tama o magiging mali ang desisyon ng isang tao. Tulad ni Allan. May mga pagkakataon...