Prologue

9 4 9
                                    

 Dedicated to chinggy_jeann

Beauty

What is the real definition of beauty? Does it require to be the standard of society?

Kailangan bang perpekto ang mukha para lang matawag na maganda? Kailangan bang makinis at maputi ang balat, mahaba at straight na buhok, mataas at maganda ang pangangatawan para lang matawag tunay na Diyosa?

Ayon kay Google, beauty is a radiance of spirit, having a character, kindness to ourselves and to others. It's strength and self-confidence to know that with or without make-up, the real beauty is you.

But no, that's not true. For others, beauty means perfection. Kapag hindi mo na-set ang standard nila sa pagiging maganda, then you have to face the hurtful words from people.

Kailangan mong tanggapin na ang pagiging maganda ay nababase sa mukha. With a filter or make-up, you are beautiful. But without it, you are just a piece of trash to them.

"Mama, Papa, may good news po ako!" Dali-dali akong umupo sa upuan sa dining table namin.

Nakaupo na si Papa sa kabisera habang si Mama naman ay naglalagay pa ng mga ulam sa plato. Napasulyap ako kay Kuya na ngayon ay nakatingin na sa akin nang nakataas ang kilay. Si Ate naman ay nakaupo habang nagcecellphone, walang pakealam sa paligid niya at may sarili nang mundo.

Hinintay ko na munang maupo si Mama bago ako nagsalita. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at tiningnan sila ng may ningning sa mga mata.

"Muse po ako ng section namin!"

Naibuga ni Papa ang iniinom niyang tubig at narinig ko naman ang pagpipigil nang tawa ni Kuya. Nakita ko ang laglag pangang reaksiyon ni Ate pero kalaunan ay napairap siya.

Mula sa malaking ngiti at nauwi into sa ngiwi. Ang mga kalansing ng kutsara sa pinggan at ang nakakalokong tawa lang ni Papa ang maririnig sa hapag kainan. Maluha-luha na nga ang mga mata niya dahil sa labis na tawa.

Napayuko na lang ako dahil sa panliliit sa sarili at sinimulan nang maglagay ng pagkain sa plato.

"Ano? Tama ba ang narinig ko? Muse ba kamo?" si Papa, may bahid pang tawa sa kaniyang boses.

"Baka muse ng kabukiran, Pa," ani Kuya.

Mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang aking ulo para matingnan siya. Pero agad din namang umiwas ng tingin nang makita ang pang-iinsulto na nakaukit sa mga mata ni Papa.

"Opo, Pa. Muse d-daw," maliit ang boses kong saad. Hindi ko nga alam kung narinig ba nila iyon dahil alam kong mahina lang ang pagkakasabi ko noon.

I started eating without looking at them. Kung dati'y ang homemade cook ni Mama ang pinakamasarap na pagkain na nalasahan ko, ngayon ay parang kasing pait na ito ng ampalaya sa panlasa ko.

"Baka naman inaasar ka lang nila? Imposible namang manalo ka, Yesha," sabi ni Ate sa nang-aasar na tono.

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya
I gritted my teeth. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor. Gustong-gusto ko nang magsalita pero pinigilan ko ang sarili. The least thing I can do right now is to shut my mouth tightly. Ayaw kong mag-away pa kami sa harap ng pagkain. That's rude.

Bloodstain On Her BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon