Sinabi ng ating bayaning si Rizal,
Na "Ang kabataan pag-asa ng bayan"
Na siyang tangi mong maaasahan
Upang makaahon tayo sa sinumpang kahirapan.Ngunit tanong ng karamihan, nasaan ang mga kabataan?
Kabataang inaasahan ng ating lipunan,
Na siyang magpapataas sa ating bayan
Ngunit, bakit ngayo'y tanyag sa paggawa ng kasamaan?Tayo raw ang inaasahang magdadala ng magandang kinabukasan,
Ngunit , ano nga ba itong pinaggagawa natin?
Para bang walang katapusan
Iba't-ibang pagsubok ang ating pinapasukan at nilalabasan.Alam mo para lang itong larong tagu-taguan,
Ngunit hindi para hanapin ang kapwa kabataan.
Kundi para hanapin ang sariling pangkaligayahan
Kaya nakalimutan na natin Ang ating tungkulin sa ating bayan.Magulang nati'y di nagkulang ng pangaral
Hinubog tayo ng magandang asal,
Puno ng pangaral na magiging uliran
At maging sandigan nitong ating Inang Bayan.Ako'y naguguluhan, Sandali! Huminto muna yayo at pag-isipan,
Bakit, bakit ba tayo nandito?
Bakit ba tayo nagkakaganito?
Ano ng nagbubunsod sa atin upang umiwas sa ating sinumpaang tungkulin?Dahil ba sa sistema ng lipunan?
Sa panggamit ng ipinagbabawal na gamot?
Pag-inom ng mga nakakalasing na inumin?
O dahil sa masamang babasahin at panoorin?Sila nga ba ang tunay na dahilan kung bakit tayo Narito, nasasadlak sa maling gawain.
Sila nga ba ang salot na bumibiktima sa atin?
O Tayo mismong kabataan ang siyang dahilan,
Dahil tayo ang nagdedesisyon kung saan tayo tutungo sa landas na ating patutunguhan.Sundin niyo ang mga sarili, kabataan
Babalik tayong dala ang pagbabago
Imuni-muni niyo ang kahapong nagdaan,
At saka sagutin itong katanungan "Kabataan, pag-asa ba kayo ng bayan?"
YOU ARE READING
Spoken Poetry
RandomThis is a mixed poetry. PS: You cannot plagiarise your own writing unless you specifically gave it in full to someone else at this point if you copied it without permission and claimed it as yours then it would be plagiarism. If you want to use it...