Xiaoxi: Tingnan mo Jiangchen ang sinulat ko. Makinig ka ha.
"Kailan kaya makakatakas yung eyebags sa ilalim ng aking mga mata?
Hindi ito maleta na
may lamang kayamanan.
Isa itong bilanggo na kailangan na ding lumaya."
Jiangchen: Para saan naman ito?
Xiaoxi: Malapit na kasi ang end ng October e nagpapractice akong maging si Sadako.
Jiangchen: Sa tingin mo, ikakatakot ko yan?
Xiaoxi: Oo. Nakakatakot kaya yung character niya pero malungkot dahil sa maliit na TV lang pala siya nakatira. At nung paglabas pa niya natakot pa niya yung mga tao sa bahay.
Jiangchen: Di ko alam kung makokornihan ako sayo o nakakatawa ka lang talaga.
Xiaoxi: Salamat sa katiting na appreciation, huh. Gusto ko lang maging creative. Balak kong maging isang writer, naisabuhay ko nga yung lovestory natin e kaya madali lang ang magsulat para sa iba namang karakter. Bibigyan ko sila ng hustisya.
Jiangchen: Ngayon naman isa ka ng abogado.
Xiaoxi: Tama, tama. Isang abogado. Ipaglalaban ko ang nagawa mong kasalanan nang mahulog ka sakin.
Jiangchen: Kababae mong tao ang baduy-baduy mo.
*Doorbell*
Lu Yang: Hanggang sa labas dinig ko ang bangayan nyong mag-asawa a. At saka ano yung narinig ko na baduy.
Jing Xiao: Pasensiya na kayo kay Lu Yang. Ganyan talaga yan. May pagka-psychic na kakabisita sa mga kuweba.
Lu Yang: Grabe ka naman diyan mahal ko.
Nga pala, Jiangchen bago ko makalimutan, proud akong maging baduy pare, kasi kung naging iba yung personality ko, yung kapogian na nakuha ko di lang sa mukha kundi sa wit, hindi magkakandarapa tong isa sakin na parang tanod.
Jing Xiao: Baliw amputa.
Xiaoxi: Huy kayong dalawa diyan, kinuha nyo na yung oras ng scene namin. Muntik ko na sana maconvince si Honey dun sa plano ko this November.
Lu Yang: Ay oo. Itutuloy mo pala Hahaha sabagay kamukha mo na nga talaga ngayon yung si Sadako.
Jing Xiao: Oo nga bes. Sa long white dress mo ba naman ngayon...
Jiang Chen: Hindi niya kamukha si Sadako. Mas kamukha niya yung nasa kakahuyan.
Lu Yang: Luh pare sino ba yang tinutukoy mo.
Jiang Chen: Yung mga mushroom sa gilid-gilid.
Lu Yang: Pft Tangina pare lagot ka HAHAHAHAHAHA grabe tinubuan na din ng tumor to sa utak finally, marunong na lumaban sa maisan e.
Jing Xiao: Alam mo Lu Yang natatakot ako na mahawaan mo someday e. Pramis kayo lang ang natatawa at nagkakaintindihan diyan.
Lu Yang: Sus. Tumawa ka na diyan. Ayaw mo lang i-friendship over nitong maliit na Mrs. Jiang e.
Xiao Xi: Ganun pala, Jiang Chen, ha. Mushroom pala ha.
Jing Xiao: Naku. Minalas lang sila kasi nandito ka Lu Yang. Gumagatong ka pa diyan.
*Doorbell*
Jing Xiao: Huy Bo Song, bat ka nandito?
Bo Song: Bakit binibisita ko lang si master. Yo, may dala ako para sa inyong mag-asawa.
Lu Yang: Wala bang para sakin diyan?
Xiao Xi: Ano ba yang dala mo?
Bo Song: Nakalimutan nyo na ba anong araw ngayon?
Lu Yang: Hmmm
Jing Xiao: Wag mo sabihing...
Bo Song: May dala akong mushrooms. Happy Mushrooms Day! Just like old times. Ayos ba?
Jiang Chen: 😶
Lu Yang: 😆
Jing Xiao: 🤦♀️
Xiao Xi: 🌋
![](https://img.wattpad.com/cover/151769506-288-k940796.jpg)
BINABASA MO ANG
A LOVE SO BEAUTIFUL FUNNY FANFIC SCENES
HumorHELLO, SA GUSTONG TUMAWA, GO LANG. - Seeraienderella 2018 Amber Shen (2020) Ang pangongopya ay seryosong krimen. Amen.