Horror house

309 4 0
                                    

Xiaoxi: Alam n'yo naman na matatakutin ako e... Bakit pa tayo pumasok ng horror house?

Jiang Chen: Ayaw mo nun, may dahilan kang mangyakap sa'kin...

Lu Yang: Oo nga! Kaya ka nga sumama diba? Pareho lang kayo nitong si Jing-jing e...

Jingxiao: *binatukan si Lu Yang* huwag mong baliktarin! Para ka ngang tuko kung makayakap sa'kin!

Lu Yang: Nakakatakot e!
Jingxiao: Ewan ko sayo!

Lu Yang: Paano kung atakehin ako sa puso? Labas na lang tayo, lab?

After 5 minutes...

LUMABAS na nga ang dalawa at naiwan sa loob sina Jiang Chen at Xiaoxi, panaka-nakang sumisigaw si Xiaoxi habang parang mapupunit na ang suot na damit ni Jiang Chen sa kakahila nito...

Jiang Chen: Hila ka nang hila baka pati abs ko mahila mo na...

Xiaoxi: E di wag! M-matapang ako no! At saka mga tao lang naman mga yan!
Jiang Chen: Talaga lang, ha?
[KAYA NGA NAUNANG MAGLAKAD SI XIAOXI, NAIS NIYANG PANINDIGAN ANG KANYANG MGA SINABI SA ASAWA NANG BIGLANG MAHULI ITO NG KAPRE, NAGPUPUMIGLAS ITO... ]

Xiaoxi: Ahhh! Bitiwan mo ko!

KAPRE: HAHAHAHAHA

Xiaoxi: Hindi na ako available please! Kay Jiang Chen lang ako!

Jiang Chen: *ubo*

Xiaoxi: Sa kanya lang ako magpapahuli!

Jiang Chen: *ubo*

Xiaoxi: Siya lang ang pinakaguwapong kapre para sa akin kaya bitiwan mo na ako!

KAPRE: Matagal na...

Xiaoxi: Huh?

KAPRE: Si Bo Song 'to. Pambihira, pati rito binitbit nyu ang linyahan nyu na yan, buti hindi ako nilalanggam dito...

Jiang Chen: Bakit ka nagcocostume at nagtatrabaho dito Bo Song?

Kapre: Alam mo na, libre ang chicks dito joke!

Jiang Chen: Kasali ba ang asawa ko?

Kapre: Parang...

Jiang Chen: Huh? E chicks ba yan? *tumingin nang matiim kay Xiaoxi na noo'y binitiwan na ng kapre na si Bo Song*

Xiaoxi: Bakit? Hindi ba ako nabibilang sa chicks ha? Ang vital statistics ko pa naman ay tulad nung kay Shan Cai...

Jiang Chen: Hindi ka kailanman maihahanay sa kategorya ng chicks kasi, pag nakikita kita, para akong nakatitig sa kisame, flat lahat...

Xiaoxi: Nakakainis ka! Akala mo naman!

Jiang Chen: Tuta kita kaya hindi ka isang chicks, gets?

Xiaoxi: Genunba? Hendepeleakochecks tuta ako... Tuta ni Jiang Chen...

Kapre: Kuh, pati dito maglalambingan kayo! Lumabas na nga lang kayo, mas nakakatakot kayo e... Masasapak ko sarili ko...

A LOVE SO BEAUTIFUL FUNNY FANFIC SCENESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon