Chapter 19: Walking Encyclopedia

1.5K 135 37
                                    




Noah:

Year: 1996, Batanes (Past)

"Ah! Ang sarap!"

"Talaga po?"

"Oh! Yes!"

Sarap na sarap si Kuya Adam sa ginagawa ko. Tumitirik pa ang mga mata nito habang nakaupo sa damuhan. Nakaliyad siya habang panay ang tingin sa itaas sa bawat hagod ng aking mga kamay.

"Ayan, d'yan, bilisan mo pa," utos ni Kuya Adam.

"Ang hirap naman po nito! Nangangawit na ang mga kamay ko."

Kanina pa ako napapagod dahil sa pinapagawa niya sa akin. Wala pa halos sa kalahati niya ang katawan ko.

"Maliit pa lang kasi ang kamay mo, Noah," natatawang banat ng binatang kasama ko.

"Ang lapad-lapad naman ng likod ninyo!" bulyaw ko. "Ang hirap kamutin!"

Nakaharap kami pareho sa dagat. Ako ay nasa likod niya habang kinakamot ang kanyang likod. Pareho kaming nakaupo sa damo habang nasa ilalim ng puno ng Narra.

"Kuya, bakit ang hilig mong ipakamot ang likod mo?"

"Iyan kasi ang palaging ginagawa ng nanay ko sa akin noong bata pa ako."

Pinagmasdan ko siya. Tila may bigla siyang naalala. Hindi na siya umiimik. Nakatitig na siya sa isa sa mga sanga ng puno habang itinitigil ko na ang ginagawa ko.

"Apple—"

"Noah nga!"

"Noah," natatawa niyang dugtong. "Anong gagawin mo kung alam mong mahuhulugan ka ng sanga ng puno ngayon pero wala kang magagawa para mapigilan ito?"

"Eh di, hindi po ako lalapit sa puno bago iyon mangyari."

"Sana ganoon lang kadali ang lahat, ano?"

"Eh, kung wala kang magagawa, eh di dasal ka na lang."

Umupo ako sa tabi niya. Nasaksihan ko ang marahan niyang pagsimangot habang yumuyuko. Bakas ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata habang magkasalubong ang kanyang mga kilay.

"Kuya—"

Mabilis ko siyang kinalabit. Napatingin siya sa akin. Tumayo ako upang abutin ang kanyang noo. Hawak ko ang kanyang mga kilay at tinatangkang paghiwalayin ang mga ito.

"Malungkot ka na naman, Kuya Adam."

Mabilis na nagliwanag ang kanyang mukha. Bigla niya 'kong niyakap. Nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko habang ramdam ko ang kanyang hininga sa aking balat.

"Noah, I will teach you a few Finnish words, okay? Magagamit mo ito sa future," naririnig kong bulong niya habang nakasubsob siya sa damit ko.

"May mga itinuro na po kayo noong una tayong nagkita, eh. Pero sige kuya, dagdagan mo pa," nakangiti kong tugon.

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Muli kong kinamot ang kanyang likod mula sa aming puwesto.

***

Year: 2005, Metro Manila (Present)

Araw na ng Science Quiz Bee. Napakaraming estudyante at guro sa paaralang pagdadausan nito. May mga magulang na hatid pa ang kanilang mga anak habang ako ay mag-isang pumunta. Nakagtayo ako habang naasiwa sa mga bulyaw ng aming guro.

"Pambihirang mga bata kayo! Kaya ko nga kayo pinagsama sa iisang lugar para hindi kayo maghihiwalay. Nasaan si Adam?" naiinis na bulyaw ni Mrs. Aguilar. Umuusok na ang ilong nito sa galit dahil ako pa lamang ang nasa harapan nito.

Ark and Apple (The Time Traveler's Boyfriend Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon