CHAPTER 1

1 2 0
                                    

"Ma, sama ako kay Auntie!" Sumigaw na ako mula sa labas ng pinto para magpaalam kay mama. Ilang minuto nalang at maghahanda na si Auntie papuntang Samar. Gusto ko makapunta sa Probinsya, sabi ng papa ko maganda daw doon.

"Sumama ka, magpaalam ka muna kay Auntie mo" narinig kong sagot nya mula sa kusina. Maliit lang ang aming bahay, sama sama na ang sala, kusina at kwarto.

Dahil sa sinabi ni mama ay dali-dali akong tumakbo kay Auntie at yumakap.

"Auntie! Sama po ako sayo" may kagalakan kong sabi. Sobrang saya ko at sa wakas, makikita ko na ang Probinsyang sinasabi ni papa ko.

"Nagpaalam ka na ba sa mama mo?" Dali-dali akong tumango.

"Opo, sa kanya pa nga po ako unang nagpaalam eh" ngumiti ako at naipakita ko sa kanya ang bungi kong ngipin na nagpatawa sa kanya.

"Ayan, tumakbo ka pa. Buo pa sana iyang ngipin mo kung hindi ka nadapa" napangiwi ako sa sinabi nya, hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang sakit ng pagkadapa ko at pagtama ng ngipin ko sa bato na syang nagpabungi sa akin. Masakit s'ya.

"Eh Auntie kasi eh, hinahabol ako ng mga itik sa labas eh, kung wala nga lang po akong hawak na bigas ay baka sakalin ko na iyon at dalhin dito para may ulam na tayo" tumawa naman si Auntie sa sagot ko. Auntie hindi po ako nagbibiro, ilang beses ko na po nasakal ang mga itik na iyon kung hindi lang ako nakita ng ibang bata ay baka kinaladkad ko iyon papunta dito.

"Ikaw talagang bata ka, oo nga pala. Sa papa mo? Nagpaalam ka ba?" Umiling ako sa kanya dahil kay mama at sa kanya palang ako nagpaalam.

"Magpaalam ka at baka mag-alala iyon" ngumuso ako sa kanya at nagpapapadyak.

"Eh Auntie edi hihintayin pa natin si papa bago tayo umalis?" Nakanguso kong tanong.

"Aba oo, tsaka hindi naman ako nagmamadali eh. Pwede pa nga natin ipagpabukas ang pag-alis eh" natatawa nyang sabi.

"Ano ba naman yan Auntie, hindi mo naman po sinabi sa akin nang maaga na hindi ka nagmamadali" nagtatampo kong sabi.

"Aba bakit ka ba nagmamadali?" Natatawa n'yang saad.

Sinenyasan ko sya na bumaba para masabi ko ang rason ko.

"Eh kasi Auntie, alam kong nagmamadali ka kaya nung bumili ako ng bigas hinalikan ko muna si kyle sa lips tapos tumakbo na ako, kaya ayun hinabol ako ng mga itik" kinakabahan kong sabi na nagpatawa ng malakas sa Auntie kong mabait.

"Bakit mo naman ginawa iyon?" Halos hindi na sya makahinga sa kakatawa. Lumikot ang mata ko sa tanong nya.

"Eh kasi ehh, ang tagal tagal ko na syang crush. Tapos ayon, hinalikan ko s'ya baka ma miss nya ako pag umalis na tayo dito" ngumiwi ako ng mas tumawa pa sya.

"Shunga ka talagang bata ka, ilang araw lang tayo doon dahil may pyesta doon, hindi tayo lilipat" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Hala bobo.

Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat.

"Hala Auntiee!! Bakit hindi mo agad sinabi sa a'kin? WAAHHHHHHH" nagsisisigaw ako sa pagkapahiya.

"Ikaw, maharot kang bata ka, saan mo natutunan yan?" Natatawa n'yang saad.

"Auntie, makikipagkita ako kay Kyle ngayon, at isasama po kita! Now na!" Desidido kong sabi.

"At bakit naman? Tsaka may ginagawa pa ako oh? Gusto mo ikaw na maghugas ng plato?" Natatawang sabi nya na ikinatuwa ko. Sa wakas! Makakapaghugas na rin ako ng plato.

"Sige Auntie, ako na d'yan" sinubukan ko syang palitan sa upuan at para maka upo na ako.

Tatawa-tawang tumayo si Auntie at hinawakan ako sa kamay.

"Oh sya, tara. Saan mo ba ako dadalhin?" Sabi nya na ikinadabog ko. Akala ko ba maghuhugas ako ng plato?

"Wag nalang pala Auntie, ako na dito. Gusto ko 'tong matutunan, ang excitinggg" kinikilig kong sabi.

"Huwag na, ako na d'yan. Kapag lumaki ka, alam kong aayawan mo 'yan" we? Eto? Matagal ko nang pangarap ito, tapos aayawan ko?. "Atsaka diba gusto mo ako isama? Tara na" ha? May sinabi ako?

"Saan Auntie?" Nagtakaka kong tanong.

"Diba sabi mo samahan kita?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ay gagi! Oo nga pala.

"Hala tara na Auntie, kailangan kong kausapin si kyle!!" Sigaw ko.

"Kakausapin mo pala eh, ba't kailangan kasama pa ako?" Nagtataka nyang sabi.

"Eh kasi Auntie diba po nakwento ko sa' yo na kiniss ko sa lips si kyle? Kakausapin ko po sya tungkol doon" nakangiti kong sabi.

"Tapos?"

"Pag nandoon na tayo Auntie, dapat sabihin mo naglalaro tayo" ang talino ko talaga.

"Anong laro?"

"Ano, yung laro po na ano? Yung ano" hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nakalimutan ko.

"Ano?"

"Yung ano Auntie!!" Sigaw ko na, hindi ko alam.

"Sabihin mo kung anong klaseng laro, baka alam ko pangalan ng laro" sabi nya pa.

"Diba, kapag pinili mo yung isa, gagawin mo po sya, tapos yung isa naman pag pinili mo sasabihin mo ang totoo" pagpapaliwanag ko.

"Anong totoo?" Nagtatakang sabi nya.

"Po?" Ano daw?

" Sabi mo sasabihin ko ang totoo?"

"Oo nga po"

"Ano nga ang totoo?"

"Auntie hindi mo po nagets" inis na napakamot ako sa ulo ko.

"Ipaliwanag mo nga yung isa, yung totoo"

"Ah yung isa, yung trot po, ay oo Auntie! Naalala ko na po!" Mayabang kong sabi.

"Ano?"

"Trot or der!" Sigaw ko pa.

"Yung totoo po is trot, kapag tinanong ka po, sasagot ka. Tapos yung sagot mo po ay totoo" pagpapaliwanag ko.

"Ah sige, tapos ano sasabihin ko kay kyle?" Tanong nya.

"Yung der po" sabi ko.

"Ano nga ulit yung der?" Tanong nya pa.

"Yung der po ay kapag inutusan ka po ay susundin mo. At kaya po der ang pinili ko kunyari naglaro po tayo ng trot or der, tapos nag der ka po sa'kin na ikiss sa lips si kyle" nakangiti kong sabi na ikinahalakhak ni Auntie.

"Manang- mana ka sa pinagmanahan mo!" Nanggigigil nyang sabi sa'kin at pinisil pa ang pisngi ko.

"Syempre Auntie, nagmana po ako sa inyo" tumango-tango sa sya sinabi ko na parang proud na proud pa sya.

"Tara na Auntie" hinila ko na sya palabas ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The good girl's sufferingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon