CHAPTER 2

3 1 0
                                    

CHAPTER 2.

Mahigit ilang araw na rin ang lumipas simula nung umorder ako ng leche flan sa zionbakes at nung nakita ko si kuyang pogi ang boses, oo boses lang ang pogi kasi hindi ko naman nakita yung mukha hays. Naikuwento ko na rin kina Gwy yung about doon, gaya ko ay nanghihinayang rin sila. Sayang, hindi ko na siguro 'yon makikita, kasi sa dami ng estudyante sa Maynila 'diba? Hays, may love at first heard ba? Kung wala, p'wes itabi niyo, ako na 'to, emz.

Mabilis lang natapos ang klase ko ngayong Friday, na-announce din ng principal ng SHS dept. na as a part of our school foundation day, magiging open daw ang school sa outsiders and the thought of it makes me more excited!

Dahil maaga ang dismissal namin ngayon. Napag-desisyunan naming lima na pumunta ng MOA at kumain sa Wendy's ang favorite restaurant ni Yionna.

" Uys girls, merong debate sa foundation day, kasali kami ni Chewy. " sabi niya sa 'min ng may malaking ngiti sa labi, napangiti rin tuloy ako.

" Wow! Dream come true naman pala oh, sino kalaban niyo? " tanong ni Gwy habang nagsslice ng meat sa plato niya.

" Manonood kami, i-reserve niyo kami ng upuan ha! " biro ni Night, matapos ngumuya.

" Section ng ex ni Yionna nung grade 11 tayo. " walang pakielam na sagot ni Chewy at tumawa pa, natigilan ako, si Yionna naman ay natawa.

" SHALA?! " gulat na sabi ni Night habang si Gwy naman ay nasamid.

" Shala, seryoso ba? Exciting 'to! " tumatawa kong sabi sakanila.

" Ano debate niyo niyan teh, sino nauna humanap ng iba? " tumatawang biro ni Night ng makabawi sa pag-kagulat.

" Hoy, foul 'yan " pang-gagatong pa ni Chewy at tumawa.

" Hindi, ang debate nila ay kung bakit pinagpalit si Yionna. " biro ni Gwy

Pabiro naman silang binatukan ni Yionna, " Hindi mga shala kayo, wala pang topic. " natatawang sagot ni Yionna.

Natawa nalang ako sakanila, mga loko-loko talaga hays. Matapos naming kumain ay tumambay pa kami sa MOA malapit sa may dagat, ilang oras rin kami nag-stay doon. Pag-dating ng alas singko ay nag-paalam na si Chewy at Gwy na uuwi kaya naman umuwi na rin kami nila Night at Yionna. Matapos namin ihatid si Yionna sa may ferris wheel sa MOA dahil doon daw siya susunduin ng kapatid niya ay sumakay na rin kami ni Night ng van sa may Globo ng MOA.

5:30 pm na ng makauwi ako sa 'min, dumiretso agad ako sa kuwarto dahil walang tao sa bahay. Si mama ay nasa trabaho habang yung kapatid ko namang si Shann, baka nasa eskuwelahan pa. Habang nagpapalipas ng oras ay napag-pasyahan kong mag-open ng twitter. Speaking of twitter, hindi ko parin nagagawan ng feedback yung leche flan na inorder ko sa kaibigan ng kalandian ni Night which is si Czaim sa zionbakes.

Mabilis lang lumipas ang oras, patulog na sana ako ng biglang mag-vibrate ang phone ko, sign na merong message. Napatingin tuloy ako sa phone ko ng wala sa oras.

May message si Night sa group chat namin sa twitter, seryoso alas onse ng hating gabi? Jusmiyo. S'yempre nag-reply naman ako kasi baka may need siya diba..

@moonight : loe mga teh, gising paba kayo??

@gwyntana : hindi, nagssleep typings ako hahaha xd

@justprettelyse : patulog palang bakit?

@yonalovesu : hindi pa, nanood ako kdrama

@moonight : arat daw bgc sa Friday

Wala namang event, bakit magb-bgc jusmiyo, nagtitipid ako tapos aakitin kami ng ganito ni Nightstar!

@cheywis : uys nagising ako bigla, g basta libre mo :D

SEVENTEEN (COMPLETED)Where stories live. Discover now