CHAPTER 3
Dalawang buwan na ang lumipas since that night in Xylo. Naging flings kami ni Verzion hanggang ngayon since parehas naman daw kaming 'study first' atsaka nalang daw namin lagyan ng label kapag college na kami. Si Chewy at Damian naman ay may label na gaya ni Night at Czaim habang si Gwy at Tadeo ay friends lang daw.
Sunday ngayon at wala rin naman akong tatapusing schoolworks dahil bukas pa magbibigay since next next week is finals na. Inaya ako ni Verzion sa condo niya na magbake dahil curious na curious ako kung paano niya ginagawa yung mga binebenta niya sa mini-shop niya sa IG which is zionbakes.
Nag-ring yung phone ko, napatingin tuloy ako. Oh, it's Verzion the study first guy.
Sinagot ko ang tawag niya, " Hello po, bakit po? " I asked.
" Baka po gusto mo 'ko pag-buksan ng pinto, ang init po dito sa labas ng apartment mo. " reklamo niya.
Hays shala, hindi naman siya nakatok?
" Uso po kasing kumatok para malaman ko po diba.. " pagtataray ko sakaniya.
" Ang sungit naman po ng loml ko na 'yan. " natatawa niyang sambit.
Lumapit naman ako sa pinto at ibinaba ang phone call at pinagbuksan siya.
He hugged me tight like as if may label kami, pero I wouldn't deny the fact na ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing nasa paligid ko siya.
" Hindi mo naman ako na-miss 'no? " biro ko matapos siyang bumitaw sa pagkaka-yakap sa'kin.
Nag-pout naman siya, " Eh ang tagal mo po kasi buksan yung pinto, ang init kaya. " reklamo niya.
Nagsalin naman ako ng tubig sa baso at iniabot ko sakaniya, " Hindi ka kasi kumatok paano ko malalaman na nandiyan ka pala, gosh Verzion! " natatawa kong sagot.
" Eh bakit hindi ka pa nakabihis? Sinusundo na nga kita para 'di ka na mag-commute papuntang Tondo eh. " sabi niya sa 'kin at ngumiti pa.
" Ay aalis naba tayo? hindi muna p'wedeng mag-lunch tayo? " tanong ko at tumingin sa orasan.
" Hmm, nag-luto ako ng lunch natin sa condo ko. " sabi niya at ngumiti ng malawak.
Ngumiti ako sakaniya at nag-paalam na mag-aayos lang ako para maka-alis na kami.
Grabe, bakit kaya ang gwapo pa rin ni Verzion kahit naka-hoodie lang siya at jogging pants, shala. Palagi nalang niya ginugulo ang isip ko since that night, he's so ideal and husband material no wonder kung bakit madami nagkakagusto sakaniya. Shala sila, ako ang pinili mga teh! Wala nga lang label.. okay, sabi ko nga.
Nag-suot lang ako ng jumpers at rubber shoes, pagka-labas ko ng kuwarto ay agad niya akong pinuri.
" Wow, ang ganda naman ng love of my life ko na 'yan. " nakangiti niyang sabi at tumayo.
" Sus, inuuto mo lang ako eh! " biro ko at bahagyang yumuko upang maitago ang pamumula ng pisngi ko.
" Weh, kinilig ka nga eh. " biro niya at hinawakan ang kamay ko, kaya naman napatingin ako sakaniya. " Tara na po, my adi. " ngumiti pa siya sa 'kin.
Shala ka girl, flings pa ba 'to? Parang may label kami pero wala talaga. Teka ano 'yung my adi? Baka mamaya minumura na niya ako hindi ko pa alam, emz!
" Zion, ano po 'yung ano.. my adi? " nahihiya kong tanong ng makasakay na kami sa sasakyan niya.
Ginulo niya muna buhok ko bago ako sagutin, " My adi.. hm? It means, my adiel. It comes from the bible means 'a gift from god' since you're my blessing, tatawagin kitang my adi. " nakangiti niyang sambit habang nagda-drive at lumingon pa siya sa 'kin. Napangiti naman ako.
YOU ARE READING
SEVENTEEN (COMPLETED)
Dla nastolatkówElyse, a stem students whom has a motto of study first. Who would have thought that a girl like her would be fall in love with someone whom has a same motto as her? A full credits to my editor who edited my cover, thank you so much!