"SAAN NAMAN Galing yang Lamborghini nayan?!" Gulat na tanong ni Nanay. Tipid lang akong ngumiti sakanya bago humalik sa pisnge nya. "P-Pagod ako nay. Bukas ko nalang pa sasagutin mga tanong nyo." Saad ko bago tipid na ngumiti sa dulo. Nanlalaki ang mata ni Nanay na sinundan ako. Halos hindi ito makapaniwala basi sakanyang tingin. "H-Hoy! Frair iha! Bata ka! Saan mo nga nakuha yan!"
"N-Nay bukas na nga lang po."
"A-Anong?! Anong bukas nalang?! Ngayon na!"
"Nay naman."
"Isang sagot, isang tanong. Saan mo nakuha yan?!"
"B-Bigay lang po sa akin Nay."
"Nino?! Nag sugar daddy kaba Frair?!"
"N-Nay?!"
"Sino?! Pakilala mo naman ako! Baka may kilala pa syang napatol sa edad ko! Gusto ko ding mag kakotse anak!" Hagikhik na saad ni Nanay. Nginiwian ko sya sabay tusok sakanyang tagiliran gamit ang aking hintuturo. "A-Ano kaba Nay! Ano ano yang sinasabi mo! Wala akong sugar daddy no!" Nakangiwing saad ko. Sininghalan ako ni Nanay. "Edi wala! Kanino ba kasi yang sasakyan nayan ha?! Wala namang ugok na mag bibigay ng mamahaling sasakyan eh!" Nakangiwing saad ni Nanay habang tinutukoy ang Lambo ni Ye-Joon na pinag kakaguluhan sa labas ng bahay namin.
Bumuga ako sa hangin. "Nay merong ugok na mag bibigay ng ganyan kamahal na sasakyan." Mahinang saad ko. Tinaasan ako ng kilay ni Nanay. "Sino naman ha?! Yaman naman nya yata!" Hindi makapaniwalang saad ni Nanay. Ngumiti ako ng tipid sabay tango. "Yung nag bigay po nyan. Sya yung ugok nayon Nay." Saad ko bago mabilis na umakyat paakyat sa taas. Narinig ko ang pag tawag ni Nanay pero hindi ko sya pinansin. Dirediretso lang akong umakyat sa taas.
Ng makarating ako sa taas ay mismong katawan ko na ang humila sa akin para humiga sa kama. Pabaksak kung hiniga ang katawan ko sa kama hanggang sa dumilim ang lahat. Naalimpungatan ako ng biglang may humampas sa paa ko. Mabilis kung minulat ang mata ko. Napataas ang aking kilay ng makita si Sky. "Hot babae! Sabi ng Nanay mo mag dadalawang araw kanang tulog!" Malakas na sigaw nito sa akin.
Nag taka ako sa sinabi nya. "H-Ha? Kakatulog ko palang kaya." Mahinang saad ko sabay higab. Nagulat ako nung bigla nya ulit akong hampasin. "Aray naman!" Inis na sigaw ko kay Sky pero inirapan nya lang ako. Pinakita nya sa akin ang oras at araw sa selpon nya. "Alas otso na ng gabi! Gantong oras ka natulog kahapon diba?!" Sarkastikang sigaw ni Sky sa akin. Napanguso ako sa sinabi nya. Kumamot ako sa ulo ko. "P-Paano mo naman nalaman yan ha?" Takang tanong ko sabay higab.
Mabilis na umopo si Sky sa tabi ko. Agad nya akong siniksik na para bang may sasabihin sya na napaka importante na dapat ay walang makaka rinig kahit yung butiki pa na nasa bubong. Tsk. "Chismis. Pero yung Lambo ba sa labas ay galing sa koreano mo?" Nakangising tanong ni Sky sa akin. Kagat labi akong umiwas ng tingin. Agad akong napatakip sa tenga nung biglang sumigaw si Sky. "WHAAAAAAAAAAAAAAAA! BABAE! YAPAKAN MO AKO! DAGANAN MO AKO! SIPAIN MO AKO! WOW! GANDA MO MASYADO! SANA ALL BINIBIGYAN NG LAMBO!" Malakas na sigaw ni Sky. Agad ko syang sinaway dahil sa pag sigaw nya.
Baka may makarinig at ano pang isipin. "Tumahimik kanga Sky. Ingay mo masyado eh." Nakangiwing pag suway ko sakanya. Humagikhik ng tawa si Sky sa akin na para bang wala syang pakialam kung maka bulabog sya. Tinampal nya ang balikat ko. "Nice! Nag kita pala kayo! Nabalitaan ko na hindi kadaw umuwi nung isang araw ha?!"
"C-Chismis nanaman bayan?"
"Oo! Pero mukhang totoo ha! Totoo ba Frair?"
"Tsk oo na! Hindi na ako umuwi! Kasama ko sya!" Nakangusong pag amin ko kay Sky. Tumili ito habang naka takip ang kama'y nya sa bibig nya. Todo pigil pa ito pero sobrang lakas parin naman ng tili nya kahit ito ay pinipigilan na. Tsk. "Saan kayo?! Hotel?! Condo?! Saan?!"

BINABASA MO ANG
Fresh Air Of Love
JugendliteraturFrair Gerballe, fan girl na nangangarap na makatuluyan ang bias nya na K-pop idol o Artist. Marami syang pangarap para sa sarili nya at sa Bias nya. Sa bawat panood nya ng mga video ng Bias nya. Unti unti na syang nahuhulog dito. Napapamahal si Frai...