NAPA UNGOL Ako sa sakit ng ulo ko nung imulat ko ang mata ko. Nakangiwi kung minulat ang mata ko. Agad na bumungad sa akin ang natutulog na mukha ni Ye-Joon. Napangiti ako bago hinawakan ko ang pisnge nya. Hinawi ko ang buhok nya na tumatakip sa mata nya. Nilapit ko ang aking mukha sakanyang mukha bago mabilis syang binigyan ng isang mabilis na halik sa labi. Napahagikhik ako sa pag tawag nung makitang gumalaw lang ito.
Mukhang antok na antok itong koreanong to ha! Tsk! Hindi kasi matigil kagabi eh. Yan tuloy. Yumakap ako kay Ye-Joon bago siniksik ang aking mukha sakanya. Napanguso ako nung maamoy ang mabangong amoy ni Ye-Joon. Parang hindi sya na wawalan ng mabangong amoy ha! Napanguso nalang ako lalo bago muling pinikit ang aking mata. Nakaka ilang minuto palang ako na naka pikit ang aking mata nung biglang tumunog ang selpon ko. Oo sure akong selpon ko yun. Yung ringtone ko iba eh.
Nakangiwi akong lumayo kay Ye-Joon bago mabilis na kinuha sa nightstand yung selpon ko. Mabilis kung sinagot ang tawag. Si Trex ang tumawas. "Oh bakit tatlo? Ang aga aga nambubulabog ka----?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla akong putulin ni Trex. "Frair! Frair! Si Nanay mo! I mean si Nanay nasa hospital! Sana all kasi nasa vacation eh! Pero dalian mo dito! Bumalik kana!"
"H-Ha?! A-Ano bang nangyayari?!"
"Inatake ang Nanay mo matapos na matalo sa tongits!" Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Trex. Dali dali akong tapa upo. Agad akong napangiwi nung mapa upo ako. Nakaramdam ako ng pag kirot sa gitnang bahagi ko kaya bahagya akong napa unggol sa sakit. "F-Frair?! Anyare sayo?! Hoy ayos kalang?!" Dinig kung nag aalalang tanong ni Trex. Nakangiwi akong umiling iling sa hangin. Kahit hindi nya ako nakikita.
"A-Ayos lang ako. Tatawag nalang ako sayo Trex. Balitaan kita." Nakangiwing saad ko. Mag sasalita pasana seo Trex pero mabilis ko ng binaba ang tawag. Nakangiwi akong tumayo bago mabilis na nag lakad papunta sa maleta ko. Ika ika akong nag lakad habang nag aayos sa maleta ko. Nakangiwi akong kumuha ng damit bago napag pasyahan kung maligo muna. Naligo ako sa maligamgam na tubig kaya medyo nawala ang kirot sa gitnang hita ko.
Kagat labi akong lumabas sa banyo. Nag suot lang ako ng flat shoes bago mabilis na nag suklay. Nag suot lang ako ng face mask bago nag lakad papunta kay Ye-Joon na mahimbing padin natutulog. Nakangiti akong tumitig sakanya bago nag lakad papunta sa aircon. Nilakasan ko yun. Hinawakan ko ang maleta ko bago malalim na bumuntong hininga. Babalik naman ako eh. Hindi ko lang sure.
Nag lakad ako palabas dala dala ang aking maleta. Ng may makita akong papel sa may lamesa ay agad ako doong nag sulat. Napangiti ako bago nilapag yun sa gilid.
'I love you.'
Napangiti nalang ako at tinabi yun sa kung saan makikita nya. Tumingin ako sa labas ng pintuan. Madilim pa. Kapag umalis ako ngayon ay nakaka siguro akong walang makaka kita sa akin. Napahinto ako sa pag lalakad bago dali daling lumapit sa sofa. Kinuha ko ang selpon ni Ye-Joon bago mabilis na tinawagan si Hae Yo. Ilang calls ang ginawa ko bago nito sinagod. "What? Alam kung ikaw to Frair." Inaantok na saad ni Hae Yo. Napangiti ako sa sinabi nya.
"K-Kailangan ko ng tulong Yo." Mahinang saad ko pagkat baka magising si Ye-Joon. Narinig ko ang pag ubo ni Hae Yo. "Why m-me?" Pag aangal na tanong ni Hae Yo sa akin. Napalabi ako. "I-Ikaw lang kasi ang kilala kung number eh, dito sa phone ni Ye-Joon." Nakalabing saad ko. Narinig ko ang pag singhal ni Hae Yo. "Fine, what do you need?" Dinig kung tanong nito nama'y halong pag kainis.
Bumuntong hininga ako bago tumingin sa pintuan na naka bukas. Kitang kita ko dito sa kinakatayuan ko ang natutulog na si Ye-Joon. Nakayakap sya sa unan ko. Nakagat ko ang ibaba kung labi bago umiwas ng tingin kay Ye-Joon. "T-Tulungan mo ako na umalis dito. Y-Yung walang makaka alam. Please?" Kagat labing tanong ko kay Hae Yo na nasa kabilang linya. Wala akong narinig na kahit ano sakanya ng ilang minuto. Narinig ko ang pag tikhim nito matapos ang matinding katahimikan. "B-Bakit?"

BINABASA MO ANG
Fresh Air Of Love
Teen FictionFrair Gerballe, fan girl na nangangarap na makatuluyan ang bias nya na K-pop idol o Artist. Marami syang pangarap para sa sarili nya at sa Bias nya. Sa bawat panood nya ng mga video ng Bias nya. Unti unti na syang nahuhulog dito. Napapamahal si Frai...