1:Hunter

54 12 9
                                    


Napatingin ang lahat sa lalakeng pumasok sa loob ng lugar. Ang damit nito ay napaka Rumi at may Ilan ring butas rito. Sa likod nito ay nakita nila Ang Isang katana, Isang sandata na hindi madalas makita sa lupain.

"Sino Yan?"

"Hindi ko alam." Bulungan ng dalawang babae na malapit ang upuan sa pintuan ng lugar.

Ang lalake ay walang pakialam sa kanila, isiya nag lakad patungo sa Isang upuan sa sulok at doon ay umupo. Lahat ay nag tinginan at para bang walang gustong lumapit rito.

"Genro, mukhang bisita ka!" Pag basag sa katahimikan ng Isang matandang lalake.

Lumabas galing sa Isang pintuan ang Isang binata, napaka itim nito at may ilang sugar sa mukha. Nakangiti siyang lumapit sa matandang sumigaw.

"a-ano po iyon, tandang Waro?$

"Mukhang may bisita ka."

Sagot ng matandang sabay turo sa lalake na nakaipo sa sulok. Nang tumingin rito Ang binta ay nawala Ang ngiti nito. Mabilis siyang lumapit sa lalake at mahina ngunit seryosong nag salita.

"Sumunod ka sakin."

Sa pag lingo ng binata ay muli na itong nakangiti. Pumasok ulit ito sa pintuan, kasunod na Ang lalake. Ang lugar ay maliit lang na kwarto: kasya lang ang lamesang nasa loob at ang kaunting mga gamit.

Naupo ang binata sa upuan na nasa likuran ng lamesa, kaharap Niya ang lalake. Pinag masdan Niya ito, ang buhok nito ay kulay dilaw, may sugat rin ito sa kanang mata na umabot sa kanyang mukha.

"Ikaw ba si Arko?"

"Ako nga." Sagot ng lalake. Napaka lalim ng boses nito.

"Alam mo naman siguro kung bakit nandito Hindi ba." Pag sasalita ng binata, Hindi parin nawawala Ang pag ka seryoso nito.

"Ang dami mong sinasabi. Oo, alam ko."

Napangiti ang binata, hidni Niya rin alam kung bakit. Madalas ay nagagalit siya kapag ganito siya sagutin pero may kakaiba sa lalake. Para bang kahit siya nakakaramdam ng takot, tumingin palang rito.

"Pasensya kana. Ayaw ko lang kasi gumastos kapag alam kong Hindi Naman magagawa ng maayos yung trabaho."

Hindi sumagot ang lalake. "Kailangan mong lumatay ng bampira."

Pag sasalita ng binata ngunit sa pag kakataong iyon ay nawala na Ang oag kaseryoso niya. Ang totoo ay iniutos lang sa kanya Ng kanyang amo ang bagay na ito, Hindi Naman siya pwedeng tumanggi. Hindi na siya naniniwala sa mga ibang nilalang malibam sa tao at sa hayop.

"Hindi kaba naniniwala sa bampira?" Nakangiting tanung ng lalake. Sa pag kakataong iyon ay nakaramdam na siya ng inis.

Para bang binabasa ng lalakeng ito Ang nasa loob ng kanyang isipan. "Hindi."

"Bakit Naman?"

"Ewan."

"Kasi Hindi mo nakikita?"

"Bakit ba Ang dami mong tanung?" Pasigaw niyang tanung sa lalake, Hindi na Niya naitago Ang inis na nararamdaman.

Nang bumukas ang pintuan at sumilip ang Isang dalaga ay huminga siya ng malalim. Naka ngiti siyang humarap rito. Matapos sabihing ayos lang lahat ay umalis rin ito. Natatakot siyang mag sumbong ang mga tao rito na mabilis siyang magalit.

Binuksan Niya ang Isang drawer na nasa lamesa at kinuha roon ang Isang papel. Inilagay Niya ito sa ibabaw ng lamesa at mabilis namang kinuha ng lalake.

"Lugar, at oras kung kailan ka pupunta."

"Ver-"

"Huwag mo ng sabihin." Mabilis na Sabi Ng binata, halata ulit sa boses Niya ang inis.

Ngumiti ang lalake na para bang nang aasar at mabilis na tumalikod para umalis. Naiwan mag isa ang binata, na nasa malalim na ulit na pag iisip.

Binuksan ng nagngangalang Arko ang papel, nakasulat roon ang mga salitang: Verson Tower, ika apat na Gabi. Mamayang Gabi na Ang tinutukoy ng nakasulat sa Papel.

Ang tore ay siyang tanging mataas na gusali sa lugar. Ito ay gawa sa bato, Hindi katulad ng mga gusali sa bayan na gawa sa kahoy. Ang lugar ay abandonado at wala naring pumupunta dahil sa kwentong may bamipra doon. Sa ilalim ng tore ay may Bahay at nandoon si Arko. Pumunta siya sa lugar ng papalubog na araw kung saan ang lahat ng tao ay pumapasok na sa kanilang mga Bahay. Isa iyon sa mga nakasulat sa Papel: Huwag kang mag papakita.

Nakasilip siya sa bintana ng Bahay na gawa sa bato, pinapanood ang pag hiwalay ng mga ulap at pag labas ng buwan. Nag bilang siya ng sampu, at nang marating Niya ang dulp ay tuluyan ng nakikita ang bilog na buwan. Umalis siya sa bintana at pumasok sa Isang pintuan, Dala ang kanyang ispada.

Ang pintuang kanyang pinasukan ay papasok sa tore. Ang lugar ay masikip at kapag may kasama kang papasok tiyo ay hindi kayo pwedeng mag lakad ng mag kakatabi. Tahimik siyang nag lakad Hanggang sa makita Niya ang hagdan papaakyat.

Ang lugar ay tahimik, kung ibang tao ay siguradong matatakot habang nasa loob ng lugar. Kapag ang hanngin na galing sa laba say pumapasok sa loob ay para bang nagiging sigaw ng Isang babae. Nadaanan ni Arko ang Isang pintuan pero hindi Niya pinasok, wala rito Ang kanyang hinahanap.

Nag patuloy lang siya, ilang pintuan pa Ang kanyang nadanan, at ang sigaw ng babae ay patuloy lang rin. Matapos ang 50 na kahbang ay narating narin ni Arko ang huling pintuan- ang tuktok ng tore.

Nang bubuksan Niya na ito ay narinig niyang bumukas ang mga pintuang kanyang nadaanan. Nang silipin ay nakita Niya ang napaka kapal na usok na lumabas sa mga pintuan. Mabilis siyang pumasok sa pintuang nasa kanyang harapan pero bumungad sa kanya ang hubad na katawan ng Isang babae.

Ito ay nakahandusay sa gitna ng kwarto, ay nakita Niya na Ang mga dulo ng kamay nito ay nangingitim. Mabilis siyang pumasok sa loob at lumayo sa pintuan at sa katawan. Hindi pa iyon Ang tamang oras. Tumingin siya sa nag iisang binta ng kwarto at nakita Niya ang napaka liwnaang na buwan.

Mula sa butas ng pintuan ay pumasok ang puting usok, ito ay gumapang papunta sa katawan ng babae Hanggang sa tuluyan na itong takpan- at saka niya kinuha ang katana sa likuran. Mula sa usok na until unting tumataas - iyon ay Hanggang tuhod na ni Arko- narinig niya ang Isang ingay. Para bang may kung anong gumagalaw sa gitna ng usok.

"Polos Vanos!"

Ang paningin Niya ay tumalas at para bang nawala Ang usok. Sa gitna nito ay nakita Niya ang babaez ito ay nakatayo na , at nakatingin sa kanya.

"Isang binata," Bungad nito, ang boses ay nang aakit.

"Sino Ang nag pa punta sayo ritoz Demonyo?"

"Hindi ko alam? Pero baka maalala ko kapag natikman na kita."

Napaka bilis ng babae, namalayan nalang ni Arko na malapit na ito sa kanya, kinakagat nito Ang kanyang Tenga. "Napaka bango mo, binata." Sabay dila sa kanyang leeg.

"Farro!"

Tumilapon Ang babae palayo sa kanya. Ito ay tumalsik papaunta sa pader ng tore. Nag lakad si Arko papunta sa katawan nito, sa kanang kamay Niya ang katana. Hindi pa siya nakakalayo ng muling tumayo ang babae, ang mga mata nito ay nanlilisik at mga magaganda nitong ngipin ay napalitan ng mga matutulis.

"Mamatay kana!" Sigaw nito sabay talon papunta sa kanya.

Mabilis na inihampas ni Arko ang ispada, at sabay iniwasan Ang babae. Nang ito ay makababa na ay wala na itong ulo. Ang katawan nito ay nag kikisay sa sAhiy ng tore pero hindi rin nag tagal ay naging abo ang katawan at Ang ulo nitong tumalsik sa sulok. Sinundan niya ito ng mata, ang abo ay nilipad papunta sa nag iisang bintana.



Slayer (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon