Ang mga Puno kabilang bahagi ng ilog ay malalaki at dikit dikit, na siyang dahilan kung bakit madilim ang lugar. Ang iba nilang kasama ay nag lakad papunta sa iabng direksyon upang hanapin ang matanda. Kasama ni Arko ang matabang lalake, Isang lalake nasa tingin Niya ay nasa 30 + ang edad, at si Genro."Sa tingin niyo po ba tama itong gagawin natin?" Nag aalalng tanung ng lalake sa matabang amo ji Genro.
Ang katawan nito ay napaka laki, bato bato kumpara sa puro tabang katawan ng amo ni Genro, pero Ang matabang amo ay siyang nauuna habang ito ay nasa likuran lang katabi ni Arko.
"Oo Naman! Sa tingin mo, saan paba pupunta yung hayop nayun?"
"Eh, yung lugar nayun ginoo. Alam mo naman Diba?"
"Gago ka talaga! Walang halimaw o kung ano doon! Saka kaya nga natin sinama tong si Akoh eh!"
Lumingon sa kanya Ang lalake, nakita Niya ang takot, at tanung sa mga mata nito. "Sino bayan? Narinig ko Ang tungkol sa kanya pero-"
"Ang dami mo namang tanung!" Galit nitong sigaw.
Napayuko ang lalake. Hindi nag tagal ay nabawasana ng bilang ng mga Puno Hanggang sa marating nila ang Isang daanan. Wala ng mga Puno room, tanging npaka lawak na lamang na lupain- kung tanghalinh tapat sila nakarating roon ay sigurado na mikita nila Ang mga bulaklak ngunit papadilim na ng makalabas sila.
Sinundan nila Ang daanan, ito ay patungo sa Isang mataas na burol. Nag masid si Arko sa paligid, ang lugar ay tahimik at Hindi katulad sa lupain na malapit sabbayan, walang makitang Buhay sa lugar.
"Putang Ina mong matanda ka, nasaan kana?!" Galit na sigaw ng lalake.
Nasa Isang abandonadong bayan sila. Ang lugar ay para bang matagal ng iniwan ng mga nakatia rito, ang lahat ng gusali at nabubulok na Ang mga materyales, at napansin rin ni Arko na karamihan sa mga ito ay nangingitim.
Nag patuloy sila sa pag lalakad sa loob ng bayan, nakita narin nila Ang iba nilang mga kasama. Nang makarating slla sa gitna ng bayan ay nakita nila Ang tumpok ng kahoy na para bang may nag sunog rito.
"Hinfi niyo po ba nahahanap ang matanda?" Galit na tanung mga matabang lalake sa Isang lalake.
"Wala siya rito, Amo."
"Putang Ina talaga!"
"Ano ng gagawin natin?" Tanung ng lalake na kasama nila kanina. Ito ay palinga linga sa mga abandonadong Bahay, nakikita ni Arko ang takot sa mukha nito.
"Pasukin niyo ang lahat ng Bahay rito!"
"Aba Teka lang!" Sigaw ng Isang lalake, malaki ang katawan nito, walang buhok Ang ulo nito. "Wala to sa usapan."
"Anong usapan, Amo mo ako! Kung ano sabihin ko yun ang-"
"Sino yung nandyan?!" Sigaw ng Isang binata.
Nang tumingin si Arko sa direksyon nito ay nakita Niya na nakatingin ito sa isang bahay, at sa likuran niyon ay nakita Niya ang Isang ulo, may lima itong mata at ngipin na Puno ng pangil. Nakita ju Arko ang paghaba ng leeg nito, mabilis iyong lumabas mula sa likuran ng Bahay. Isang nakabinginh sigaw ang narinig sa buong bayan, Ang ulo ay papatayin na Ang binata na nakaupo na sa lupa dahil sa takot, ng humarang si Arko. Nang ibaba Niya ang ispada ay tumalsik na Ang ulo ng halimaw.
"Putang Ina ano Yan!" Sigaw ng matabang lalake, rinig ni Arko ang takot doon.
"Mga demonyo! Walang aalis sa lugar na ito!" Sigaw Niya sabay mabilis na inikot ang paningin.
Mula sa bubungan ay nakita Ng lahat kung paano tumalon ang napaka raming mga halimaw, karamihan sa kanila ay nakaramdam ng takot nang makita ang mga itsura nito.
BINABASA MO ANG
Slayer (SLOW UPDATE)
FantasíaSi Arko ay Isang Demon Hunter. Ang kanyang nakaraan ay napaka gulo ay Puno ng patayan kaya pilit niya itong kinalimutan ngunit ang bago niyang trabaho ay siyang magiging daan upang balikan niya ang mga iyon.