one shot

25 2 0
                                    

"Gago yung lalaking yun!!! ang tanga tanga ko. Bakit nagpaloko ako dun? malalaman ko nalang may anak at asawa na pala sya??? pineperahan nya lang ako", hindi ko alam kung sino kinakausap ko. Masama lang talaga ang loob ko.

"Miss? hindi ka pa ba uuwi?", sino to? ang galing nito ah! kala mo kung sino para sabihan ako ng ganun!!!

"Sino kaba? Hindi ikaw ang nanay ko kaya wag mo kong pakealaman!!!!!" , dinuro duro ko sya. At hindi ko alam pano ako napunta dito sa labas. Nakahiga sa malamig na sahig kasama ang mga kapus palad na kasabay kong giniginaw.

Tumayo ako at sinimulan kong maglakad, hanapin ang daan pauwi.
Talaga naman... naligaw ligaw na ako. Hilong hilo ako.. hindi na kaya ng mga paa ko. may dumaan sa harap ko na kotse. At sakto, bumagsak ako..

....

"Aray ko.. sakit ng leeg ko..", pag mulat ko, umaandar na ako. Aba. Ang galing ! hanep na panaginip to ah.

"Miss, ok ka lang? Saan ka ba uuwi? ", may tinig na parang anghel. Naririnig ko. Hayss. Parang ang gwapo gwapo ng lalaking nagsasalita.

"Miss", biglang may humawak sa braso ko..

"ahhhhh!", sigaw ko sabay takip sa dibdib ko. Ewan ko, baka kasi rape-in nya ko

"Miss, chill ka lang..", sambit nya

"Inaasahan mo ko mag chill lang e hindi nga kita kilala. Baka rape-in mo ko", sagot ko habang diring diri na umiiwas sa kanyas

"Nakita kong hinimatay ka bigla sa gitna ng daan. Kaya sinakay kita. Baka pag tinabi kita dun sa gilid, rape-in ka ng mga tambay"

"Talaga??? ",tanung ko sa kanya para sgurado

"Cold water oh. Walang lason. Galing 7-11 yan", kinuha ko. Uminom ako at wala akong masabi. Mukha namang mabait. Naalalako yung hinayupak na ex ko.. matagal kaming hindi nag imikan

"San ka uuwi? hatid na kita", mahinahon nyang sambit habang nagpapa gas.

"Boardwalk..",sambit ko

"Ha? 3am, boardwalk?? ", tanung nya at tumango nalang ako. Dinala nya naman ako sa boardwalk.

Hindi ako umiimik nung bumaba ako sa 1984 corvette nya. Ganda..mukhang mayaman tong naka bingwit sakin ah.

"Ok kana?", tanong nya pero hindi ko sinagot, umalis ako agad.

Umupo ako sa buhangin.. pinaparinggan yung pagaspas ng alon. Pinapakiramdaman yung malamig na hangin.humiga ako.nakatanaw sa langit.

"Malamig.. kaya naisip kong dalhan ka ng coffee at blanket. May I sit with you?", kinuha ko yung kape. Tumabi sya sakin. Naka suit and tie pa sya.

"Office Man?", tanung ko.

"Yes.. and you? Important occassion with boyfriend kaso nag break kayo kaya naglasing ka at hindi alam pauwi?"

"gaano naba karaming babae ang tulad ko ang bigla mo nalang sinakay sa kotse mo at bakit alam na alam mo?"

"Beautiful red dress. Hair, make up and real jewelries."

"Ang galing mo ha..", sambit ko tapos, wala ng nagsalita..

"Ever been to a light house?", tanong nyasakin at umiling ako ng hindi pa. Hinila nya ang kamay ko at dinala sa isanglight house. umakyat kami. Ang lamig ng hangin!!!!

Little Red Riding Love (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon