CHAPTER 2

29 2 51
                                    

"Matthew 9:34
But the Pharisees said, He casteth out devils through the prince of the devils."

Jashwi's POV.

I feel suffocated, swallowed by a deep and dark abyss. I tried to remember anything but i only remember a faint voice of a person speaking an unknown language and the feeling that it gives me, affects me fully whole.

Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit nararamdaman kong nagaapoy ang katawan ko sa init, pilit na hinahabol ko ang hininga pero hirap na hirap akong makasagap ng hangin.

Ipinilit kong imulat ang aking mata at nagulat ako sa aking nakikita. Nakahiga ako sa isang malaking box na kasya lang ang katawan ko, kitang kita ko ang buong detalye ng paligid ng kahoy na box. Hirap na hirap na ko sa pag hinga ngunit hindi padin ako makapaniwala sa aking nakikita.

"Hin- di ma- aari." Halos bumubukol na ang ugat sa aking leeg dahil wala akong nasasagap na hangin, at dahil na din sa pilit kong pagsalita ay lalo akong nahirapan.

Hindi pwede... Nasa kabaong ako!

*BAM* *BAM* *BAM* *BAM*

Pinilit kong suntukin ang kabaong at pagsipa-sipain ito pero lalo lang akong nahihirapan sa pag hinga at pag galaw. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng mga kamao ko at kitang kita ko ang mga sugat ko at nagdudugo ang mga ito.

Pinilit kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko, desperadong desperado nang kumuha ng hangin ang mga baga ko.

*SKREEK* *SKREEK* *SKREEK*

Halos kinakalmot ko na ang kabaong pero wala pading nangyayari. Sobrang natataranta na ako dahil sa kawalan nga ng hangin hanggang sa nanghihina na ako at unti-unting dumidilim ang paligid at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

-AFTER 10 MINUTES-

Nararamdaman kong nag aapoy sa init ang aking katawan, hirap na hirap ako sa paghinga. Hinahanap ng aking katawan ang hangin ngunit bigo ito.

Hindi pwede. Umuulit nanaman ba?
Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko at hirap na pinagmasdan ang paligid.

Panaghinip ba ito? Kung oo ay isang masamang bangungot na ito.

Nakita ko ang kaunting warak sa gitna ng kabaong at nakita ko din ang iilan sa mga dugong naiwan kanina dahil sa pagsuntok at paghampas ko sa kabaong. Kitang kita ko din ang mga kaluskos sa gilid ng kabaong marahil na din sa paghihirap ko kaninang makasagap ng hangin.

Pero parang may mali, ang mga kamao ko... Walang sugat. Imposible.

*BAM* *BAM* *BAM* *BAM*

Sinusuntok ko na ang bahagi ng gitna ng kabaong dahil may crack na dito.
Malaking ginhawa ang lumabas sa aking katawan ng naalala ko ang napanood ko sa Metube. Gitna ng taas ng kabaong ang madaling sirain at kailangan duon lumusot sa butas ang aking katawan.

(Author's note: Metube= Youtube.)

Ngunit nararamdaman ko nanaman ang desperadong pagkuha ng aking katawan kaya naman agad akong nataranta at nararamdaman ko nanaman ang pagkahina at ang unti-unting pag dilim ng paligid sabay na din ng pagkawala ng aking malay.

-AFTER 10 MINS. AGAIN.-

Nararamdaman kong nag nag aapoy sa init ang aking katawan, hirap na hirap ulit akong makahinga pero ngayon, mas pinatili kong kalmado ang aking pag sarili.

napansin ko nanamang ang mga sugat ko sa pag suntok kanina ay nawala ngunit ang mga dugo ay naroon padin.

Kasing laki na ng kamao ko ang butas na nagagawa ko.

Immorality to ImmortalityWhere stories live. Discover now