Manila City Jail (2003)
Napakalakas ng buhos ng ulan ng mga oras na iyon. Halos nakakabingi ang mga patak ng ulan na tumatama sa yero. Gumuguhit ang kalangitan kasabay nun ang liwanag at nakakagulat na kulog. Napaka lakas ng bagyo ng gabing yun.
Sa isang tahimik na selda, maririnig ang mga nagsama-samang hilik ng mga magkakatabing preso. Masarap ang kanilang tulog, nakatiklop ang kanilang mga katawan para malabanan ang lamig ng hangin na nanggagaling sa labas ng rehas na bintana.
Sa isang sulok ng nasabing selda ay may isang preso na gising parin sa mga oras na iyon. Nakaharap sya sa isang maliit na altar at tahimik na nagdadasal. Makikilalang relehiyoso at mataas ang pananampalataya nya sa dyos pero nakakagulat na kabaliktaran ng dahilan kung bakit sya narito sa bilangguan…… lulung sa pinagbabawal na gamot, ginahasa nya ang kanyang dalawang batang anak na babae matapus nun ay pinatay nya ang kanyang buong pamilya…….paulit-ulit ang kanyang dasal sa harap ng maliit na altar na yun. Walang araw na hindi sya makikitang nagdadasal. Sampung taon na sya sa bilangguan, matipuno ang kanyang katawan at maskulado, kilala sya sa alyas na Bungo.
Maraming preso na pinagkakamalan na syang baliw at wala na sa tamang pag-iisip.
Isang oras na syang nagdadasal sa maliit na altar ng biglang……….
“WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE” tumunog ang malakas na sirena sa buong Manila City Jail.
“May mga tumatakas!.......MAY TUMATAKAS!” malakas na sigaw ng isang pulis habang tumatakbo. Dito na nagkagulo ang lahat……
Nagising ang maraming preso sa mga bawat selda ng buong bilangguan. Maraming pulis ang nagsilabasan upang pilitin nilang matigil ang kagulohan.
“May dalawang preso ang tumatakas,” sigaw ng isang preso na nakahagilap ng impormasyon. Kumalat ito sa lahat at mas lalong humupa ang sitwasyon. Nagsisigawan silang lahat at gusto rin malakalabas sa kanilang mga selda. Patuloy parin ang maingay na tunog ng sirena sa buong paligid.
“BAAAAAAAAANG” isang putok ng baril na umalingaw-ngaw sa buong paligid, narinig ito ng lahat at sandaling nagkatahimikan……
Ngumiti si bungo bago bumulong na. “Salamat panginuon, sinagot mo ang aking dalangin, amen”
Sunod-sunod na putok ng baril na ang maririnig
“T*ng ina ka, tatakas pa kayo!” sigaw ng isang galit na galit na pulis sabay suntok sa tyan ng nahuli nilang preso.
Tumalsik ang kaunting dugo sa kanyang bibig dahil sa lakas ng suntok “Maawa po kayo, wala po akong kasalanan,” nagmamakaawang wika ni Boy Pitik.
“Nang dahil sa inyo, nagkagulo na ang lahat! Sino ang may pakana nito?!”
“Si Oliver po Sir!,” sagot ni Boy Pitik.
Isa-isa nang nagbubukas ang mga selda ng mga nakakulong na preso, karamihan sa kanila ay nakalabas na at nagpupumilit narin na tumakas. Nilabas na nila ang kanilang mga nakatagong armas. Sa labis nilang gustong tumakas ay nagawa na nilang lumaban sa mga pulis.
Nakalabas narin si Bungo sa selda na nakangiti.
Nagkakagulo na ang lahat. Nagkaruon na ng matinding Riot sa pagitan ng mga mga pulis at mga preso. Mas lalong lumakas ang bagyo.
Kalmadong naglalakad lamang si Bungo habang naglalakad habang ang mga iba naman ay nagkakagulo. May bumangga sa kanyang isang preso. Nainis si Bungo, sinutok nya ito sa mukha at inagaw ang hawak nitong baril.
Dahil sa kagulohan ay pati ang mga ibang preso ay pilit na gustong makatakas. Ang mga iba ay nagawa nilang buksan ang kanilang mga selda. Maraming preso ang nakatakas dahil sa pangyayari. Ang mga iba ay nagawang mang-agaw ng baril upang magkaruon ng sandata. May mga iba ring natatakot at nanatili nalang sa kanilang mga selda.
“SIR ANG MGA IBA PONG PRESO AY NAKATAKAS NARIN. MAY MGA HAWAK NARIN SILANG MGA BARIL GALING SAATIN!” balita ng pulis sa serhento.
“SIGE I I COMMAND TO SHOT TO KILL lahat ng mga presong tumatakas at lumalaban. Pakawalan narin lahat ng mga K9-dogs!” utos ng sarhento.
Maraming putok ng baril ang maririnig, halos naging madugo ang gabing iyon, makikita ang mga nakahandusay na mga preso at mga pulis sa buong Manila City Jail.
Lahat na makitang pulis ni Bungo ay binabaril nya. Nakangiti sya habang pinuputok ang hawak na baril. Sa kanyang pagtakas ay tinahak nya ang isang masikip at madilim na talipapa na nasa luob pa mismo ng MCJ, may mga naririnig narin syang mga tahol ng aso sa paligid. Hindi nya iniinda ang mga bawat sugat sa kayang katawan, may tama narin sya ng baril sa kanyang kanang braso. Napagod sya at naupo muna ng saglit upang makapagtago sa mga maraming pulis.
Maya-maya pa ay may narinig si Bungo na buses sa hindi kalayuan.
“Sumuko ka na Oliver at ibaba mo ang hawak mong baril!” sigaw ng isang pulis.
Bahagyang similip si Bungo upang makita ang kaganapan. Natanaw nya ang maraming pulis na pinapaligiran ang isang preso.
“Si Oliver!” gulat ni Bungo.
Lahat ng mga baril ng mga pulis ay nakatutok kay Oliver.
Tumingala sa kalangitan si Oliver. Tumatama ang mga malalaking patak ng ulan sa kanyang duguang mukha. Nawala nang magagawa si Oliver nang mga oras na iyon. Bigla nyang sinubo ang hawak nitong baril at pinutok.
“BAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNG!” halos sumabay pa ang malakas na kulog na yumanig sa katahimikan.
Nanlaki ang mata ni Bungo sa nasaksihan. Tinakpan nalamang nya ang kanyang bibig upang hindi makasigaw. Si Oliver ang matagal nyang nakasama sa luob ng bilangguan. Alam nya ang nakaraan ni Oliver. hindi nya namalayan na lumulo na pala ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
“kayong lahat, kunin nyo na ang bangkay na to!” utos ng isang pulis.
Nang makaalis na ang lahat, bumalik na muli ang katahimikan sa paligid, wala nang maririnig na putok ng baril. Natapus narin ang madugong kagulohan. Dahan-dahan na lumapit si bungo sa lugar kung saan nagpakamatay si Oliver. Duon ay naiwan ang kwistas na krus na suot ni Oliver. Pinulot ito ni Bungo. tumulo muli ang kanyang luha. Mahigpit na hinawakan ni Bungo ang kwistas na cruz
“Oliver,” nasabi nalang nya sa kanyang sarili…..
BINABASA MO ANG
Plate Number: VMM 507 (hold)
Horror(.sequel of "the case unclosed story of Mary Cherry Chua") Kidnapping is rampant nowadays. Kidnappers usually asked ransom money from the parents of their victims. But lately, I was disturbed of the news about the kidnap victims whose internal orga...