ch.2 - Job Interview

1K 19 2
                                    

SMQC( st. mary’s academy quezon city), 2008

Limang taon ang lumipas matapus ang madugong riot sa Manila City Jail.

“Jake Daniel, Garcia” wika ng school administrator habang binabasa nya ang teacher’s application.

“Yes Sir.”

“Graduate ka pala ng highschool sa Manila University at kumuha ng education sa UP Diliman,”

“Opo Sir, sa katunayan po ay graduate ako ng Major in english. At may experience narin po ako mag turo sa mga grade 3 ng word history.” Paliwanag ni Jake na nauutal pa ang buses dahil kinakabahan sa job interview. Namamawis pa ang kanyang nuo.

“Maganda ang credential mo simula 1st and 4th year ka. Maganda to upang makapagturo ka dito sa mga studyante,” sabi ng school administrator.

Bahagyang napangiti si Jake sa kanyang narinig.

“Well kaylangan nga namin ng mga magagaling na teacher na tulad mo. Kaunti narin kasi ang mga nagtuturo dito sa paaralang ito. Ang mga iba ay nag abroud na, tanggap ka na dito sa SMA” inabot ng school administrator ang kanyang kamay upang makipagkamayan kay Jake.

Agad naman itong hinahawakan ni Jake upang makipagkamayan, “Maraming salamat Sir, ibibigay ko po ang best ko para makapag turo dito,”

“800 student ang kabuoan bilang ng mga nag aaral dito simula kinder at highschool, sana ay buo ang pasensya mo sa mga ibang batang makukulit at pasaway dito,”

“Wag kayo mag alala sir. Mahaba po ang pasensya ko para sa mga estudyante,” wika ni Jake.

“Well pwede ka na magsimula sa Monday, magiging adviser ka ng  IV bonifacio,”

“Maraming salamat po ulet ng marami sir,”

“Walang ano man, welcome Jake dito sa st. mary’s academy”

“DIIIIINNNNNG DOOOOONG! DIIIIIIIING DOOOOONG!” malakas na tulog ng school bell.

May halong lamig at hamog pa ang umagang iyon. Isa-isang lumbas ang mga studyante sa kanilang mga klasroom upang magtungo sa school ground. Tuwing lunes ng umaga ay schedule nila ang mag flag ceremony bago ang klase.

May halong antok pa ang mg ibang estudyante, ang mga iba ay humihikab pa. lahat sila ay nakapila ng pantay. Nakaharap silang lahat sa flag pole at sabay-sabay na umawit ng lupang hinirang

Bayang magiliw

Perlas ng silanganan

Alab ng puso

Sa dibdib mo'y buhay

Lupang Hinirang

Duyan ka nang magiting

Sa manlulupig

Di ka pasisiil

Sa Dagat at bundok sa simoy

At sa langit mo'y bughaw

May dilag ang tula

At awit sa paglayang minamahal

Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning

Ang bituin at araw niya'y kailanpama'y di magdidilim

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta

Buhay ay langit sa piling mo

Aming ligaya nang pag

May mang-aapi

Ang mamatay ng dahil sayo

Bago matapus ang flag ceremony ay huramap muna ang school principal sa mga studyante upang mag bigay ng anouncement.

“Magandang umaga sa inyong lahat. Nais ko ipaalam sa inyo ang school policies ng ating skwelahan. Mula sa araw na ito ay magiging mahigpit na ang entrance na no ID no Entry. Pinagbabawalan rin na pumasok sa mga studyante na incomplete uniform. Sa mga bawat studyante na mahuhuli na nag ccuting classes sa gitna ng school hours ay mamarkahan ang kanilang mga handbook ng absent,”

“Pssst Robert, tignan mo ang school principal narin hulaan mo sinong kamukha nya,” bulong ni Rico na nasa pila.

Bahagyang nabungisngis si Robert sa bulong ni Rico, “Ang tanda na nya kasi, mukha syang Impakto,”

Muling napatawa ng tahimik sila Robert at Rico.

“Eh kaya naman pala walang asawa principal natin, balita ko kasi matandang dalaga  na yan.”

“Pero lam mo Rico, kung makapag asawa man si Madam Principal, malamang kapre yun at tyanak naman ang magiging anak nila,”

Hindi napigilan nila Rico at Robert ang kanilang tawanan. “HAHAHAH”

Napansin naman sila ng isang guro na naglalakad, tahimik silang sinita nito.

Patuloy parin na nagsasalita ang principal sa harap ng maraming studyante. “Wag nyo kalimutan na mag aral ng mabuti at sundin lahat ng mga alintuntunin ng ating paaralan, magandang umaga at pwede na kayo bumalik sa inyong mga classroom.

Dahil wala pang guro ang mga IV-Bonifacio ng umagang iyon. Halos napaka ingay ng buong klasroom. Karamihan sa mga lalake ay nagkukulitan at ang mga babae naman ay nagkkwentohan.

“Uuuuy alam nyo na ba ung chismis, bata ko kasi may bago tayong adviser ngayon.” Wika ng isang babaeng studyante habang nag iipit pa ng buhok.

“Ayy ganun sino naman?” tanong naman ng isang dalagang babae,”

“Ang pagkakaalam ko kasi lalaki sya, Bata pa dawww,”

Halos kiligin lahat ng mga babaeng naguusap,

“AAAAAAAAAAAY, naku for sure gwapo yun, hindi ko pa nakikita crush ko na sya!”

“Hey girls, bakit pa kayo kinikilig sa bago nating adviser eh andito naman ako, gwapo rin naman,” wika ni Robert. Narinig nya ang pinag uusapan ng mga dalagang nag uumpukan.

“Naku, aaminin ko cute ka nga pero walang babaeng magkakagusto sa iyo kasi manyak ka!”

“Suuuuus malambing lang ako, parang hindi mo ako naging crush dati ah,” sabi ni Robert.

“Yuck kadiri ka, feeling mo naman may gusto ako sa iyo,!”

“Hahahahahaha, Biro lang ang aga-aga ang sungit mo, lalo ka nyan tatanda sige ka,”

Nagtawanan naman ang mga ibang babae.

“Hay naku Robert, nababadtrip ako sa iyo, duon ka na nga!”

Sa pinaka huling upuan ay mahimbing na natutulog si Spade. Palaging nakikitang tulog si Spade sa luob ng klase. Kilala rin sya sa pagiging siga. Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay naiisturbo.

Patuloy parin na nagkukulitan ang mga ibang lalakeng  studyante sa klasroom, halos nagbabatuhan na sila ng mga notebook at bote ng mineral water. Hindi nila sinasadyang natamaan nila si Spade na natutulog parin.

Natahimik ang lahat sa nasaksihan.

“Patay, gulo to,”

Plate Number: VMM 507 (hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon