ch.3 - lason na pag ibig

966 26 15
                                    

“Anna, Mahal mo ba ako?” malambing na tanong ni Spade sa kaharap na dalaga. Disente ang kanyang damit at may hawak pa itong rosas.

“Alam mo naman diba kung ano yung nararamdaman ko sa iyo,” matamis na tinig ni Anna.

“Eh, ang tagal ko na kasi nangliligaw sa iyo, kaylan mo ba kasi ako sasagutin, hindi na ako makapaghintay. Naiinip na ako para sa matamis mong Oo,”

Huminga ng malalim si Anna bago magsalita. “Diba Spade, palagi ko sinasabi sa iyo na mga bata pa tayo. Saka may tamang panahon para sa bagay na gusto mo.

“Kaylan pa iyon. Sabihin mo na para hindi na ako maghintay. Parang nawawalan na ako ng pag-asa. Parang ayaw mo na saken.” Biglang nalungkot ang mukha ni Spade.

“Alam kong mahal mo ako at gusto rin kita. Ang kinatatakot ko lang ay baka may girlfriend ka na kung sasagutin kita. Hindi nakakapagtakang maraming magkagusto sa kagwapohan mo.

“Anna, Nasa iyo lang lahat ng atensyon ko, ibibigay ko lahat pati ang oras ko. Mamahalin kita hanggang lumipas ang panahon, hindi ako magsasawang mahalin ka,” pagsuyo ng binata.

“Talaga?”

“Oo magtiwala ka,”

Dahan-dahan na lumalamit ang kanilang mukha upang magbigay ng isang matamis na halik nang biglang……….

“PAAAAAAAAAAAAK”

Natamaan sa ulo si Spade ng isang bote ng mineral water. Bigla nalamang sya nagising sa isang magandang panaginip. Panaginip lang pala……

“Patay, gulo ito……” bulong ni Rico na kaibigan ni Spade.

Dahan-dahan na tumayo si Spade sa kanyang kinauupoan habang hawak ang bote na tumama sa kanyang ulo.

Lahat ay natahimik sa pangyayaring iyon.

Matalim na tumingin si Spade sa mga lalaking kanina ay nagbabatohan ng gamit. Nilapitan nya ang mga ito. “Sino ang bumato ang bumato saken?” wika nito.

Walang umamin…tahimik ang lahat. Lahat sila ay takot sa pagiging siga ni Spade.

“Ang ayaw ko sa lahat ay ang naiisturbo ako sa aking pagtulog,”

“Aba teka lang bakit ganyan ka magsalita saamin. Akala mo ba ikaw na ang pinaka mataas dito. Kala mo siguro walang papalag sa pagiging siga mo dito,”

“Ang yabang mo rin makapagsalita noh.” Malakas na tinapon ni Spade ang bote dahil sa napipikon na ito. “Umagang-umaga binabadtrip mo na agad ako!”

“Kaw pala itong g@g* eh. Sino kaya ang mas mayabang satin.”

Dito na nang init si Spade sa kausap na kklase. “Aba talagang gusto mo.” Binigyan nya ito ng isang malakas na sapak.

Biglang nagulat ang lahat ng biglang may pumigil sa suntok ni Spade.

“Ayan ba ang natutunan mo sa skwelahan na ito? Ang manakit ng kapwa.” Wika ng isang lalaki na disente ang damit. Hawak nya ang kamao ni spade na tatama na sana sa mukha ng isang studyante.

Nagulat rin si Spade. Tinignan nya ang lalaki mula ulo hanggang paa. “Anong pakealam mo, sino ka ba dito ah!”

Bahagyang napangiti muna ang lalaki bago nagsalita. “Ako si Jake, ako lang naman ang bago nyong bagong adviser.”

Nanlaki ang mata ng marami sa narinig…..

“Ayyyyyyyyy sya na pala si Sir Jake ang bago nating class adviser!” wika ng isang babaeng estudyante na kinilig pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Plate Number: VMM 507 (hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon