Sacrificing isn't bad...
Sacrificing isn't bad when you only sacrifice things just to protect your mental peace.
-------------------------------*----------------------------------------
Tahimik kong pinagmamasdan ang paligid sa bawat lugar na daraanan ng bus na sinasakyan ko ngayon, mahaba-haba pa ang byahe kaya imbes na magmukmok ay inaliw-aliw ko na lamang ang aking sarili.Tahimik pero payapa...
Tatlong salita na lamang ang pinanghahawakan at inaasahan kong magiging buhay na mayroon ako sa oras na makarating sa lugar na paroroonan.
naputol ang aking pag iisip dahil sa biglaang pagtunog ng aking telepono, senyales na mayroong tumatawag.
Wala sa sarili ko itong sinagot na hindi man lang nag abalang tingnan kung sino ito.
"Arianne Celestine!! For god's sake! Nakailang tawag na kami sayo at ngayon mo lang talaga naisipang sumagot, where are you now??" nag aalalang wika nang nasa kabilang linya, si mommy.
"I'm sorry, mom." malamya kong tugon, hindi alam ang sasabihin.
Ang totoo ay bigla na lamang akong umalis sa bahay matapos nilang sabihin sa akin na papupuntahin nila ako sa states para doon tumira kasama ang kasosyo nila sa negosyo, pinagpipilitan ang gusto nila at isinasantabi ang kagustuhan ko.
At kasabay rin non ay ang malaman kong nakabuntis ang taong minahal at inaasahan kong mapaglalaanan ko ng oras sa panahong lunod na lunod ako at nahihirapang makaahon.
FLASHBACK...
"Aalis ka sa susunod na buwan" agad akong napalingon nang sabihin iyon ni mommy
"Aalis? Where? Why?" inosente kong tugon, kawalan ng ideya sa salitang binitawan niya.
"Sa states with our business partners, ikaw ang inaatasan ng daddy mong mag alaga muna sa negosyo natin doon dahil mahaba haba pa ang panahon na pamamalagi namin rito sa pilipinas, sweetheart." nagulantang ako sa naging tugon ni mommy, pilit iniintindi ang naririnig.
"but mom..." wala sa sariling wika ko "alam mo naman kung saan ako masaya diba? Mommy, nandito sa pilipinas ang gusto ko" malungkot na pagpapatuloy ko
"I know sweetheart, but your dad...he wants you to handle our business, baby." malungkot na tugon ni mommy
Yeah right, Dad.
Siya naman parati ang nasusunod, nirerespeto ko ang desisyon niya pero paano ako? paano ang gusto ko?
Imbes na sabihin pa yun kay mommy ay binigyan ko na lamang siya ng malungkot na tingin sabay naglakad papunta sa kwarto.
Bakit ba ang hirap sa kanilang intindihin na iba ang gusto ko at ang sumunod sa yapak nila ay hindi ko gusto.
May mga kapatid ako pero bakit pakiramdam ko ay ako lang yung pinagdamutan ng kalayaan.
Nakakapagod.
Nang tuluyan akong makapasok sa kwarto ay agad kong kinuha ang aking telepono tsaka dinial si Keno, my man.
"B-baby..." ang malungkot kong sistema ay nadagdagan ng kaunting saya matapos marinig ang boses ng taong pinakamamahal ko, dahilan para mas lalo akong umayaw sa desisyon ng magulang ko. Ayokong iwan ang taong ito. Ayoko.
Iniisip ko palang na masasaktan ko siya sa pag alis ko ay hindi ko na kaya.
"Pwede ba kitang makita?" pinilit kong maging ayos ang tono ng pananalita ko pero mas lalo itong gumaralgal dahil sa mababaw na emosyong mayroon ako
YOU ARE READING
BEFORE YOU SAY GOODBYE
RomanceArianne Celestine Madden comes from a wealthy family, and she gets everything she wants, takot siyang mabigo niya ang kanyang ama kaya lahat ng gusto nito kahit na ayaw niya at hindi niya gusto ay sinusunod niya. Kapalit ng paghihirap naman niya ay...