CHAPTER 2

4 0 0
                                    

Maaga akong nagising ng bumungad sa mukha ko ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana, dahil ata sa nangyari kagabi ay nawala sa isip kong isara ito.

Ang bigat ng mata ko epekto sa kakaiyak ko kagabi, gustuhin ko mang matulog ulit ay hindi na ako makatulog kaya labag man sa loob ay bumangon na ako para maligo at maglibot sa Hacienda.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nasa labas na ako dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko.

"Coffee?" gulat akong napatalon nang may nagsalita sa likuran ko. "Good morning," bati niya sa'kin ng tuluyan ko na itong malingon.

"G-good morning..." kabado kong bati, napapanibaguhan sa pakikitungo niya sa'kin ngayon kumpara kahapon.

"How are you?" pormal niyang tanong habang abala sa iniinom niyang kape 

"ah..good" agad naman siyang natawa ng sabihin ko 'yon, hindi kumbinsido.

"you're really good at lying." napapailing niyang aniya. Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin matapos marinig 'yon.

"pardon?"

"sa kabila ng mugto mong mga mata nagawa mo pa rin talagang magsinungaling."

"baka kasi kapag sinabi kong hindi ako okay at gusto kong mapag isa ay bigla mo nanaman akong talikuran" makahulugan kong sagot, tinutukoy ang nangyari sa pagitan namin nong nakaraan, nang lingunin ko siya ay di nakatakas sa paningin ko ang pag ngiti niya.
"y-you've...changed a lot" nahihimigan sa tono ng pananalita ko ang paghanga sakanya, agad naman siyang natigilan at nilingon ako.

"and I didn't expect na hindi mo agad ako nakilala" natatawang ani niya.

"duh, paano ko agad maiisip na 'yong taong nagsusungit sa'kin kahapon ay si Kajik Dale Asuncion, hindi naman 'yon yung KD na nakilala ko." kunyareng masungit na tugon ko, pinagdiinan ang palayaw niya.

"look, I approached you in a nicest way that I know, ikaw itong nagsusungit."

"Naiirita ako sayo kahapon, okay??"

"Inamin mo rin." agad na dugtong niya.

"Inamin... inamin? what?!"

"Inamin mo rin na dahil sayo kaya ganon ang naging resulta ng pagsundo ko."

"Psh! Whatever" kunyareng mataray kong tugon at sabay kaming natawa.

...

Bigla nanaman nangibabaw ang katahimikan, dahil wala na akong narinig pa mula sakanya at hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin.

Kung kanina ay sumisilay ang ngiti sa mukha niya ngayon ay bumalik nanaman yung blangko niyang ekspresyon, seryosong nakatingin sa kawalan tila ba'y may malalim na iniisip.

At ngayon ko lang rin nabigyan ng oras ang sarili kong pag aralan ang pagmumukha niya.

PERPEKTO.

Ang makakapal niyang mga kilay na umaayon sa mapupungay niyang mga mata at sa katamtamang haba ng kanyang pilikmata, matangos na ilong at mapupula niyang mga labi, wala sa sariling tiningnan ko ang kabuuan niya at kung dati ay matangkad siya ay mas tumangkad siya lalo ngayon, sa bawat paggalaw niya ay humuhulma ang pagiging gandang lalaki ng katawan nito, halatang suki sa isang gym.

"Kung isa akong dessert, hindi ko papangaraping maging isang sorbetes" agad akong napanganga ng sabihin niya 'yon, nag iisip kung ano ang susunod na gagawin.

"Ahh..ihh... b-bakit naman?" kunyareng tanong ko pero alam ko na kung anong ibig nitong iparating "haha t-tara libot...libot tayo" wala sa sariling dagdag ko at nagpaunang maglakad

BEFORE YOU SAY GOODBYE Where stories live. Discover now