"Ang ganda" wala sa sariling sambit ko matapos nilibot ang paningin sa kabuuan ng lugar, hindi na ako baguhan dito pero dahil sa ilang taon na hindi ko pagbalik dito ay maraming nagbago "Napagakaganda..." nagmukha akong bata na nakatanggap ng isang magandang laruan sa naging reaksyon ko.
"Maganda nga..." pag sang ayon ng kaibigan ko "Pero hindi mo parin nakikwento sa akin ang dahilan mo bakit biglaan ang pagpunta mo dito." pagpapatuloy niya, agad naman akong napabuntong hininga matapos marinig 'yon.
"Wala, It's just that aalis ako next month kaya gusto kong bago mangyari 'yon ay magka oras man lang tayo" sinserong sagot ko kahit na may iba pang dahilan bakit ako nandito.
"alam ba ni Keno 'to?" pilit ko mang iniiwasang marinig ay wala na akong kawala, alam ni Xaherna ang relasyon namin kaya mahirap sa parte ko kung ililihim ko pa sakanya 'yon. "tumawag siya sa'kin kanina, hinahanap ka sa'kin, nagkaproblema ba kayo?" pagpapatuloy niya at inaasahan ko na 'yon. "look, kung may problema man kayo ay hindi masosolusyonan agad iyon kung ganitong pilit mo itong tinatakasan" mahinang tugon niya, hindi nakatakas sa paningin ko ang pag aalala sa mukha niya.
"tapos na kami" wala sa sariling tugon ko na ikinatigil niya. "n-nong nakaraang araw pa"
"what!?!"
"tapos na kami, nong nakaraang araw pa"
"ano?!?"
"tapos na ka-----" naputol ang sasabihin ko nang bigla nanaman siyang sumigaw.
"bakit???" naiinis na tanong niya, nagtitimpi sa'kin at sa naging sagot ko.
Kinwento ko sakanya lahat ng nangyari, simula nong pag-uusap namin ni mommy, sama ng loob ko kay daddy, pagpunta ko sa bahay nila Keno, at ang pagsaksi ko sa katotohanang niloko ako ng taong mahal ko.
"at talaga namang ang kapal ng pagmumukha ng lalaking 'yon para hanapin kapa, bakit hindi mo agad kinwento 'yan sa'kin kagabi, edi sana nong tumawag siya ay imbes na kabaitan at pag-alala ay singhal at sumpa ang sinagot ko sakanya!!" hindi pa rin nawala sa tono ng pananalita niya ang inis at hindi ko siya masisisi sa naging reaksyon niya ngayon dahil inaasahan ko na talaga ito sakanya.
Matapos ang mahaba habang kwentuhan ay ako na ang nag-ayang bumalik sa Hacienda nila, mabigat pa rin ang pakiramdam ko ngayon kaunting pahinga lang ang kailangan ko.
Habang naglalakad hindi pa rin mawala ang paghanga ko sa kagandahang mayroon sa lugar, maraming puno sa paligid, huni ng mga ibon na masarap sa pandinig. May iilang mga tao rin kaming nakakasalubong bakas sa mukha nila ang saya matapos kaming makita, Nakakagaan ng loob.
"Nga pala, kamusta ang pagsundo sayo ni kuya?" pagbasag ni xaherna sa katahimikan "hindi maganda ang timpla non kanina palang habang pinapakiusapan ko siyang sunduin ka, paniguradong nagsusungit 'yon sayo" Pagpapatuloy niya pa.
"'yon pa nga, gusto kong makonsensya sa ginawa ko sakanya pero nag init ang ulo ko sa ginawa niya kaya... wag nalang." naiinis kong tugon, inaalala yung nangyari kanina.
"Inaano kaba?" natatawang ani niya.
"Sinabihan niya akong crybaby matapos akong maabutang umiiyak, and then he offered me his handkerchief but instead na tanggapin ko 'yon ay inirapan ko nalang siya, malay ko ba kung sino siya, I have no idea" pagrereklamo ko "kuya mo ba 'yon?" natatawa naman siyang tumatango bilang sagot sa tanong ko "Paano? I know you and your family so well Xaherna, wala akong naaalalang pinakilala mo siya sa'kin dati" hindi makapaniwalang sagot ko.
"hindi mo nga naalala" Natatawa pa ring tugon niya. "Well, hindi naman kita masisisi tungkol d'yan, pati ako nong nakauwi siya ay hindi ko narin halos makilala, he changed a lot." napapailing wika niya.
YOU ARE READING
BEFORE YOU SAY GOODBYE
RomanceArianne Celestine Madden comes from a wealthy family, and she gets everything she wants, takot siyang mabigo niya ang kanyang ama kaya lahat ng gusto nito kahit na ayaw niya at hindi niya gusto ay sinusunod niya. Kapalit ng paghihirap naman niya ay...