'Cage'
Tulala at kabado na hawak ko ang first aid kit sa kamay. What was just happen? Umalis ako sa ibabaw ng kama ng hindi niya alam.
Bakit ko pa ba siya dapat gisingin? Mas mababaon lang ako sa kahihiyan dahil sa mga nangyari kagabi. Hindi naman sa grabeng—you know...
We were hugging each other the whole night. I slept above his bed with him. At para akong mahihibang sa kaiisip.
"Yeah literally, nakakabaliw ang nagawa mo, Marry,"pinagagalitan ko ang sarili hanggang sa makapasok sa sariling silid.
Dahil sa kahihiyan ay hindi ko na nagawang bumaba pa. Hindi ko siya kayang pakiharapan ngayon pagkatapos ng lahat. Pwede niya naman akong gisingin para makalipat ako sa silid ko. Hindi niya ako kailangan tabihan sa pagtulog.
Nanatili akong ganoon sa loob ng dalawang araw hanggang sa maglaho ang guilt sa katawan ko. So far no one questioned me of not getting out side my door. Mukhang wala lang naman sa kanila iyon lalo na kay Manang Silay na nananatili lang na ginagawa ang mga dapat niyang gawin. Sometimes I saw him outside the window. From there, makikita ang maliit na wharf ng isla. I can watch him over there while fixing something on the yatch.
Parati siyang busy sa mga ano mang gawain niya. While bagot na bagot na ako kakahintay sa approvement nila na makapasok na sa paaralan na pagtuturuan ko. Kailan nga ba kasi mangyayari iyon?
Hindi naman kasi ako na-inform na kakailanganin ko pa ang consent nila para sa misyon ko na 'to.
Monday night, naisip ko nang bumaba at nakapag moved on na rin naman ng kunti sa nangyari sa amin ni Damian. Still awkward but I can manage now unlike the first day.
"Salamat,"ani ko kay Manang Silay nang pagsalinan niya ako ng juice. She usually do that sa lahat ng nauupo sa hapag.
Sinulyapan ko si Damian at tumikhim.
"D... Did our superior ask about me?"tanong ko sa kaniya. Simula kasi noong dumating ako ay wala man lang akong narinig na kung ano mula sa kumbento.
Napansin ko na sinulyapan niya muna si Manang Silay bago binalik ang tingin sa'kin.
"Actually, no." Uminom siya mula sa baso bago nagsalita ulit. "You can use the telephone and contact them if you want to."
Actually, iyon ang unang sumagi sa isipan ko noong pangalawang araw ko dito. Kaya lang dahil sa nakakailang na kilos ni Manang Silay ay nahihiya akong magtanong tungkol doon. Lalo na at wala man lang akong mahagilap na telepono sa paligid. Sa Mansyon namin ay nagkalat ang telepono. Sa pantry, sa may gate, sa sala, sa may pool. In case kasi na may kailangan ay tatawagan na lang imbes na magsigawan.
Mas malaki ang bahay na ito kung ikukumpara sa amin kaya nakapagtataka. O baka hindi lang kami pareho ng style they prefer talking face to face instead using phones.
Iyon nga ang ginawa ko kinabukasan. Kabisado ko ang numero sa kumbento dahil ako ang madalas na nakakatanggap ng tawag tuwing may magpapa-reserve na bisita na pupunta sa kumbento at bisitahin ang mga matatandang inaalagaan namin.
Napaawang ang bibig ko nang malaman na cannot reach ang numero. Hindi ko sila matawagan ngayon parating dini-deny ng phone.
"Oh my God." Problemado na nakagat ko ang labi at napabaling sa paligid.
Sana man lang may magpunta na madre dito upang bisitahin ako. Almost half a month na rin kasi wala man lang akong makamusta doon. Magtatanong nga rin sana ako kung papaano ako makakapag-start na sa papasukan kong school.
Lumabas ako sa bahay. Pupunta ako malapit sa lighthouse. I found peace in there lalo na ngayon na buryong-buryo na ako. Hindi lang siguro ako nasanay na nakakulong ng ganito sa ganito ka-isolated na isla. Kailangan nga kasi matatapos ito? Dinaig ko pa ang naka-quarantine sa estado ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Dark Plans - On Going (To Be Continue)
BeletrieMarry, by all means she would choose to be a Nun. Even though hindi ito suportado ng kaniyang Ama. Hanggang sa ipadala siya sa isang misyon kung saan ipapadala siya sa isang lugar na hindi siya pamilyar. And the part of Damian Harvoc came up. Damian...