MADDIE
" MADAYAG! Pst, mamansin ka naman jan."sigaw ng kung sino man sa paligid ko. Nagpatuloy lang naman ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.
"Maddie, Wifey! I love you!"sigaw niya ulit dahilan para matigilan ako. The fdge, did she just said I love you and Wifey?! Ugh, that bastard, son of btch!
"Na-stuck ka? Joke lang yun!" She added ma mas nagpakulo talaga ng ulo ko, hindi dahil sa nagbibiro lang siya kundi naisigaw na niya sa buong hallway!
"Kapal ng mukha mo De Leon!" sigaw nung hinarap ko siya sabay bato ng notebook ko nakailag naman siya. Nakakainis lang, sapul sana si Gago nun!
" Aminin mo na kasi Madayag crush mo ko!" Natigilan naman ako sa mga sinabi niya. Namumula ako. Hindi dahil sa kilig kundi sa galit.
"Hoy De Leon kahit kailan di ako magkakagusto sayo as in NEVER!"sigaw ko sa kanya sabay naglakad na palayo para pumasok sa klase ko. Ang kapal ng mukha niya! Straight ako at hindi papatol sa kanya!
"Madayag, I love you! Ingat ka Wifey, joke lang! " Sigaw niya hindi ko naman 'to pinansin.
I'm Madeleine Yrenea Madayag but you can call me Maddie ung kaninang kasagutan ko, Siya si Isabel Beatriz De Leon ang epal ng buhay ko, yung bwisit sa buhay ko at panira ng mga araw ko! Napakakapal ng mukha niya, lagi niya akong pinapahiya sa mga tao sa paligid at yung pangyayari kanina? Halos araw-araw kong nai-experience yan every time na dadaan ako sa hallway at nakatambay sila ng tropa niya, lagi niyang pinagsisigawan na mahal niya ako tapos after a second sisigaw ulit siya na joke lang. Akala naman niya natutuwa ako sa ginagawa niya.
"Umagang umaga, Leine ganyan na mukha mo?! Monday na Monday, TEH! "sigaw ni Threy o Therese Gaston, best friend ko.
"Paanong hindi, sinira na naman ni De Leon ang araw ko!" bumulalas naman 'to ng tawa na siyang mas lalong nagpa-asar sa akin.
" Malakas ang trip pero sweet siya, isigaw ba naman sa lahat na mahal ka." May tudyo sa tono ng boses nito. Pati kung paano niya ako tignan.
" sweet niya talaga."sarkastiko na sagot sa kanya saka pinaikot ang aking mga mata.
" Pinagdadamot niya!" Pang-aasar nito saka ngumisi sa akin.
" Joke nga lang yun."
"Malay mo naman totoo, Joke are half meant truth. " Impit itong sumigaw na mas nagpainis sa akin.
" kung kay De Leon puro kalokohan lang yun. " Asik ko dito saka sinabihan siya na late na ito sa klase niya. Nagmamadali naman itong nagpaalam saka tumakbo palabas.
"Madayag! Ang ganda mo talaga" muli kong narinig ang boses niya. Napasapo na lang ako sa mukha ko dahil nakalimutan ko na magkaklase kami sa subject na 'to.
"mamansin ka na man, Wifey."
"Date tayo mamaya." mahina itong tumawa.
"I love you, joke lang lang pala."
" Anu bang problema mo De Leon! Tigilan mo na nga ako!"asik ko sa kanya dahil naririndi na ako sa paulit-ulit niyang sinasabi. Hindi ko tuloy maintindihan yung prof namin.
"Ms.Madayag!?"sigaw ng Prof ko. Nanlaki naman ang mata ko, oh my God! Sinasabi ko na nga ba, patay na talaga ako!
"S---sir, si De Leon po kasi ginugulo ako."
"is that true, Ms. De Leon?" Baling nito kay Bea.
"Nakikinig po ako sa inyo. " Sagot ko, natatakot ako dahil terror siya.
"oh I see, Ms.Madayag get out of my class!" Sigaw nito. Wala naman akong nagawa kundi dalhin ang bag ko at lumabas.
"Bye Wifey, wait for me outside!"bulong nito sa akin na mas nagpainit lalo ng ulo ko sa kanya. Bahala siya sa buhay niya!
BINABASA MO ANG
JOKE LANG (oneshot) ✓
Short StoryMagkaroon kaya ng Happy Ending ang isang lovestory na puro Joke lang? Maniwala ka kaya sa pagmamahal niya kung puro Joke lang? maging TOTOO kaya ang lahat na nagsimula sa JOKE LANG?