Chapter 3: Jessica

237 10 0
                                    

A/N: Hi Guys! Bibigyan natin ng ibang mga POVs yung iba pang characters ha! So eto na. Enjoy. :*

Jessica's POV

Nandito ako ngayon sa meeting place namin ni Gelo dito sa starbucks. Since two weeks na nung huli kaming nakapag usap.

Hanggang ngayon hindi ko pa din siya iniimik kahit na nagsosorry pa siya.

"Okay. Naiintindihan kita Babe. Sige, kung sawa ka na talaga sa akin, at pagod ka na sa kakahintay, pagbibigyan na kita." At huminga siya ng sobrang bigat at tumingin sa akin. "Patawadin mo ako, pero sa tingin ko it's better for us to split muna. Pero, kung ready na ako at ikaw, We can start over again."

"Ha?" At bigla na siyang umalis at naiwan din ako dito kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Para saan nga naman ba tong luha ko na to? All this time, ngayon ko lang naipasok sa kokote ko na, he really means a lot to me. Pero, bakit ganun? Hindi ako understanding na girlfriend? Ang kailangan ko lang naman na initindihin dun ay busy siya dahil sa kanya na ipapamana ang kompanya ng Dad nya.

Pero ginawa ko naman ang lahat, di ko siya tinetext gaya ng sinabi niya, hindi ko siya cinocontact kasi sabi niya sobrang busy niya at nagagalit yung Dad niya sa kanya sa tuwing nakikipag usap siya sa akin habang nagtatrabaho siya.

Pero kailangan kong tanggapin e, yun siya at yun ang minahal ko sa kanya. I love him being so workaholic and responsible, at sa kanya ko lang nakita yung sense of responsibility na walang wala ang mga lalaki. Siguro nga kailangan ko na lang munang intindihin yung side niya.

Bigla kong naalala si Casey,oo nga pala mag ba-bar kami ngayon. Umalis na ako sa place na yun by 8:45 p.m. at nagsimula ng magpaharurot ng sasakyan.

Nung nag signal na yung stoplight at nag turn na sa red, huminto ako. Habang nagninilay-nilay at nag iisip isip tungkol sa amin ni Gelo, hindi ko inaasahan na makita si Drake ng gantong oras.

Masyadong protective ang parents niya sa kanya at daig pa ang pagbabantay sa babae nilang anak. Ang weird lang talaga nito.

At nang makita ko siya sa isang daan, nakita kong sumakay siya sa sarili niyang kotse.

Hindi naman sa pagka OA ko at pag ka Tsismosa ko, ay ibinaling ko na lang yung utak ko kung saan ako pupunta. Kinalimutan ko na lang muna si Drake at Gelo.

***
"Sorry. Pero, nakipag split na siya sakin." sabi ko kay Casey habang nagsasayaw kami. Ilang oras na kayang nagsasayaw to si Casey?

"Haha. I am not surprised. Sanay na ko diyan no!" Habang patuloy pa din siya sa pag sasayaw.

"Tse!" Sabay roll eyes at flip hair ko sa kanya.

Nandito siya?! At bakit? First time ko lang makita si Drake na pumunta dito sa Bar na to. Kahit desenteng bar kasi wala siyang interes na puntahan.

Ang O.A ko man pero bakit, wala ba syang karapatan na pumunta? Pero, alam ko hindi siya pinapayagan ng parents niya miski uminom e.

Ipaubaya ko na nga lang tong problemang to kay Casey. Dagdag problema pa to si Drake e!

"Ayun yung love mo oh!" At bigla siyang napatigil sa sayaw.

"Ha? Sinong love?"

"Kahit kailan, ang slow mo talaga." sabay roll eyes ko. "ayun oh!" Sabay nguso ko papunta sa direksyon ni Drake.

At bigla namang lumiwanag ang muka nitong si Casey at nilapitan niya. Hayy nako, ang babaw ng kaligayahan. But can't blame her, I've also been stupid for fucking 2 years for Gelo. Hindi ko alam kung pano, pero I think he's the one for me.

Ugh eraaaase! Gusto ko muna magsaya, mamaya na umiyak Jess okay?!

Nilapitan naman niya agad si Drake.

At dahil may poise ako, hindi ko na inusisa kung anumang mapag uusapan nila. Dumeretso na lang ako sa isang stall. At dahil si Jessica Deanne Kaye C. Trinidad to, mayroon akong rules and regulations sa pag inom ko.

Hindi dapat ako sumobra sa pag inom dahil mababawasan ang beauty ko. That's Jessica's beauty tip 101.

Pero dahil down na down ako ngayon, wala akong pakielam kung maalis man ang poise ko. What's important is, maalis muna siya sa utak ko sa ngayon. Matalino akong babae, pero pagdating sa kanya nagiging sobrang bobo ako, hays.

"One shot of tequilla please." sabi ko dun sa bartender. One shot ako ng one shot, pero nakaka isang bote na ko. Siya na din mismo ang nag seserve sa akin nun, dahil suki na naman ako dito.

Nakita kong umupo ng masaya si Casey sa tabi ko. And guess what? Bitbit niya ang tuta niya! Anong meron? This is new.

Something new.

"Hi best! You looked like so down na down na ah! Haha." at biglang hampas niya sa braso ni Drake. "Haha. Enjoy this Night Jessica! Whoooo!"

Okaayy. Mukang lasing na lasing na siya kaysa sakin. E paano nangyari yun? E ang kasama niya si Drake; the most outstanding, strict and good boy yan e. So how come na payagan niya si Casey na uminom nang ganyan?

Pero, sanay nanaman ako e. Laging lasing yan si Casey, daig pa nagluluksa.

O..M..G...

Nakita kong binuhat na ni Drake si Casey na nahimatay sa sobrang kalasingan.

At dahil protective din akong bestfriend, tinanong ko si Drake kung saan niya tatangayin si Casey.

Sinabi niya naman na iuuwi niya si Casey. "may problema lang Jess."

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong address nya. Ako na din sana kasi ang magpapaalam kung bakit siya ginabi ng uwi." sincere na sabi niya sakin.

"Ah yun lang ba? Eto o." at inabot ko sa kanya yung card na address ni Casey. "malapit lang yan dito, mga thirty minutes mo pa syang makakasama." sabay ngisi ko sa kanya. "and another thing! wag kang mag alala kay Tita Trixie, sanay na siya na ganto umuwi si Casey sa bahay nila. So nothing to worry about."

At mukang nakahinga na siya ng maluwag. "ganun ba? Salamat ha." at sabay tap niya sa balikat ko.

"Wala yun. Enjoy!"

At ngumiti ako ng nakakaloko sa kanila.

Can you believe that?

I am so happy for my Bestfriend! Clap*clap*clap*

Yung good boy talaga ang nagvolunteer para ihatid ang bad girl sa bahay nila.

Itutuloy..

Instagram: @gaylericci
Please follow, vote, comment and enjoy for more updates, thank you!

My Opposite OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon