6

15 2 0
                                    

Julianne Robine Bancolita

11:20 PM

Julianne Robine: Jay, saan ka?

Julianne Robine: Jay?

Julianne Robine: Ngayon ka lang hindi nag-seen agad sa message ko.

Julianne Robine: Jay, nag-aaway sila Mama tsaka si Papa. Nagsisigawan sila. Hindi ko maintindihan. Narinig ko lang kasi tinawagan ako ni ate. Nag-aalala ko kasi iyak ng iyak si ate.

Julianne Robine: Maghihiwalay daw sila. Hindi ko maintindihan kung anong pinagtatalunan nila. Bakit kailangan maghiwalay?

Julianne Robine: Nasaan ka ba? Kailangan kita ngayon, eh.

01:17 AM

Julianne Robine: Umalis ako sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong pumunta sayo kaso hindi ka nagrereply. Tumakas ako ng makatulog si ate.

Seen. 01:26 am

Shit!

Shit, shit, sorry.

Sorry chulie ko ngayon ko lang nabasa chats mo. Umalis kami eh. Wala ako sa bahay.

Julianne Robine: Nasaan ka? Sama ko.

Sandali, pumunta ka muna sa apartment ko. Wag k mag-alala, walang tao doon ngayon. Yung susi, abutin mo mula sa bintana.

Pinakababang bintana, ilusot mo kamay mo. Tapos bandang kaliwa.

Makakapa mo yung mga letters doon, alphabet yun, pero may tatlong J.

Yung isa HIJKL, yung isa naman HIJJK.

Kapag nahanap mo yung JJ, isang dangkal pababa, doon nakasabit yung susi.

Wag ka mag-alala, maaabot mo yun, sinukat ko talaga yun sa haba ng braso mo. Di ko naman alam na magagamit pala yun.

Julianne Robine: Paano kapag may nakakita sa akin?

Wala, Chulie ko. Walang makakakita sayo. Hintayin mo ko, babalik ako dyan.

Julianne Robine: Nasaan ka ba?

Nag-out of town kami.

Julianne Robine: Sorry, Jay. Wag ka na bumalik. Okay lang ako. Pero patulog na lang muna sa apartment mo.

Oo, pwede ka mag-stay dyan kahit gaano katagal.

Pa-deliver ka na rin ng pagkain mo. Kumuha ka na lang ng pambayad sa cabinet ko. Nakasabit yung jacket sa pinto ng cabinet. Yung leather.

Julianne Robine: Okay. Wag ka na mag-alala. Hihintayin kita bumalik. Wag ka na bumiyahe ngayon.

No, uuwi ako ngayon.

Kailangan mo ko, Julianne. Hintayin mo ko. Uuwi ako dyan ngayon.


You Never Walk AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon