Julianne Robine Bancolita
11:42 PM
Julianne Robine: May sakit ka daw?
Julianne Robine: Kamusta ka na?
Julianne Robine: Bakit hindi ka nagsabi sakin?
Julianne Robine: Umiinom ka ba ng gamot?
Julianne Robine: May nag-aalaga ba sayo?
Julianne Robine: Gusto mo ba puntahan kita?
Seen. 11:47 pm
Hahahaha!
Hi Chulie ko ☺️
Julianne Robine: Ano na Jay?
Okay lang ako.
Nakakainom ako ng gamot sa oras.
Hindi na ko nagsabi sayo kasi baka mag-alala ka pa.
Wala akong kasama, pero okay lang ako, nagpapadala naman sila ng pagkain dito para makapag-focus daw ako sa pagpapahinga.
Ayaw nila na kumilos ako.
Si Jin at Yuugi halos gabi-gabi ko nagiging tagaluto.
Si Jared, maya't-maya akong pinupuntahan para tignan kung bumubuti ang pakiramdam ko.
Araw-araw din natawag si RM.
Si JK at Miggy, laging nakabuntot kay Jared tuwing gabi. Ginugulo nila ko para daw mabilis akong gumaling.
Okay na ba, Chulie ko?
Julianne Robine: Oo na, hindi na ko pupunta.
Okay lang ako, Chulie ko.
Papasyalan kita paggaling ko.
Dyan ka lang muna sa inyo.
Alam mo naman na mainit pa ang dugo ng mga magulang mo noong dito ka tumira sa akin.
Baka magalit na sila sa akin at paglayuin na nila tayo.
Julianne Robine: Hindi naman ako papayag 'no?
Julianne Robine: Magpagaling ka agad para makapunta ka na sa akin.
Julianne Robine: Kung hindi, ako talaga pupunta sayo Jay Pagasa!
Pramis, gagaling na ko, Chulie ko.
Alam mo naman na ayaw kong pinag-aalala ka.
Miss na din kita, Chulie. 🥺
Julianne Robine: Sorry hindi ko agad nalaman na may sakit ka.
Okay lang, Chulie ko.
Magkikita na tayo, magpapagaling na ko.