Chapter 2

287 13 1
                                    

Chapter 2

Paul's POV

Lumabas kami ng kwarto nya. Oo kwarto nya. Talagang in-assume na namin na dito sya sa amin titira.

"Sigurado ba kayo sa babaeng yon? E parang may saltik e." Francis. Haha natawa naman ako.

"Hahaha. Naaaliw nga ako sa mga sagot nya kanina e." Sabi ko.

"Saang bundok kaya nanggaling yon? Parang timang e." Nash

"Haha grabe kayo. Natatawa ako kanina sa kanya. Sorry ng sorry. Nilalait na nga, nagso-sorry pa." Jai

"Masyado atang mabait ang isang yon. Well, mas maganda yon. Madaling mauuto." Sabi ko. Totoo naman e.

"Paano yan? Kailangan natin syang dalin kila mommy bukas." Francis

"Wag muna bukas. I-brief muna natin yung babaeng yon. Mamaya kung ano-ano isagot nun e. Baka mamaya sabihin pang kinidnap natin. Edi patay tayo." Nash

Oo nga no?

"Sabagay. So paano magiging set-up natin nyan?" Jai

"Di ko pa nga maisip e." Nash

"I think kailangan natin syang kausapin. Para makapag-tanong tanong na din." Jai

"Ano namang itatanong natin? E parang wala namang matinong masasagot yun." Francis. Hmmm. May point naman sya dun.

"Oo nga. May sayad." Nash. May point din si Nash dun.

"Kasalanan naman natin e." Jai

"Okay fine. Let's go back sa room nya." Nash

Kaya ayun. Lakad na naman pabalik dun. Sana di na lang kami lumabas diba? Nagpaka-pagod lang kami e.

"Kailangan pa ba ko dyan?" Tanong ni Francis na mukhang bagot na bagot na. Hahaha.

"Syempre no." Jai

Kumatok si Jai. Bakit kailangan nya pang kumatok? E bahay naman namin 'to. Tss.

"Sharlene pwede ba kaming pumasok?" Tanong ni Jai dun sa Sharlene.

"Ah oo. Sige tuloy kayo." Sharlene. Wow. Parang bisita lang kami kung patuluyin ah. Hello?! Bahay kaya namin 'to.

E ano naman kasi ngayon kung bahay namin 'to? Ano bang pinaglalaban ko? Haha. Nababaliw na naman ako.

At syempre dahil mga gwapo kami, pumasok na kami. Nadatnan namin syang nakaupo lang sa gilid ng kama.

"Eheeem. Ah Sharlene, gusto ka lang sana namin maka-usap." Panimula ni Jai.

"Ah tungkol saan ba yon Jairus?" Tanong nitong babaeng 'to.

"About dun sa pagtira mo dito. Wag kang mag-alala. Su-swelduhan ka naman namin dito e. And magkakaroon ka rin ng chance na mag-aral kung gusto mo." Jai

"Talaga?" Buong ningnig na tanong nitong babaeng may aning. Anong nangyari? Bakit para syang biglang nabuhayan? Kanina lang para syang timang na gustong gusto nang makaalis dito.

"Oo. Nakatapos ka naman siguro ng highscool diba?" Tanong ni Jai.

"Ah oo." Sagot nitong si Sharlene.

"Great! Pwede kang mag-aral. Kami ang bahala sa tuition mo." Jai

Tahimik lang kaming tatlo. Pinagmamasdan lang namin sila.

"Talaga? Wow. Gusto ko yan. Sige papayag na ko na manilbihan dito sa inyo. Kung pag-aaral naman ang kapalit, hindi ko kayang tanggihan yan." Masayang sabi ni Sharlene

The Chosen OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon