Chapter 3
Francis' POV
We're here sa usual bar na pinupuntahan naming magpipinsan at kasalukuyang nag-iinom syempre. Di naman ako mahilig mag-bar talaga. Di ako yung tipo na gustong gusto magpunta ng bar kasi gustong mag-party at mang-babae. Wala akong pakialam sa mga ganon. That's not my thing. Kaya lang naman ako sumasama at kaya lang din naman minsan gusto ko magpunta ng bar e para makapag-chill. Chill chill lang. Pampawala ng stress. At lalong kailangan ko yun ngayon dahil na-stess talaga ako sa babaeng yon. Ngayon lang ako nakakita ng ganong klase ng babae.
"Hoy bro! Tulala ka dyan?" Basag ni Paul sa pag-iisip ko.
"Bakit ba? Pakialam mo?" Singhal ko sa kanya.
"Haha mainit na naman ulo mo. Dapat talaga sa inyo ni Nash pinag-sasama e." Paul
Tinignan ko lang sya ng masama. Ang lalaking yan, masyadong madaldal. Minsan nga nagdududa na ko kung babae yan e.
"Bakit nadamay ako dyan?" Sabi ni Nash na di man lang sya tinatapunan ng tingin.
"Oh tignan mo? Bagay talaga kayong magsama. Diba Jai?" Paul
Naghanap pa ng kakampi. Tss.
"Haha tumigil ka na nga Paul. Ang inagy mo e." Jai
"Aba tinatalalo mo na din ako ah." Paul
"Hahaha. Maiba nga tayo.. Anong plano natin dun kay Sharlene?" Tanong ni Jai.
"Sharlene na naman? Pwede ba Jai. Awat muna sa usapang Sharlene. We're here to chill. Ayokong madagdagan pa ang stress ko." Sabi ko.
"Oo nga. Okay na naman sya sa plano. So we'll stick to that." Nash
"Ang ibig ko lang sabihin, paano ang set-up? Kasi mag-aaral sya kasabay natin diba?" Tanong ni Jai.
"Oh anong problema dun? Edi mag-aral sya. Is there any other problem with that?" Paul
Oo nga!
"Wala naman. Iniisip ko lang, kukuha pa ba tayo ng katulong?" Jai
"Diba nga yung Sharlene na yun na ang kukunin natin?" Kunot noong tanong ni Nash. Maski ako napa-kunot ang noo ko e. Ano bang pinupunto nito ni Jai?
"Pero mag-aaral syang katulad natin. Di nya magagampanan yun kung ganun." Jai
"Sooo? What's your plan?" I asked.
"I'm thinking na kumuha na lang tayo ng maids. Kasi like i said, di nya magagampanan yun if she's also studying." Jai
"Edi wag na syang mag-aral." Paul.
Tss. Mga suggetion talaga nito e. Minsan iniisip ko na sya ang pinaka-bata sa amin e. Parang di nag-iisip. Sya ang pinaka-matanda pero sya pa ang nagbibigay ng mga non-sense na suggestion.
"Are you crazy? That's the only reason why she agreed to stay.. Pag sinabi nating hindi na sya mag-aaral, aalis na din sya." Sagot ni Jai.
"Right. Do whatever you think is right Jai. Tutal naman mas madami kang alam sa mga ganyan. Ayoko nang ma-stress dyan sa babaeng yan." Nash
"Me too. Just give her what she wants." Ako
"Okay. So ayun nga, kumuha na lang tayo ng maids. Masyadong malaki ang bahay para maglinis si Sharlene ng mag-isa lang. And besides, since mag-aaral nga sya, di na nya magagawang makapaglinis or ipagluto tayo ng breakfast pag may pasok.. And since tayo naman ang pumilit sa kanya na pumasok sa sitwasyon na 'to, let's just give her what she deserves." Paliwanag ni Jai

BINABASA MO ANG
The Chosen One
Fiksi PenggemarPaano kung nagising ka na lang na kasama ang apat na nag ga-gwapuhang lalaki sa isang kwarto? At wala ni isa sa kanila ang kilala mo? Tapos lahat sila halos isa lang ang sinasabi.. Sabi pa ng isa.. "Maswerte ka nga e, ikaw ang napili namin. Ayaw mo...