CWD27

37.4K 1.1K 59
                                    


Kanina pa nakatayo si Adelaide sa may pinto papunta sa may swimming pool habang may hawak na baso ng gatas. Daniel is doing his work-out while she's watching him. Nakahubad ang damit ng lalaki kaya naman kitang-kita ni Adelaide ang katawan nito. Pinagmamasdan niya ito habang nakikita niya rin ang pagtulo ng pawis sa katawan nito.

Kung noon tatanungin si Adelaide kung ano ang tingin niya sa mga ganoong view, malamang ay sasabihin niyang ayaw niyang nakakakita ng ganoon dahil parang hindi sila malinis tignan, ngunit ngayon, hindi niya mapigilang hindi humanga kay Daniel... at sa katawan nitong talaga namang maganda. From his broad shoulder to his chest, down to his abs... walang maipipintas sa lalaki.

She smiled when Daniel looked at her. Inalis nito ang suot na earbuds para kung sakaling may sasabihin siya ay maririnig nito.

Inaya siya nito kanina na samahan siya ngunit talagang hindi siya nagwowork-out, kaya siguro napakahina ng katawan niya, sinubukan niya dati na sumali sa mga taekwondo at iba pang sports pero hindi talaga niya kayang magtagal sa mga iyon. Isa pa, hindi niya alam kung saan ba kumukuha ng lakas si Daniel ngayong umaga samantalang parang nanghihina pa nga ang katawan niya dahil sa ginawa nila kagabi.

Daniel was sweet and hard last night. They made love on the bed, on the couch and the bathroom. Halos alas-dos na yata ng umaga nang pagpahingahin siya ni Daniel.

Not that she's complaining, she's just amazed by his stamina.

"What do you want for breakfast?" tanong niyang muli sa lalaki. Tumigil naman ito pansamantala at tumingin sa kanya. "Anything you want is okay with me, baby," he replied. Napangiti naman siyang lalo dahil ganoon naman talaga ang ginagawa ni Daniel.

Kahit may request itong ibang kakainin, kapag nagsabi si Adelaide ng gusto niya, ipagpapabukas na lang ni Daniel ang gusto niya. He always put Adelaide's wants and needs first.

Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit tila mas nahuhulog pa ng husto si Adelaide sa lalaki dahil na rin sa mga ginagawa nito para sa kanya. Everyday, he's making sure she feels the love he's giving her and she's so thankful for that.

She could still remember his reaction when he met Wesley at the Supermarket before. Halos hindi maipinta ng kahit na sinong mahusay na pintor ang mukha ng lalaki. Iritasyon, selos, bugnot, lahat na yata ng ganoong emosyon ay nasa mukha ni Daniel nang panahon na iyon. He just smiled when she kissed him. Doon lang parang nawala ang inis ng lalaki sa kanya.

Hindi akalain ni Adelaide na makikita niya kung paanong magseselos si Daniel. Napailing na lang siya nang muli nang bumalik sa ginagawa si Daniel kaya naglakad na lang na siya papunta sa kusina upang makapaghanda na ng makakain nilang tatlo.

Julianna was still living with them. Hindi naman ito nagsasabi ng plano na pag-alis kahit pa nakaka-isang linggo na ito roon.

"What are you going to cook?" tanong ni Julianna kay Adelaide nang bumaba na rin ito at pumunta sa kusina. Kinuha nito ang gatas sa may refrigerator at kumuha na rin ng baso at nagsalin doon.

"French toast," sagot naman niya bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Sinabihan siya ni Daniel na para hindi siya mainis ay huwag na lang niyang pansinin ang babae ngunit parang ang gawin iyon ay pagpapatuyo ng dagat.

She's everywhere! Madalas pa nitong pilit na kinakausap si Daniel kaya naman mas naiinis si Adelaide sa babae ngunit dahil kapatid ito ni Bea, hindi naman niya rin magawang sabihin kay Daniel na paalisin ito.

She dislikes her, but she still knows how to respect her.

Huwag lang talaga itong gagawa ng bagay na hindi niya magugustuhan at talagang sasabihin niya kay Daniel na paalisin ito roon.

Crazed with DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon