Epilogue

33.8K 1K 97
                                    


"Everything's ready!"

Parang mas kinabahan si Adelaide nang marinig ang boses ni Zyline nang sabihin iyon. Natapos na ang photoshoot nila para sa kasal at aayusan naman na sila ngayon dahil alas diyes ng umaga ang seremonya ng kasal nila ni Daniel.

Halos hindi nakatulog si Adelaide kagabi sa pag-iisip ng mga mangyayari. Alam niya naman na wala na si Fernando sa buhay nila, si Julianna ay kasalukuyang nakakulong pero hindi niya maiwasan na kabahan.

May takot sa dibdib niya na namumuhay na paano kung may hindi magandang mangyari sa araw na iyon? Ano ang gagawin nilang dalawa ni Daniel?

"Are you okay?" hinawakan ni Rain ang balikat niya at nginitian siya nito. Ang buong pamilya ng Dela Cruz ang nagpunta sa Davao para roon sila ikasal ni Daniel. Noong una ay hindi siya makapaniwala nang sabihin ni Daniel sa kanya na walang problema sa mga ito na roon na lamang sila ikasal, akala niya ay maiinis sa kanya ang mga ito dahil sa perwisyo na dala niya dahil lahat ng ito ay sa Maynila naninirahan.

She looked at Rain and nodded her head. Zyline, Rain and Mika really helped her with the wedding. May wedding coordinator naman silang kinuha ni Daniel at naging maayos naman ang lahat, laking pasasalamat na lang din ni Adelaide na naroon ang mga babae.

They all experienced getting married so she got some insights from them.

Matapos ang proposal ni Daniel ay inasikaso na rin nila ang kasal. Hiling din iyon ng mommy niya habang hindi pa lumolobo ang tiyan niya para kapag lumabas ang anak nila ni Daniel ay lehitimong Dela Cruz ito. Wala namang naging problema kay Daniel at agad itong nanghingi ng tulong sa mga asawa ng pinsan kung ano ang gagawin.

After that, hindi na nag-alisan ng Davao ang mga ito at naging abala ang lahat para sa kasal nila ni Daniel.

"I am sure, you'll look more beautiful later," sabi ni Rain sa kanya. "I remember when I married Thunder, I felt like I was the most beautiful girl ever," she chuckled.

"When you marry a Dela Cruz, you'll really feel like you're the most beautiful. The luckiest even," Zyline smiled at her, too. "So, you need to relax and just wait. I am sure Daniel will be there," pagbibiro nito sa kanya na kinunutan niya ng noo.

"What... what do you mean?" Adelaide asked Zyline.

Natawa naman din si Rain at tinapik ang balikat niya. "Just ignore her. Zyline has this thing about weddings," pang-aasar ni Rain sa babae.

Nanlaki ang mga mata ni Zyline at tinignan si Rain. "That was just one time, Einah Villegas-Dela Cruz! And, I was a bitch back then. Tsaka hindi naman kalahi ni Daniel si Cupid, e." Muling ibinalik ni Zyline ang tingin sa kanya. "So, don't worry. Hindi ka maku-Cupid."

Hindi pa rin nawala ang kunot sa noo niya dahil hindi niya maunawaan ang mga sinasabi nito sa kanya.

Nagsimula na rin silang ayusan kaya pinanuod na lamang ni Adelaide ang sariling repleksyon sa salamin. Ang makeup artist ay panay rin ang pagbibigay ng papuri sa kanya habang inaayusan siya.

Unti-unti na ring nawawala ang pangamba sa kanya habang papalapit ang oras ng pag-iisang dibdib nila ni Daniel. Hindi sila pinayagan na magkita kahapon dahil na rin sa pamahiin, ni mag-usap ay hindi nila ginawa.

Noong isang araw pa umalis sila Daniel sa mansion upang manuluyan sa hotel kasama si Nash, si Thunder, si Hunter, at si Kerko. Those three were against the idea of being away from their wives but Daniel insisted that he will be away from her, so they should be, too.

Maging si Mika ay inaway si Daniel dahil doon.

"Napakaganda mo, anak ko..." sabi ng mommy niya nang pumasok ito sa silid kung saan siya inaayusan. She smiled at her and kissed her cheek as she hugged her.

Crazed with DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon