CWD11

38.2K 1.3K 213
                                    

Nang magising si Adelaide ay nasa loob na siya ng kwarto na inookupa niya. Napalingon siya sa orasan sa gilid ng kama at nakita niya na halos alas otso na ng umaga. Madilim pa sa loob ng kwarto ng dalaga dahil na rin nakasara pa ang mga bintana roon. Nang maglinis sina Nanay Ester sa bahay ni Daniel, pinalitan ng mga ito ang kurtina kaya naman ang dating puti na kurtina sa kwartong iyon ay naging asul.

Nag-inat siya matapos bumangon habang inaalala ang sinabi niya kay Daniel kagabi.

Napailing si Adelaide nang maalala ang pagyakap na ginawa niya sa lalaki. For her defense, she thinks Daniel needed that hug.

Alam naman niya na hindi siya dapat makialam o makisali sa kung ano man ang pinagdadaanan ni Daniel dahil alam ni Adelaide na hindi magtatagal, aalis naman din siya sa bahay ng lalaki.

Tila naman siya nakaramdam ng lungkot nang maisip niya ang bagay na iyon. Napalingon siya sa paligid ng inookupang kwarto niya. Alam niya naman na hindi rin magtatagal at kakailanganin niyang umalis doon.

Hindi naman siya pwedeng manirahan doon ng matagal. Hindi magtatagal at magkakaroon ng pamilya si Daniel...

What the hell, Adelaide?

Tinapik-tapik niya ang mga pisngi para alisin ang kung anumang naiisip niya tungkol kay Daniel at sa kinabukasan ng lalaki.

"Kung ano man ang plano niya sa buhay, wala ka ng pakialam doon, okay?" pakikipag-usap niya sa sarili niya habang naghihilamos siya. Iniisip na rin niya na malamang ay wala naman na siyang aabutan na Daniel sa ibaba dahil lagi naman itong wala sa tuwing bababa siya. Madalas na nagluluto lang ang lalaki ng almusal at iiwan na siyang mag-isa sa malaking bahay na iyon.

Matapos siyang makapagpalit ng damit ay bumaba na siya para kumain ng almusal. She wanted to groan with the thought of her staying inside the house and just sit and do nothing.

Wala naman siyang laging ginagawa sa bahay ni Daniel. Nagluluto siya ng pagkain niya, kakain, maghahanap ng libro na mababasa o di kaya ay manunuod.

Hindi naman din siya pwedeng lumabas dahil delikado para sa kanya.

She sighed as she walked towards the kitchen. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang abutan niya si Daniel na nasa komedor at umiinom ng kape habang may binabasang kung ano sa iPad nito.

"G-good morning..." mahinang bati niya sa lalaki bago mabilis na sinipat kung maayos ba ang buhok niya at ang damit niya. Lihim niyang ipinagpasalamat na naghilamos siya at nagpalit ng damit bago siya bumaba.

"Good morning," he greeted her back. "Take a seat and let's eat," ani Daniel sa kanya na itinuro pa ang upuan sa gilid nito.

Tumango naman si Adelaide at agad tumalima sa sinabi ng lalaki. Naupo siya sa silyang naroon at tinignan ang nasa lamesa.

"Wow..." she smiled when she saw the food on the table.

May tuyo, sinangag, itlog at kamatis na nakahain. May suka rin na nakalagay roon bilang sawsawan.

"You cooked?" she asked Daniel the obvious question. Daniel smiled at her and nodded his head. "You like it?" tanong ng lalaki habang nakatingin kay Adelaide.

Agad naman siyang tumango at ngumiti. "Sa amin, I always ask our maids to cook tuyo for me. Kaso ayaw ni Fernando kasi..." natigilan naman si Adelaide nang mabanggit ang pangalan ng lalaki.

"Hmm?" Daniel asked her. She shook her head and smiled instead. "I like having these for breakfast," she replied. "Maghuhugas lang ako ng kamay," paalam niya sa lalaki bago tumayo at naghugas na ng kamay dahil hindi siya sanay na kumain ng tuyo na hindi nagkakamay.

Crazed with DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon