IKALAWANG KABANATA

30 2 3
                                    

Naglalakad si Claire sa Canteen ng masalubong niya si Lance. Laking pag tataka nito ng daanan lang siya ni Lance at hindi manlang siya tinignan.

Sa tingin nya ay nasaktan nga si Lance sa ginawa nyang ganti. Nakaramdam ng guilt si Claire sa kanyang ginawa. Iniisip nya kung dapat ba siyang mag sorry o hindi.

Bakit pag siya ba nang iinis sakin na giguilty ba sya? Pag sinisira nya ba yung araw ko na kokonsensya ba sya? Tokneneng na buhay naman to oh. -__- Minsan na nga lang makaganti. Nakakakonsensya pa. Naglalaro sa utak ni Claire iyon. Iniisip nya kung magsosorry ba siya o hindi.

Pero sa tuwing naaalala nya yung mga kalokohang ginawa sa kanya ni Lance eh naiisip nyang wag nang humingi ng tawad dito. Pero pano kung iba na ngayon. Pano kung nasaktan nya talaga yung ego ni Lance. Baliw na baliw na ito kakaisip kung hihingi ba sya ng tawad sa lalaki o hindi.

Hinayaan niya nalang muna na ganoon ang trato ni Lance sa kanya. Pilit niyang sinasabi sa sarili na ayos yun. Walang magulo, panira ng araw, mambubully, mang iinis at mangaaway sa kanya. Mapapayapa narin ang buhay niya sa wakas.

-//-

Lumipas ang ilang linggo na ganoon sila sa isa't isa. Payapa, walang sigawan at bangayan. Tila na ninibago sa kanilang dalawa ang mga kaklase. Hindi sila sanay na dumadaan angbaraw na hindi nag babangayan o nagtatalo ang dalawang ito.

'Your project for this grading period is a short film, make sure its related to the topic that im going to assign. But before that I need to group you into four groups. Since your 40 in class, each group should consist 10 members per group'

Tahimik na inaabangan ni Claire ang grupo na maaasign sa kanya.

'Lambino,Labonete,Libres,Niete,Martinez'

Narinig niyang tinawag ang kanyang apilido. Each group contains 5 girls and boys. Tinawag silang limang babae kasunod ang pagtawag sa mga magiging ka grupo nila sa lalaki.

'Laureano,Lopez,Labrador,Monteveros,Perez,'

Nagbilog ang mata ni Claire ng marinig ang apilido ni Lance. Laking gulat niya ng maging ka grupo niya ang lalaki.

Hindi niya maiiwasan ang mga pagkakataong iyon dahil magkaparehas sila ng Initials ng surname kaya nasanay na sya sa ganun pero iba ngayon dahil may issue pa silang hindi nareresolba.

Inasign ng kanilang teacher ang topic ng bawat grupo.
'For Martinez and company, your topic is about Supply and Demand. Bahala na kayo kung pano niyo gustong palawakin yung inyong film as long as nakapaloob dito yung topic niyo at nasagot lahat ng info about sa topic ok na yun. I will give you atleast 1 month preparation for your project. Any questions about it?'

Wala ng nag balak na magtanong dito. Tila lahat sila ay nakuntento na sa inpormasyong sinabi ng kanilang guro.

'Ok, I think we're all clear with it. Its already time. Lets call it a day everyone. Class dismiss.'

Bago mag uwian napag kasunduan na ng mga kagrupo ni Claire na pag usapan ang gagawin nilang film. Nagkita sila sa corridor ng kanilang school. Hindi na nag abalang pumunta si Lance dahil wala naman talaga siyang balak na maki cooperate sa mga ito lalo na't nalaman niyang kagrupo niya si Claire.

Masipag at matalino si Lance, hinidi naman siya nag papabaya sa kanyang mga grades. Kaya lang pag ayaw niya ayaw niya. Susubukan niya nalang magpagawa ng ibang project sa teacher nila huwag lang yung kasama si Claire dahil hindi parin niya makalimutan yung ginawa nito sa kanya.

Sa kabilang banda. Hinhitay parin ni Claire na dumating si Lance sa meeting nila. Kahit alam niyang hindi ito darating dahil sa kanya.

Naninibago na talaga sya sa mga nangyayari ng mga nakaraang araw. Hindi siya sanay na ganoon si Lance sa kanya. Hindi siya sanay na hindi siya binibwisit nito. Pakiramdama niya tuloy ang laki ng kasalanan niya kay Lance. Loko yun ahh. Ang lakas mag pa giguilty -_- Oo namay kasalanan na ko. Pero may kasalanan din siya. Over na sya ha. Di talaga sya makiki operate sa grupo dahil lang saken. Grades kaya niya nakasalalay dito. Sa isip ni Claire.

After ng group meeting nila ay binalak niya ng komprontahin si Lance dahil over na pati grades nito ay di asikasuhin dahil lang sa galit nito sa kanya. Kahit naman ganun si Lance sa kanya ay tinuturing niya parin itong kabigan. Sa two years ba naman nilang pinagsamahan na puno ng bangayan at awayan eh may pake naman siya kahit papano kay Lance. Kaya hinanap niya ito. Nag paikot ikot na sya sa buong campus ngunit wala parin siyang Lance na nakita. Konti nalang ang tao sa campus dahil uwian na.

Nakita niya sa wakas ang pakay niya. Nakita niya si Lance na nakaupo sa damuhan sa field. Mag isa ito at parang may malalim na iniisip.

'Hoy Monteveros!' Tawag niya rito.

Nilingon siya nito at bumalik rin agad sa pagtingin sa kawalan.

Nilapitan niya ito at binatukan.

'Aray! Ano bang problema mo?' Inis na tanong ng lalaki sa kanya.

'Ikaw! Grow up Lance! Ganyan ba kalaki yang galit mo saken na pati yung grades mo kailangan ng maapektohan! Pano kung tanggalin ka ng mga kagrupo natin sa film dahil dyan sa pag iwas mo saken! Edi wala kang project sa Eco. Tungnu naman Lance. Alam naman nating pwede kang bumagsak dun pag nagkataong wala kang project! 50% ng grade yun! Ano bang nangyayari sayo!'

Nasabi lahat ni Claire ang mga maaring epekto ng pag iinarte ni Lance. Gusto niya lang matauhan ito at bumalik na sa dati ang lahat sa kanila.

'Wala Claire! Wala! Kaya pwede ba wag mo kong guluhin!'

'Aray!' Binatukan siyang muli ni Claire.

'Eh, Gago ka pala eh! Tukmol ka talaga kahit kailan. Ako na nga tong Concern sayo ganyan ka pa. Tsk. Dyan ka na nga!' Umalis na si Claire at iniwan si Lance na nagtataka.

Anong problema nun? Isip ni Lance. Nag tataka sya kung bakit ganun ka drama sa kanya. Pero bumalik din siya sa kanina pang iniisip. Ayaw siyang payagan ng teacher na bumukod ng sariling project. Kaya no choice syang maki operate sa mga kagrupo.

THE UNTOLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon