IKATLONG KABANATA

29 2 3
                                    


Maagang pumasok si Lance para humingi ng despensa sa mga ka grupo dahil sa di pag dating sa group meeting nila. Nasalubong niya si Claire habang naglalakad. Inirapan lang siya nito at dinaanan.

Kinalimutan na ni Lance iyong ginawang pag papahiya sa kanya ni Claire at napag isip isip na wala ring pupuntahan ang galit galitan niyang iyon.

Dali dali niyang hinabol si Claire at inakbayan ito. Balik siyang muli sa dati. Dating gawi iniisin, pahirapan at bugnutin si Claire.

'Hello beautiful, Magandang buhay.' Sarkastikong bati niya kay Claire.

Hayun na naman ang mukhang inis na inis ng dalaga. Sa tuwing nakikita niya ang mukhang sarkastiko ni Lance ay umaakyat talaga lahat ng dugo sa kanyang ulo kaya naiinis siya.

'Walang maganda sa buhay kung ikaw ang bubungad sa umaga ko! Tumabi ka nga at baka mabigwasan kita dyan ng wala sa oras.' Naiinis na sagot niya kay Lance.

'Hep! Hep! Hep! Di mo ba nakikita na ang pinaka gwapong nilalang ay nandito sa iyong harapan para makipagbati.'

'BOBO KA TALAGA! Wala ka kaya sa harapan ko. Nasa gilid kita Tanga naka akbay ka saken eh. Tsaka di ka gwapo panget ka! Kaya get your dirty hands off me! Duh. Kadiri nag kakalat ka ng germs sa sanlibutan. Dun ka nga!' Iritang sabi ni Claire.

Nagkunwaring nasaktan si Lance sa sinabi ni Claire, inalis ang kamay niya sa balikat ng babae at yumukong lumayo rito.

'Sige, alam ko namang hindi mo talaga ko mapapatawad. Huli na to pangako. Hindi na kita guguluhin. Aalis na ko.' Nangongonsensyang sabi ni Lance sa dalaga habang dahan dahang lumalayo rito.

'PAKYU KA TALAGA! MONTEVEROS! Nangonsensya ka pa. Oo na oo na! Tigilan mo na yang kaartehan na yan! Di bagay sayo ang panget mo.' Nag pipigil ng ngiting sabi ni Claire.

'Alam ko namang hindi mo ko matitiis. Tsaka mas panget ka padin no! Haha.'

'Gago ka talaga Monteveros!'

Sabay ng pumasok ang dalawa sa classroom ng nag kukulitan. Para bang sa isang iglap eh nawala ang apoy na namamagitan sa pagitan nilang dalawa.

Napabalikwas sa gulat si Chris at Alvin ng makitang sabay na dumating ng classroom ang dalawa. Sa loob ng tatlong linngo ay ngayon lang nila ulit nakitang mag asaran ang dalawang ito. Laking gulat din Irish kaibigan ni Claire ng makita ang senaryong ito. Pero sa kabilang banda ay natuwa rin sila at nag kaayos na ito.

Humigi narin ng sorry si Lance sa ibang mga ka grupo. Tinanggap naman ng mga ito ang sorry niya at napag kasunduang mag kita kita ulit mamaya para maumpisahan ang kanilang project.

'Class dismiss.'

Sabay na lumabas ng room upang kumain sina Claire at Irish. Nagpunta sila ng canteen, tahimik silang kumakain ng  dumating sina Alvin at Chris.

'Hi Irish.' Bati ni Alvin kay Irish.

'Hi din Alvin.'

'Pwede ba kaming tumabi sa inyo? Puno na kasi kaya wala na kaming mapwestuhan' Nahihiyang tanong ni Alvin

'Oo naman. Malaki naman itong mesa at may bakante pang upuan dito.'

Mukang may something dito ah. Isip ni Claire ng makita ang ikinikilos ng dalawa. Tumabi si Alvin kay Irish habang tumabi naman si Chris sa kanya.

'Bat nga pala hindi niyo kasama si Lance?' Tanong ni Claire.

'Nag try out sya sa Basket ball. Alam mo naman yung isang yun nag babalak maging si Pingris.' Natatawang sabi ni Alvin.

'Ah.' Tipid na sagot ni Claire at nag patuloy nalang sa pagkain.

Nakikinig lang sya sa usapan ng tatlo at pinakikiramdaman ang kinikilos ng kaibigan niyang si Irish. Dahil wala naman itong naikikwento sa kanya.

Natapos silang nag tatawanan nakisabay narin si Claire sa kanila. Humiwalay na ng landas sina Alvin at Chris para puntahan si Lance.

'Ay alis narin pala ako Claire may pupuntahan pa pala ko.' Nahihiyang sabi ni Irish kay Claire dahil alam niyang pauulanin siya nito ng tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Alvin.

'Hep! Hep! Alam ko yang mga ganyan mo Irish ha! Umayos ka. Ikwento mo na ang dapat mong ikwento dili ayokong nag hihintay.'

'Ah Eh. Sa ibang araw nalang Claire. Hihi. May pupuntahan pa kasi talaga ko.' Wala naman talagang pupuntahan si Irish. Gusto niya lang talagang makatakas sa pambabatikos ng kaibigan sa kanya. Gusto niya muna kasing sarilinin ang kung anong meron sa kanila ni Alvin dahil hindi niya pa rin sigurado sa kanyang sarili kung ano nga talaga ang nararamdaman niya para sa binata.

Hinayaan nalang ni Claire si Irish na umalis. Kilala niya ang kaibigan, wala na silang maitatago sa isat isa. Utot palang ng bawat isa kabisado na nila kaya kahit hindi na mag kwento eh may hint na sila sa nangyayari sa bawat isa. Hihintayin niya nalang na maging handa si Irish na ikwento sa kanya ang bagay na iyon sa halip na kulitin ito.

'O sige sige. Mukhang importanteng importante nga eh. Ingat ha.' Paalam ni Claire sa kaibigan at tuluyan ng nag hiwalay ang kanilang landas.

Kamuntik niya ng kalimutan ang meeting ng kanilang grupo para sa project. Dali dali siyang nag punta sa meeting place nila. Hingal na hingal siyang nakarating doon. Naagaw niya ang atensyon ng lahat maliban kay Lance. Naktoon lamang ang atensyon nito sa librong binabasa.

'Sorry im late guys.'

'Its ok Claire. Nag uumpisa palang naman kami. Sge na mag search ka narin or humanap ng libro na naglalaman ng topic natin. Kailangan muna kasi nating mag gather ng facts about our topic bago tayo mag start ng magiging scenario natin.'

Sinunod ni Claire ang sinabi ng kaklase. Nasa library sila kaya imbis na gumamit ng google sa net ay nag hanap nalang siya ng economics book.

Nkahanap siya ng tatlong libro na related sa topic nila. Naupo siya sa tabi ng seryosong nag babasa na si Lance.

'Seryosong seryoso ang panget ah!' Mahinang sabi niya, sakto lang para marinig ni Lance, pagka upo niya sa tabi nito.

Tinignan lang siya nito at ibinalik ang toon sa binabasang libro.

'Sunget!' Bulong niya. Himala at hindi ito nang iinis. Hinayaan niya nalang at tinoon narin ang isip sa binabasang libro.

Napansin nilang mag didilim na kaya napagdesisyunan nalang na ituloy sa ibang araw. Nag paalam na sila sa isat isa at tinahak ang sarili nilang daan pauwi.

'Ingat.' Tipid na paalam ni Lance sa kanya at umalis na.

Problema nun? Nasapian siguro ng mabuting espirito kaya ang tahimik. Yun ang tumatakbo sa isip na habang tinatahak ang landas pauwi. Nag lalakad na lamang siya dahil malapit lang naman ang bahay niya sa Campus.

THE UNTOLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon