IKAAPAT NA KABANATA

23 2 3
                                    

'Nandito na ko.' bati ni Claire sa mga tao sa kanila. Around 7 pm narin siya nakauwi kaya kumpleto na sila sa kanilang bahay dahil maaga rin umuwi ang kanyang ama sa trabaho.

Simple lang naman ang buhay ni Claire. Nag ta trabaho ang kanyang ama sa isang kompanya. Sapat naman ang kita nito para mapag aral sila ng kanyang dalawang kapatid sa private school. May kaya naman sila kumbaga. Ang kanyang ina naman ay isa lamang housewife.

Pangalawa si Claire sa 3 magkakapatid, Si Fred ang nakatatanda niya kapatid. College na ito at kumukuha ng Engineering course. Si Leby naman ang bunso. Grade 5 pa lamang ito.

Dumeretso si Claire sa kwarto niya at sinunggaban agad ng higa ang kanyang kama hanggang sa di niya namalayan nakatulog na siya.

I drove by all places

We used to hang out getting wasted

I thought about our last kiss

How it felt when you taste it

And even though you're friends

Tell me, you're doing fine

Napabalikwas siya sa gulat ng tumunog at nag vibrate ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Tamad niya itong kinuha sa bulsa, hindi na niya tinignan kung sino ang tumawag dahil sa antok , sinagot niya ito inilagay na lamang sa kanyang tenga ang cellphone.

'Panget mo!' Yun lang ang sinabi ng nasa kabilang linya. Hindi na nakasagot si Claire dahil na end call agad ang tawag ng nasa kabilang linya.

Kahit hindi niya tignan ay alam niya na kung sino iyon. Kabisado na niya ang boses nito at isa lamang ang tumatawag sa kanya ng salitang iyon.

Nawala ang kanyang antok sa narinig. Itinapat niya ang kanyang cellphone sa kanyang mukha at nag type.

To Lance Baho:

Mas panget ka!

Agad namang nag reply ito sa kanya.

From Lance Baho:

Haha. Ikaw yon!

To Lance Baho:

Letse! Ikaw nga yon.

From Lance Baho:

Ikaw nga kase!

Ganun lang ng ganun ang usapan nila sa text. Namalayan nalang ni Claire na nangigiti siya sa di malamang dahilan.

'Klare kakain na!' Rinig niyang sigaw ng kanyang ina.

'Opo ma! Bababa na.

To Lance Baho:

Lols. Ang panget mo dyan ka na nga kakain na ko.

From Lance Baho:

Eatwell panget.

Hindi na siya nag reply ng mabasa iyon at bumaba na para kumain.

Pag katapos kumain ay nag aya ang kuya niya na manuod ng The Avengers. Go naman sila ni Leby at nag tungo sa kwarto nito.

Yan ang bonding nilang mag kakapatid. Ang manuod ng movie.

Patapos na ang palabas ng makatulog si Leby. Hinatid na ito ni Fred sa kwarto habang bumalik narin si Claire sa kwarto niya ng makaramdam narin ng antok.

Nakita niya ang cellphone sa kama. Binuksan niya ito upang mag alarm dahil maaga ang pasok bukas. Nagulat naman siya sa nakita.

20 missed call

10 messages.

From Lance Baho.

'Hoy panget bat antagal mo kumain?'

'Hoy!'

'Sagutin mo naman yung tawag ko?'

'Tulog ka na ba?'

'Ang pogi ko!'

' Huy ano na???'

'Andyan ka pa ba??'

'Wuyts!'

'Panget!'

'Tulog ka nga siguro. Good night panget. Buti nalang maaga kang natulog. Ayokong napupuyat ka e. Goodnight. Sweet dreams :)'

Natawa nalang siya sa mga text ni Lance pero yung huling text ni Lance ay hindi niya maipaliwanag.

Ayokong napupuyat ka e. Goodnight. Sweet dreams :)

Ayokong napupuyat ka e. Goodnight. Sweet dreams :)

Ayokong napupuyat ka e. Goodnight. Sweet dreams :)

Ayokong napupuyat ka e. Goodnight. Sweet dreams :)

Paulit ulit iyon sa kanyang isip. Anong nakain ng damuhing iyon at biglang naging matamis. Lumaklak siguro ng asukal kaya nag ka ganoon. Pinilit niyang alisin nalang sa isip iyon at matulog.

~//~

Maaga siyang nagising upang maghanda sa pagpasok. Pinatay niya ang tunog ng alarm sa cellphone niya ng may mapansing text.

From Lance Baho:

Good morning

Naisip niyang baka Gm iyon kaya hindi na siya nag reply.

Nang matapos siyang gawin ang kanyang mga seremonyas kagaya ng pagligo, toothbrush, kumain at kung ano ano pa ay pumasok na siya.

Habang naglalakad ay nakarinig siya ng kaluskos, hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag lalakad.

Lumalakas ang kaluskos hudyat na papalapit na to sa kanya. Pilit niya pading pinagpatuloy ang pag lalakad kahit nag uumpisa na siyang makadama ng takot.

' B U L A G A ! ' Nasapak ni ya sa takot ang lalaki ng marinig iyon.

'Aray! Yung totoo? Babae ka ba talaga?' Yun nalang ang nasabi ni Lance kay Claire habang hinahawakan niya ang pangang nasapak ni Claire.

'Pusang gala naman Lance. Ano bang gingawa mo dito at para kang multo kumaka lu kaluskos dyan.'

'Malamang ito den yung daan ko papasok.'

'Oo nga no. Hehe. Sorry Lance. Ikaw kase e. Peace.'

'Oo na pumasok na tayo. Malapit na mag 7.'

Pumasok na silang dalawa mag kasama.

~//~

Magulo sa klase ng makarating sila. Merong nag tatawanan, nag aasaran, nag hahabulan, nag babatuhan ng papel, nagbabasa, nag cecellphone. Kanya kanyang mundo kung baga.

Tahimik silang tumungo sa sarili nilang upuan. Walang nakapansin sa pagdating nila kaya tumahimik nalamang ang mga ito.

*zzzzzzzz* Nagvibrate ang cellphone ni Claire hudyat na may mensahe ito. Tinignan naman niya ang cellphone at binasa ang mensaheng dumating dito.

From Lance Baho:

Panget mo talaga :P

Hindi niya maiwasang mangiti ng mabasa ang mensahe. Ewan niya ba. Dati rati inis na inis siya sa taong ito, lagi kumukulo ang dugo niya pag nakikita niya to, pero parang bumaliktad lahat ng pakiramdam niya para dito. Hindi niya ma expalain kaya hinayaan niya na lamang kesa sumakit pa ang kanyang ulo kakaisip.

To Lance Baho:

Ang baho mo naman! :3

Pag katype niya nun ay binulsa niya na ang cellphone dahil dumating na ang kanilang trigo teacher.

THE UNTOLD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon