Province #2

104 7 18
                                    

River of Promise in Agusan
by: senyora_athena

“Lola.”

Natigil sa paglaba si Karina at nilingon ang apo na tumawag sa kaniya. Dala pa nito ang balde na may laman ng mga damit na lalabhan daw nito. Kinayawan niya ang bata na tumatakbo palapit sa kaniya.

Kanina pa siyang alas-singko ng umaga nang pumunta siya rito sa ilog upang simulan sa paglaba ang mga marurumi niyang damit. Kahit pinipigilan siya ng mga pamangkin niya ay hindi siya pumapayag na iba ang maglaba ng mga damit niya. Kaya pa naman niya at ayaw niyang iasa na lang palagi sa iba ang mga kailangan niya.

Binitawan niya ang brush na ginagamit at inilapag iyon sa palanggana. Agad niyang sinalubong ang makulit niyang apo na nagpumilit na samahan siya ngayon. “Oh, dahan-dahan at baka madulas ka.”

“Lola, I’m six years old already, I can handle.” Winagayway pa nito ang mahabang buhok na abot hanggang baywang. “See? Mahaba na po ang hair ko, I’m not baby anymore.”

Gusto niyang tawanan ito at sabihing walang koneksiyon ang buhok nito sa mga bagay-bagay sa mundo. Hindi naman ito tutulungan ng mahaba nitong buhok kung sakaling madulas ito. Pero nanatiling nakatikom ang kaniyang bibig.

“Lola,” muli na naman nitong banggit. “Tell me that I’m pretty, I want to feel pretty.”

Napailing na lang si Karina habang pinagmamasdan ang apo na nagmamagaling at nagmamaganda. Hindi na lang siya nagreklamo kasi totoo namang maganda ito.

Aba siyempre, kalahi ko, bulong niya.

Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ay hindi pa niya malagyan ng tali ang buhok ng apo niya pero ngayon ay feeling dalaga na. Para talaga hinipan lang ang mga araw upang lumipas agad. Ni hindi man lang niya namalayan na nagpapalit na pala ng araw ang kalendaryo. Ang bilis na talaga ng panahon.

“Oh siya sige, sabi mo eh,” aniya at pinabaunan ng malakas na tawa pero bigla itong nagdabog. Hindi yata nagustuhan ang sagot niya. “Oo na, maganda ka na. Apo kita eh.”

Nakita pa niyang ngumiti ito at nagsimula nang maglakad ulit. Hahakbang na sana siya pabalik sa ilog nang bigla na naman nitong tinawag ang pangalan niya. Pinagmasdan niya ang bawat hakbang nito palapit sa kaniyang puwesto. Pinagmasdan niya ang bawat paghampas ng malamig na hangin sa mahaba nitong buhok.

Ang ganda talaga ng apo ko.

Agad itong humawak sa kamay niya nang makalapit, tiningnan pa nito ang mukha niya at ngumiti.

“You know what, Lola,” panimula nito, “wala pong ilog sa lugar namin. Sobrang layo at hindi man lang kami nakapunta sa ilog.”

Pinagmasdan nito ang mahabang ilog ng Agusan del Norte. Kumawala ang matamis nitong ngiti at pumikit upang damhin ang hangin.

Isang salita ang nabigkas niya nang tahimik, payapa.

Mula nang lumipat ng tirahan ang kaniyang apo noong isang taon pa lamang ito ay ngayon pa lang ito nakabalik sa lugar kung saan ito isinilang. Limang taon? Ang tagal na pala halos hindi man lang niya napansin na limang taon na pala ang lumipas. Pakiramdam niya ay isang buwan lang ang nagdaan.

“Lola, bakit po dito pa rin kayo naglalaba?” tukoy nito sa ilog kung saan niya inilapag ang balde na dala ng apo niya.

Natahimik siya at hindi agad nakasagot. Binalikan na lang niya ang mga labahin niya na nang makabalik na rin siya sa bahay nila. Medyo nagugutom na rin siya.

“Lola?” tanong na naman ng makulit niyang apo. Ayaw talaga nitong hindi sinasagot ang tanong.

“Julia, nakita mo naman na maraming tao doon sa poso, hindi ba?”

Along The borders Of The Pearl (Anthology Collab Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon