Categories slash classification of a Tamad person

12.8K 589 244
                                    

Categories slash classification of a Tamad person

Dapat sana ang chapter na to ay ang mga gadgets ng mga tamad pero dahil nakakatamad isulat isa isa  dahil sa sobrang dami kaya hindi ko na yun ilalagay dito. Basta ang lahat ng makita mo sa paligid ay teknolohiya na naimbento ng mga tamad na tao. . Lalo na ang mga electronics ngayon. Ikaw na lang bahala mag isip. Tamad ka naman eh, kaya mo na yan.

So anyway, instead na gadgets ang ilalagay ko sa chapter na to, ilalagay ko na lang ang mga klase ng tamad. Siyempre ang mga tamad may level din. May level nga ang hagdan, ang mga tamad pa kaya? So ito na ang iba’t ibang klase ng mga tamad.

Snooze Tamad

Ito ang klase ng mga tamad na sa umaga pa lang tamad na tamad na. Pagkarinig ng alarm clock, instead na tumayo, maligo at magbihis, ang gagawin ay ang pagpindot ng snooze button ng alarm clock. At ang favorite line nila ay…

“5 minutes pa.”

Hanggang sa umabot ng isa o dalawang oras ang 5 minutes nila. Sila ang klase ng mga tao na talagang pinangangatawanan ang 8 hours of sleep or more everyday. Medyo magastos din ang tamad na ito dahil palagi na lang bumibili ng alarm clock dahil palaging nalalaglag at nasisira. At kung cellphone man ang ginagamit sa pagpapa alarm, ang unang feature na hinahanap sa cellphone ay ang alarm.

May mantra ang mga tamad na ito. Bago sila matulog, pinapaalalahanan nila ang sarili nila na gigising na ng maaga. Gabi gabi nila ginagawa yun. Parang prayer na nga, pero tuwing umaga, ang unang mga salitang lumalabas sa bibig nila ay…

“5 minutes pa…zzzzz”

Eco-friendly tamad

Sila naman ang mga tamad na talaga namang napapakinabangan hindi lang ng kanilang bansa kundi ng buong mundo. Napaka earth friendly ng mga tamad na to at makikita mo sila kahit saan. Madali lang naman makilala sila bastapagmasdan  mo lang silang mabuti. Usually ang ginagawa ng nila ay instead na itapon ang candy wrapper ay nilalagay nila ito sa bulsa o sa bag. O di ba earth friendly? Pero wag ka, ang basurahan, 4 feet away lang. Minsan hindi nila namamalayan na ang bag nila ay puno na ng basura dahil sa pagka earth friendly nila. Ang motto nila ay…

“maliliit na basura, ibulsa.”

At palagi ding earth hour sa mga tamad na to. Kasi pagdating sa bahay galing work o school, instead na buksan ang ilaw dahil gabi na, ang ginagawa ay hihilata muna sa kama. Ahhhh life… Kung ang tamad na ito ay kasama mo sa bahay, pasalamatan mo siya kasi nakakatipid kayo ng kuryente.

Time is gold tamad

Ang pangatlong level ng katamaran na ito ay napakaparticular sa oras. They are aware that time is important kaya ninanamnam nila ang bawat oras hindi sa pag gawa ng kung ano ano kundi sa pagmumuni muni. Makikita mo ang mga tamad na ito sa bahay lalo na pag inuutusan ng mga magulang, mga kapatid o kung sino pa man. Ang laging sagot ng mga tamad na ito ay…

“Later…” o kaya “saglit lang po” o kaya “mamaya na po”

Wag kang magalit kung ang later nila ay hindi na nangyari kasi masyado lang silang naaliw sa pagpalipas ng oras. Malay mo, nag iisip sila ng paraan kung paano mapadali ang mga inuutos mo.

Combo

Masasabi mo na nasa level ka na ng Combo tamad kung dalawa sa mga level  sa taas ay meron ka. Kayang kaya ng mga tamad na ito ang mag multitask like nag iisip habang nakahiga. Easy lang sa kanila ang ganung bagay.  Malaki ang contribution ng mga tamad na ito sa mundo. They gave life to the mundane society.

Ito ang mga klase ng tamad na nakakaisip ng mga luxury in life like resorts, hotels, buffet. Sila ang nakakaisip ng mga comforts sa buhay . Ang mga ganitong klaseng tamad ay mostly nasa business world. They make life of other people easier.  Sila yung nag e-enhance ng mga ginawa ng mga super combo tamad. They always want a place where everyone could relax, enjoy and appreciate life. Ang motto ng mga tamad na ito ay…

“We love life.”

Super Combo

Multitasking is their way of life. Ito ang mga klase ng tamad na malalalim mag isip. Minsan nag hihilik na sila sa sobrang pag iisip. Pero mahirap din dumating sa level na ito kasi marami ang pipigil sayo para makarating ka sa level na ito. Gagawin ng mga taong nakapalibot sa’yo ang lahat mapigilan ka lang na maabot ang ganitong level. Sasabihan kang mag aral, maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, maghanap ng trabaho.Minsan mumurahinka pa kasi wala kang silbi.

Kaya marami ang hindi nakakarating sa level na to.But then if you reach this level you can consider yourself awesome. You have passed all the obstacles.

Ang mga ganitong tamad ang mga innovators kasi nagpupursige silang maging tamad. Ang ginagawa nila, para matigil na ang mga tao sa paligid nila gagawa siya ng paraan para mapadali ang trabaho niya. For example, ang tamad na tao na pinaglalaba, alam naman ng lahat kung gaano kahirap at katagal magkusot ng damit kaya ang nangyari, naimbento niya ang washing machine. Sila ang mga tamad na nakaimbento ng kotse, ng cellphone, ng telepono at kung ano ano pa. Ang mga motto ng mga tamad na ito ay,

“We find ways.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kwento ng Isang Tamad (A very very very short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon