Definition of Tamad slash Katamaran
Katamaran is like a disease and a blessing.
A disease dahil nakakahawa and a blessing dahil… tinatamad akong mag isip kung bakit naging blessing ang pagiging tamad. Pero blessing ang katamaran dahil palagi mo na lang sasabihing…
“Omaygad! This is the life!” Ikaw ba naman humilata na lang buong araw. Tanghali na magisiing at tatayo lang mula sa kama para kumain. Kung hindi yun blessing, ewan ko na lang kung ano ang tawag mo dun.
At talaga namang nakakahawa ang katamaran. Bibigyan kita ng scenaryo.
Sa school:
“Tol, san ka punta?”
“Dyan lang sa internet shop. Kakatamad pumasok. Ang panget naman ng prof natin. Magdodota ako. Sama ka?”
At siyempre kunyari mag iisip ka at naisip mong mas maganda ngang magDoTA kesa makinig sa panget na teacher. Madami ka pang skill na matututunan sa DoTA. Magiging mabilis ang reflexes mo. Magiging mabilis ang pagtatype mo sa keyboard. Aba dagdag skill din yun. Madedevelop pa ang eye and hand coordination mo. Kung suswertehin ka pa pati ang language mo madadagdagan. Katulad na lang ng… ‘Pucha! First Blood!’
‘Amp***’
‘P******** I**’
Hanggang sa di mo namamalayan, bihasa ka na sa language na tinatawag nilang, TRASHTALK.
Pero balik tayo sa sinabi ng classmate mo. After weighing all the pros and cons, and the underlying evidence presented. Naks! Ang sasabihin mo na lang ay…
“Tara! Sama ako.” Hindi mo namalayan ulit na nahawa ka na sa katamaran ng classmate mo. Nakakahawa di ba?
Pero baka naman sabihin niyong sa school lang nangyayari ang ganito? Hindi ah! Laganap ito sa buong mundo. Sa opisina for eksampol…
“Anong ginagawa mo?” Tanong mo sa kaofficemate mo
“Nagp-facebook at nagt-twitter. Nakakatamad magtrabaho. Kakaumay nitong ginagawa ko. Pinapasakit lang ang ulo ko.” At naisip mo nga na tama siya. Sumasakit na nga din ang ulo mo sa kakaisip.
At dahil masipag ka pang mag isip sa mga panahon na yan, naisip mo ding, bakit siya nakakapagfacebook? Bakit ako hindi?
Kaya ang ginawa mo. Tumalikod ka sa ka opisina mo, tumingin ka sa kaliwa at kana, pati taas at baba at harap at likuran mo para siguraduhing wala sa malapit ang boss mo tsaka mo hinarap ang pc at nagsimulang magtype sa browser…
www.fesbuk.com
Ngayon, sabihin mo sa akin, hindi ka ba nahawa sa katamaran ng kaopisina mo?
Dapat nga ang katamaran ay sinasama na nang WHO bilang isa sa mga pinakamalala at pinakanakakahawang sakit. Sa tingin ko naisip din nila yun pero naisip din nila na nakakatamad gawin yun. Mapapasubo sila.
Dapat kasi pag nilagay mo sa pinaka ang isang bagay dapat may statistics ka. May pruweba. Kung ikaw ba naman ang WHO, bibilangin mo kaya kung ilan ang tamad sa mundo? Sisipagin ka kayang mag interview at mangalap ng ebidensiya kung namana ba nila ang katamaran o naimpluwensiyahan lang sila? Kung ilan nab a ang namatay dahil sa katamaran? O nabaliw kaya? Magreresearch ka kaya kung saan talaga nag originate ang katamaran? Genetic ba? Airborne? Contact? Sa earth ba, sa Mars o baka nagmula pa ito 32 billion years ago during the big bang when the matter and anti-matter clashed? Tapos mag iisip ka pa ng cure, ng mga anti-tamad vaccine? Kasi bilang WHO tungkulin mong hanapan ng lunas ang mga sakit. At paano mo -sosolve ang isang bagay na hindi mo alam kung saan nanggaling?
Kung ako ang WHO. Aba! Bakit ko pahihirapan ang sarili ko?
Ito, eelaborate ko na kung bakit naging blessing ang katamaran.
Kung nakahilata ka lang sa isang tabi, hindi naman masasabing wala kang silbi kasi kahit na nakahilata ka lang dyan ang utak mo, nagtatrabaho yan. 24 hours, 7 days a week. Sinasabi lang ng ibang tao na tamad ka kasi di ka gumagalaw. Di ka kumikilos pero ang totoo, nagtatrabaho ka. Nagtatrabaho ang utak mo.
Sa mga panahon na nakatihaya ka, nagmamasid ang mga mata mo sa kapaligiran, at mas naapreciate mo ang mundo, mas naririnig mo ang ingay sa paligid. At ang isip mo nagpaprocess ng mga formula. Minsan sa pag iisip mo, may mga nadidiskubre kang mga bagay bagay na hindi pa nadidiskubre ng sanlibutan. At doon nagsimula ang salitang, INVENTION. INNOVATION.
At kapag natuwa ang mga tao sa’yo, ano ang sinsabi niya?
Thank you.
You save my life.
You are a blessing.
Nabitin ka ba sa explanation ko? Katamad kaya mag explain at magtype. Ikaw na lang ang magdagdag kung sinisipag ka.
Next: Tamad people are geniuses in the making.
(Wag na kayong mag expect na ipopost ko agad ang kasunod.)
![](https://img.wattpad.com/cover/12842255-288-k872761.jpg)