Tamad people are geniuses in the making.

24.6K 1K 236
                                    

Tamad people are geniuses in the making.

Oo na, aminado ka na tamad ka talaga. Madami na ang nagsasabing tamad ka, madami na ang nakakahalata. Hindi na maitatago. Kumbaga sa pritong tuyo, nangangamoy na.  Pero hindi talaga maiiwasan na kahit gaano ka katamad, kailangan mo pa din gumalaw para mabuhay. Para may makain. Para may pambili ng mga katamaran gadgets. Oo, may sariling gadgets ang mga tamad. Ang totoo, patok na patok sa mga nagkukunyaring masisipag ang mga gadgets ng mga tamad. Sa susunod ko na lang sasabihin ang mga gadgets na yun. Kakatamad mag enumerate.

 So ayun nga. Kailangan mong magbalat ng buto labag man iyon sa katamaran mo. At dahil tamad ka, ayaw mo talagang gawin ang mga dapat mong gawin. Kaya ang mga gawain ng mga tamad na katulad ko ay ang mag isip.

Wag kayong tumawa. May capacity na mag isip ang mga tamad. Mas magaling pa silang mag isip kaysa sa mga nagkukunyaring masipag at sa mga masisipag. Sabi ko nga, they are geniuses in the making. Naalala ko ang isang facebook post ni pilosopotasya sa about lazy people. Kaso tinatamad lang akong maghalungkat sa facebook ngayon para ilagay dito ang sinulat niya verbatim. Pero nakuha ko ang logic ng sinulat niya. It is something like, yung mga tamad daw, dahil tamad sila, nag iisip ng paraan kung paano mapapadali ang mga gawain nila. English yung sulat niya.

At pagkabasa ko nun, sinipag akong mag like. Ngumingiti pa ako at tumatango habang naglalike. Kasi sobrang agree ako.

Kasi for example, sa katamaran kong mag collate ng sangkatutak na data, nag isip ako ng paraan para mapadali ang ginagawa ko. At habang nakaharap ako sa PC ko at sa mahigit na sampung libong transaction sa computer ko may bigla akong naisip. Paano kung…

Doon nagsimula ang lahat, sa tanong na paano. Paano is a big question. Tapos pumindot ako ng F1 habang nakabukas ang excel worksheet ko at nagtype. Ang daming lumabas. Nag trial and error ako hanggang sa makuha ko ang gusto ko. Ang kinalabasan, naayos ko ang data sa loob ng isang oras. Pero kung hindi ako tinamad at hindi ko naisip yung paano malamang tatlong araw kong ginawa ang pag aayos ng data sa pc ko.

Kumbaga, kung ayaw maraming dahilan. Kung gusto maraming paraan. At ang mga tamad na tao maraming paraan. At marami din silang dahilan. Kaya kung ako sayo wag ka ng makipagtalo sa tamad kasi matatalo ka lang.

At ang isang katibayan kung bakit nasabi ko na geniuses in the making or mga genius talaga ang mga tamad ay dahil sa teknolohiya.

Ano ba ang nag udyok sa mga tao na gumawa ng mga technology? Iisa lang ang sagot sa tanong na yan. Katamaran.

Take for example. Ang cellphone. Bakit naimbento ang cellphone? Kasi may gusto ng mga tao na magtext at tumawag kaysa magsulat ng letter. Wireless, fast and convenient.

Bakit naimbento ang washing machine? Dahil tamad na ang mga taong magkuskos at magbrush ng mga damit.

At sino ang mga nakaisip ng mga ganung bagay? Siyempre ang mga tamad. Kung hindi ka ba naman tamad, maiisipian mo kaya na padaliin ang buhay mo? Dapat nag eenjoy ka sa ginagawa mo kung totoong masipag ka at contented ka sa buhay.

At kaya nasabi kong mga henyo ang mga tamad ay dahil sa katotohanang, sino ba ang may oras para mag isip? Sino ba ang may luxury of time to daydream? Ang mga tamad lang di ba?

Ang Kwento ng Isang Tamad (A very very very short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon