70

292 2 0
                                    

Messenger
[ Zyril Kai ]

Zyril:

Goodmorning rise and shine always smile and stay positive!

Naiwan mo yung skin care mo dito sa bahay idadaan ko ba sa condo niyo?

Para may irason ako kila mama at papa mwuahahaha

Julie:

Hey

Zyril:

Luh bakit hey?

Bae

Julie:

Idaan mo na lang dito mamayang gabi?

Full load sched ko ngayon

Zyril:

Ganon

Sure sure!

Okay ka lang?

Julie:

Oo bakit naman hindi?

Zyril:

Sige kumain ka na ba baka
nakalimutan mo kumain on time

Julie:

Cracker pa lang kinain ko
mamaya o pag uwi ako makakain maayos.

thanks for reminding me

Zyril:

Sige may gusto ka bang ipabili maya?

Julie:

Wala naman.

Zyril:

Alam mo ba grabe! Share ko lang day ko dahil vacant kami baka lang kasi curious ka

Na perfect namin yung research namin tapos na compliment ako sa ojt na ang galing ko daw sa matrix! Matatalo ko na nito si Casper!

Pero as usual may alaga akong tom and jerry sa site

Pero masaya!

Pangarap ko talaga maging engineer di mo kasi naitatanong hehe

Gusto ko pagawan sila mama at papa ng bahay tas ng ospital si ate dahil gusto mag doctor nun tapos si nika hindi siya ang kukunin kong architect dahil bahala siya dejok

Julie:

Secured na pala future mo hahaha

Zyril:

Oo naman may hinihintay pa nga ako para mega secure kumbaga yun ang foundation ng success ko sa future dahil siya inspiration ko!

Julie:

Great!

May class ako zyril sorry, I'll reply to your messages mamaya

Zyril:

Ay sige sige! Padalhan na lang kita
lunch diyan for sure kasi di ka kakain.

Message ka lang kapag okay ka na ah?

Dito lang ako.

Mwa mwa😚

•••

Messenger
[Nika niyo sawi sa label]

Zyril:

Hoi! Urgent toh!

Nika:

Oh?

Epal kumakain ako!

Zyril:

Wampake

San ka?

Nika:

Mama mo

Zyril:

Anong nangyari kay julie?

Nika:

Bakit ano ba nangyari?

Hindi kami magkasama

Zyril:

Ah ganun ba

Ang tamlay kasi di naman ganun yun. Nirereplyan nun lahat ng message ko kahit mga quotes at memes na sinesend ko may reply siya ngayon lang wala

Nika:

Tanga tignan mo naman kasi oras may klase

Ang landi may oras yan try mo magschedule

Zyril:

Eh basta iba! Alam ko eh may mali

Hala baka di niya talaga nagustuhan yung confession ko?

Nika:

Baliw wag kang mag overthink

Zyril:

Eh bakit ang tamlay? Nag aalala lang ako

Nika:

Well... may girls talk kasi kami kagabi hindi pa siya ganun ka ready zyril.

Zyril:

Ah yun ba nasabi niya na sa akin yan

Nika:

Oh ansabe mo?

Zyril:

Sabi ko willing to wait naman ako. Basta siya kaya ko.

Bakit ano ba meron nakakakaba naman ito parang handa na ako masaktan dejok

Sabihin niyo lang para ready na puso ko

Nika:

Mas maganda kayo mag usap

Basta ang sinabi niya lang na nahihirapan siya. Hindi niya pa nakikita sarili niya sa relationship ganun

Pero siya nag initiate ng date niyo ewan magulo pa siya as of now

Zyril:

Naprepressure ko ba siya
hala sana hindi naman 😭

Sige limitahan ko sarili ko baka naiilang na

Nika:

May mga bagay siya na kailangan ayusin sa sarili zyril na hindi mo maayos okay?

Hindi ka band aid.

Zyril:

Grabe naman ayos lang naman
Okay naman kami ata?

Alam ko naman na hindi pa siya ready kaya nga sinabi ko na hindi niya naman kailangan sabihin yung i like you too agad agad

Na baka mapalitan lang siya
ganun umokay naman siya

Nika:

Yea mabuti ng malinaw parehas ko kayong mahal.

Pero minsan tignan mo muna kung yung inuuna mo inuuna ka give and take dapat.

Hindi purooo give ikaw talo niyan.

Med To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon