72

291 4 3
                                        

Messenger
[Zyrie Kiabantot]

Zyrie Kiabantot:

Problema mo?

Dati pangiti ngiti ka maghugas ng plato ngayon parang kulang na lang basagin mo pinggan

Zyril:

Si ate daming napapansin
bawal mag emote ha?

Zyrie Kiabantot:

Di bagay sayo

Malapit na birthday ano gusto mo?

Zyril:

Bagong kapatid

Zyrie Kiabantot:

ABA SALAMAT AT IKAW NA ANG HUMILING!

Zyril:

Joke alam mo naman na love kita ate😭😭

Zyrie Kiabantot:

Wag mo na isipin si Julie hindi ka mahal nun

Zyril:

BASTOS SUMBONG KITA KAY MAMA

Zyrie Kiabantot:

Joke. Wag mo masyado ubusin sarili mo.

Zyril:

Hindi naman ate... mahal ko lang talaga kasi ewan ko din. Hindi ako napapagod gusto ko talaga siya

Kapag hindi ko pa kinuha yung opportunity baka tuluyan ng mawala

Zyrie Kiabantot:

Kaya ka nagkakaganiyan halos nakakalimutan mo na sarili mo

Concern lang ako sayo alam ko dati mo pa crush ang batang yan

Zyril:

Makabata naman

Zyrie Kiabantot:

Yun ang totoo.

Magtira ka para sa sarili mo

Sabi mo nakita mo yung ex sa condo

Zyril:

May pag uusapan daw ewan sakanila na yun

Privacy sa relationship nila

Zyrie Kiabantot:

Kaya nga minsan ang babae akala nila naka move on na pero pag nagpakita bumabalik yun feelings dati

Di ko sinasabi na rejected ka na ha

Zyril:

Alam ko naman yan kaya nga natatakot ako

Pero kung para sa akin para sa akin kung hindi siya para sa akin tangina baket edi ipipilit namin

Zyrie Kiabantot:

Bwiset kang kausap

Zyril:

Joke lang pinapagaan ko lang
feelings ko kasi ang bigat joke

Zyrie Kiabantot:

Magtira ka sa sarili mo para kapag dumating yung panahon na hindi pala ikaw edi kahit papaano hindi ka lubog

Tanga kasi sa pag ibig tsh

Zyril:

Ito na nga magtitira na! 5%
lang kasi nakay julie talaga 90%😭

Ewan gusto ko talaga siyang inaalagaan masyado na akong naalagaan dito sa bahay.

Gusto kong iparamdam sa kaniya yung hindi maibigay ng magulang niya

Zyrie Kiabantot:

Hay sugar daddy na sugar daddy talaga

Zyril:

SIRA ATE!

Zyrie Kiabantot:

Tsk feeling wala ka ngang pera.

Palitan mo na pangalan ko kung gusto niyo magkatuluyan at hindi lubog ang barko

Med To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon