This happened to us on March 30, 2015 past 7:00 pm.
-----
Galing kami sa tambayan. Kasama ko ngayon si JL Alcantara(girl) at Seanne Viaje. Past 7:00 na din kaya nag ayaan na ding umuwi na. Hinatid namin si JL sa sakayan ng jeep."Oy san ka pupunta? Dito daan natin uy!" Sabi ni seanne sakin. Magkalapit lang ang mga bahay namin kya sabay na kami.
"Ayoko ngang sumakay ng tricycle. Lakadin nalang natin." Sabi ko naman
"Ala. Tinatamad akong mag lakad." Sabi ni seanne.
"Sige mag sakay ka na. Gusto ko mag lakad para may thrill eh." Sabi ko naman habang papalayo sa sakayan ng jeep.
"Sige na seanne. Sabayan mo na. Wag ka lang mag kakamali ah!" Bilin naman ng girlfriend nyang si JL.
"Opo maam." Sabay lakad palayo ni seanne.
Habang nag lalakad, madami na talaga akong nararamdaman. Nakakakita na nga ako ng multo kahit dati hindi ih. Dun ako sa may sulok nadaan kasi gusto ko. Si seanne sa kabila.
"Ang hilig mo talaga sa mga sulok noh" sabi ni seanne.
"Siguro nga. Ewan ko nga kung bakit ih" sabi ko naman.
"Takte!" Sabi ni seanne bago pumunta sa gilid nung kaharap naming nakaparadang jeep.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Namalikmata ako dun. Parang may nkaupo sa driver's seat at dumungaw." Sabi nya. Halatang kinakabahan sya
"Wag ka ngang matakot. The more na natatakot ka, lalo ka nilang tatakutin." Banta ko sa kanya
"Di ba tinatanong mo kung may nakikita ako sa tambayan. Meron. Nakaitim na babae sa may table sa dulo." Sabi ko sa kanya.
"Gagi, may nasunod satin." Sabi nya
"Alam ko. Amoy mo ang sampaguita?" Tanong ko sa kanya habang naaamoy ang sampaguita sa may simbahan na dinaanan namin.
"Oo nga. Anu ibig sabihin nun?" Sabi nya. Ngumiti muna ako bago sumagot. "May kasama tayo."
"Takte. Ayoko na talaga." Sabi nya habang nag kukwento ako ng mga nakikita ko.
Nung nakalagpas na kami sa 7eleven, may bahay na patay bukas ang ilaw.
"Tamo. Patay bukas ang ilaw dun" di ako lumingon kasi naaaninag ko na ang babaeng nakaputi sa may pinto.
"Alam ko na kung bakit di ka tumingin. Meron noh?" Sabi nya. Tumango lang ako. Naamoy ulit namin ang sampaguita.
"Ang ayoko talaga sa multo yung nasapi at nag gagalaw ng gamit." Yan ang sagot nya nung tinanong ko kung bakit takot sya sa multo.
Matagal bgo nawala yung amoy patay pero malapit na kami sa bahay ng isa't isa.
"Dun ka na sa isang kanto dumaan. Para malapit na samin." Sabi nya sakin
"Ayoko nga!andun yung bahay na nag bubukas yung gate. Tas may sagingan pa. Dito na tayo lumiko." Sabi ko naman
"Ihahatid nalang kita jan. Tas iikot nalang ako. Mas okay na yung malayo ang dadaanan ko kesa naman mdaming multo." Sabi nya kaya napatawa ako.
"Ingat ka sa bakanteng lote malapit sa carwash ah. Madami dun." Sabi ko
"Oo naman. Ako pa!" Nagyabang pa ang loko.
"Dito nako ah. Ingat!" Sabi ko nang makadating kami sa kanto ng bahay namin.
"Text ka sakin ah pag nasa bahay nyo na ikaw! Ge!" Sabi nya habang kumakaway
Tumakbo agad ako paloob para makapag charge na. Lowbatt ako ih. Nung nag bukas na ang phone ko agad ko syang tinext.
"Seanne! Ingat! Di ka nya sinundan. Eto oh kasama ko." Sabi ko sa text
"Oo nga. Ramdam ko. Pero nung dumaan ako sa bakanteng lote, parang andaming nakatingin sakin." Ambilis mag reply
"Madaming nakatingin pero konti lang ang nsunod" reply ko sa kanya
"Ayaw ko na!" Reply nya sakin.
"Haha!" Reply ko
"Baby, wag mo na kwentuhan si bii. Natatakot na sya ih. Haha" text sakin ni jl na gf nya.
"Haha gee" reply ko
End
BINABASA MO ANG
Kwentong Katatakutan
HorrorBase po ito sa mga karanasan, panaginip, at kwento ng iba.