Base po sa panaginip ko noong July 10, 2015. Enjoy!
--z
Andito kami sa bahay ng tropa ko. Kasama ko ang dalawa kong kapatid. Ulilang lubos na kami. Itong bahay na ito, dating amin. Ibinenta ni papa para may pera kaming mag kakapatid. Nag iinuman yung mga lalaki at since kaming tatlo lang nung nga kapatid ko ang babae tsaka yung nanay ni Troy, nakikisali na din ako. Maya maya, pinakialaman ni Jay yung dala namin." anu to? Gamit sa pangungulam?" Sabi ni Troy na syang kinainis ko.
"Ah dugo po yung naka plastic." Sabi nung bunso kong kapatid. Mukhang di naniwala sina Troy at Jay at binutas nila ang bag ng dugo.
"Denise ano ba? Bakit hinayaan mong pakialaman nila yung dugo? Baka importante ang pagbibigyan nyan?" Di ko na napigilang sumigaw at pumasok ako sa bahay. Pumasok din pala yung mga kapatid ko. Maya maya, pumasok na yung mga lalaki at humiga sa tabi namin sa sofa. Tumabi sakin yung nanay nila troy at nag tanong...
"Hija, uhm, namimiss mo ba papa mo?" Tumango nalang ako bilang sagot.
"Gising ka ng maaga bukas, itatakas ko kayo dito. Wag mo papaalam sa tiyuhin mo ah. Sasama natin mga kapatid m---" biglang hinila ni tito yung kamay ni tita."Ano na naman yang kinukwento mo sa mga bata? Ikaw. Ikaw. Ikaw. Lumabas na kayo rito. " tinuro nya kaming mag kakapatid.
"Denise, tignan mo nga kung naka lock yung gate."
"Ate hindi."
"Sige lalabas na tayo ah. Tara na.. "
Pag labas namin, tumakbo na agad kami.
"Sa kanan tayo!" Sigaw ko sa mga kapatid ko.
Nang makarating kami sa main road, sumakay agad kami sa tricycle at pumunta sa ninang ko pero bago pa man kami maka baba, andun si tito.
"Manong, diretso nyo lang po."
Dineretso nga ni manong at dun kami nag punta sa kapatid ni papa.
Nag sumbong kami sa pulis at nahuli si tito na may mental sickness daw. Ngayon, nasa rehab na sya at malayo na kami sa pangamba.
---end---
BINABASA MO ANG
Kwentong Katatakutan
HorrorBase po ito sa mga karanasan, panaginip, at kwento ng iba.