"Dalian mo. Ang bagal bagal mo kasi", reklamo ko kay Avi. Nagmamadali kasi kaming pumunta ng lobby dahil lahat kami ipinapatawag ng manager. "Makita ko lang iyang si Glenn, makokkonyatan ko yan. Bakit naisipan niyo pang mag movie marathon. Aware naman kayong may-trabaho tayo ngayon."
Nakarating kami ng lobby, sakto nag-uusap usap pa lang ang mga katrabaho namin. Buti na lang wala pa yung manager namin, kundi agahan namin pagbubunganga ni Sir Leon. Bagay na bagay ang pangalan niya, dahil mukha siyang leon kapag nagagalit.
"Eh dumating kasi si papa galing abroad. May mga pasalubong. Dinalhan nga kita eh tapos bubungangaan mo pa ako." ngumuso 'to ng parang bata. Kinurot ko ang kaliwang tenga nito. "A-aray naman Lia. Sadista ka talaga!" reklamo nito habang hinihimas ang piningot kong tenga nito. Humarap ito sa kalalapit pa lang na isa rin sa mga pasaway kong kaibigan. "Baby ohhh! Sinaktan niya ako." pagpa-paawa nito.
"Pabebe ka. Tigil-tigilan mo ko Avi, hindi ka na bata." Pabiro ko siyang itinulak palapit kay Glenn. "Edi kayo ng sweet! che!" pinag-krus ko ang mga braso sa dibdib ko, naaalibadbaran ako sa love birds na 'to.
Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan.
"Huy Lia! Bakit nagdala ka ng phone, nasa alituntunin ni mada yan hah." sita nito nang ilabas ko yung cellphone ko para kontakin si Kirby.
"Kakamustahin ko lang sana si Kirby. May sakit kasi siya kagabi at hindi ko maasikaso. Gusto ko lang malaman ang kundisyo-- " sabay sabay kaming napalingon sa taong umagaw ng cellphone ko. Natigilan kami sa taong nasa harap namin.
"Aren't you aware that phones are prohibited during working hours?" sita nito habang pinapaglipat-lipat nito ang cellphone ko sa magkabilang kamay.
"S-sir." andito si kirby. At mukhang mainit ang ulo. Halatang pinilit nitong magtrabaho kahit may sakit dahil halata sa mukha nito ang pagka-putla.
Gusto ko siyang hapuin at asikasuhin pero hindi yun angkop sa trabaho ko.
Boss ko si kirby. Sila ang may-ari nitong hotel and restaurant kung saan ako nagtra-trabaho. Kaya pagdating dito, hindi kami pwedeng maging sweet sa isa't-isa dahil unfair yun sa ibang katrabaho ko.
Ni hindi nga nila alam na boyfriend ko ang anak ng may-ari nitong hotel ehh.Bukod sa mga childhood bestfriends kong sina jeso at jess.
"Sir." lumapit si hannah sa aming apat, "pinapatawag po kayo ni Mr. Diaz sa opisina." ngumiti ito sa aming tatlo bago ibinalik ang tingin kay kirby.
"Put this away. First warning miss Figueroa." tumingin muna ito ng diretso sa mga mata ko bago naunang umalis kasunod si Hannah.
"Nakakatakot si Sir Kirby, ano?" bulong nito sa akin. "Minsan na nga lang pumunta rito para imonitor tayo, magsusungit pa." napailing ito sa nasabi.
"Baka hindi lang maganda araw ni Sir." pagtanggol ko kay kirby. May dinaramdam kasi yung tao eh.
YOU ARE READING
Amore Incalculable
RomanceA multi-millionare mafia falls inlove with a lunatic waitress.