61

513 27 4
                                    

Messenger

Rajon Eros Jimenez
8:48 PM

Rajon Eros: Okay, I know medyo awkward ang sitwasyon natin ngayon.

Rajon Eros: Pasensya na, di ko na kasi kayang pigilan ang sarili ko. I know, I have to tell it to you.

Rajon Eros: Kung di mo gusto na... ahm, makipag-usap sa akin nang harapan, dito ko na lang muna sasabihin lahat ng gusto kong sabihin sayo.

Seen, 8:53 PM

Rajon Eros: Alam ko namang di ka manhid sa mga sinasabi at ipinapakita ko nitong mga nakaraang linggo. Hindi na kasi ako makatiis na di ka lapitan.

Rajon Eros: Sa mga nakalipas na taon, pinili kong mahalin ka na lang sa malayo. Masakit sa akin yun, Mara. Hehe! Pero wala naman akong magawa. Yun ang gusto ng puso ko, eh.

Rajon Eros: I want to ask you kung bakit bigla ka na lang umiwas at lumayo sa akin. Gustong-gusto kong magtanong sayo, pero di ko magawa. Parang di ko kayang marinig ang dahilan mo.

Rajon Eros: Naduwag ako, eh. Duwag at takot ako na marinig sayo na di mo ako gusto. Kasi pagkatapos kong mag-confess publicly, doon ka na lumayo. Kaya inisip ko, its your way of telling me na ayaw mo sa akin.

Rajon Eros: Masakit yun sa akin kaya sinubukan ko na kalimutan ka, na ibaling sa iba ang pagmamahal ko.

Rajon Eros: Pero wala, eh. Ikaw lang talaga. Ikaw lang ang mahal ng puso ko. Ikaw lang ang isinisigaw ng puso ko. Ikaw lang. Ikaw lang, Mara.

Rajon Eros: Kaya ayun, ipinangako ko na lang sa sarili ko na gagalingan ko. Na kailangang maging successful ako para kapag may lakas na ulit ako ng loob, di mo ako ikakahiya. Di mo na ako iiwasan.

Rajon Eros: While I'm striving to become successful, nakabantay ako sayo nang palihim. Pasensiya na kung ikinatutuwa ko pa na wala kang naging boyfriend sa mga nakalipas na taon.

Rajon Eros: Selfish na kung selfish, but I want you for myself.

Rajon Eros: Nang lumipat ng bahay sina Nanay, di ako sumama sa kanila. I want the best for my family kaya nga ibinili ko sila ng bahay. Pinilipit nila akong doon na rin tumira, pero tumanggi ako. You know why?

Rajon Eros: Kasi, ayokong mapalayo sayo. You've become my vitamins, Mara. Kapag nakikita kita, sumasaya ako. Kaya hindi ko kayang umalis at sa ibang lugar na tumira. Hindi ko kayang lumayo sayo.

Rajon Eros: Kasi nga, mahal kita. Mahal na mahal kita.

Seen, 9:08 PM

Rajon Eros: Teka, ikaw ba yung naririnig kong umiiyak?

Rajon Eros: Mara? Are you crying?

Rajon Eros: Damn! Wait, pupunta ako dyan.

Seen, 9:11 PM

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon