72

525 30 2
                                    

Messenger

Milo Everyday For Clear Future
9:12 AM

Milo: Mara! Wag ka munang mag-online, okay?

Seen by everyone

9:14 AM

Bakit?

Milo: Basta! Wag ka munang magbabasa news feed mo.

Kapag di n'yo sinabi kung anong nangyayari, mag-o-online ako. I will see it myself.

Belle: Trending ka ulit. Kayo ni Rajon.

Zahra Therese: At hindi maganda ang mga sinasabi nila tungkol sayo.

Katulad ng?

Milo: Mara!

What? Tinatanong ko lang naman, ah.

Belle: Na malandi ka.

Belle: Na di kayo bagay ni Rajon since private nurse ka lang naman niya.

Zahra Therese: Na makapal daw ang mukha mo kasi minsan mo na raw sinaktan si Rajon, tapos lalapit-lapit ka raw ngayong sikat na si Rajon.

Milo: Bwisit na mga malalandi yan. Ang sarap pagsasabunutan, eh. Nanggigigil talaga ako.

Relax lang kayo.

Alam naman natin ang totoo.

Belle: Are you okay?

Yeah.

Don't worry about me, okay?

Wag na rin muna kayong mag-online para di kayo ma-bad trip. 😊

Zahra Therese: Mara, sure kang okay ka lang?

Oo nga. Haha!

Milo: Just chat us kapag kailangan mo kami, okay?

👍

Seen by everyone

--

Messenger

Blue Balls Club No More
9:31 AM

Monique: Kuya Rajon!

Seen by everyone

Bakit, Monique?

Monique: Trending kayo ni Mara.

Joy: Nakita ko nga rin. And they were bullying Mara.

Mary: Oo nga. Dahil yata dun sa stream ng friends mo?

Kirsten Jaysel: Sobrang foul ng mga sinasabi nila. Nakakainis!

Edon: Wala ka bang gagawin about that, Rajon?

Wala, Cap.

Monique: Kuya Rajon?

Roz: Akala ko ba mahal mo?

JK: Oo nga. Mahal mo ba talaga?

Mahal na mahal.

Si Mara lang ang mamahalin ko habang-buhay.

EU: So, bakit tahimik ka pa rin?

Clark: Wala kang gagawin habang binu-bully ang babaeng mahal mo?

Masakit sa akin yung mga nababasa ko. Ang totoo, gusto kong manakit dahil sa mga sinasabi nila tungkol kay Mara.

Pero nag-usap na kaming dalawa. Pinag-usapan namin kung bakit siya biglang umiwas sa akin noon. Inamin na niya sa akin ang dahilan.

Gusto ko man siyang ipagtanggol at saktan lahat ng nananakit sa kanya, gusto ko rin na makita na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Na patunayan niya sa mga taong yun na kahit wala ako, kaya niya lahat ng pagsubok na ibabato sa kanya.

Well, di ko naman siya iiwan. Pero sa profession natin, hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong isyu. Sa ganito rin kasi kami nasira dati.

Pero sa halip na ayusin niya, pinili niyang manahimik at iwan na lang ako. Paano kapag may lalabas pang isyu? Ganoon na lang ba lagi ang gagawin niya?

Mahal ko si Mara. Mahal na mahal ko siya. Pero gusto ko rin naman na... na ipaglaban niya ako kahit paano. Pero kung di na niya ako mahal, I just want her to stand for herself.

Siguro, di mage-gets ng iba ang point ko. Kasi nga naman, kung mahal ko, dapat ipagtanggol at protektahan ko. Pero para din naman sa kanya yun, eh. Ayaw kong maulit na naman ang nangyari dati.

August: I get your point, Rajon.

Diandra: Sana maayos n'yo na yan.

Rosie Rai: Yeah. Deserve n'yong maging masaya.

Sana nga.

Seen by everyone

--

Thank you po for reading. Your votes and comments are highly appreciated. 🥰

The Hot Shot Club 7: The Cool Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon