Sa tulong ng Magic Potion at pagiging makuwento ni Xavier, nagapi ni Tide Riverside ang isa sa pinakamalakas na kalahok, at naipanumbalik na rin niya ang pinakaayos niyang kalagayan. Sa kabila ng lahat, may dalawang agam-agam na gumagambala sa kanyang kalooban, ang kalangitan at ang landas ng tubig. “Parang may mali…” pumpreno siya at bumaba sa sasakyan. Iginala niya ang kanyang paningin at masusing minatyagan ang madilim na kalangitan. Naghanap siya ng mga bitwin pero puro mabibilis lang na mga ulap ang kanyang namataan. Kaagad siyang pumasok at binutingting ang stereo.
“Isang unos ang tatama sa western mainland pitong oras mula ngayon. May lakas itong dalawang daang kilometro bawat oras at may bugsong dalawang daan at dalawampung kilometro bawat oras. Pinapayuhan ang lahat na huwag munang pumalaot dahil nasa sampung talampakang alon ang tinatayang mararanasan...”
Binuksan niya ang Global Posistioning System o GPS para kumpirmahin ang kanyang hinala. Lumabas ang isang bansa na hawig sa kasalukuyang Second Union. Doon niya natukoy na tutumbukin ang lugar na kailangan nilang puntahan. “Hindi lang simpleng pagbabangka ang ipinapagawa nila sa amin…”
Pinaharurot niya ang kotseng tinangay niya, nakadepende kasi sa oras ang tiyansa nilang makaalpas! Wala siyang pakialam kung magdulot ito nang labis-labis na perwisyo sa madadaanan niyang mga tao at kapwa motorista. Buong magdamag niyang binuno ang labing-anim na oras na paglalakbay sa lupa dahil kailangan niyang dumaan sa checkpoint na nasa gitna upang makakuha ng individual white water rafting permit. Kaagad naman niyang natanaw sina Flare at Xavier na nagpaplano pa lang ng balsa.
“Kamusta ang buhay dito?” humahangos na tanong niya sa dalawa habang bitbit ang lahat ng kanilang ninakaw na gamit.
Nakangiting sumagot si Flare. “Ayos lang… ‘Eto, tapos nang gumawa ng blue print!”
“…H-Hindi mo ba ako tatanungin kung—”
Tinapik siya ni Xavier para awating ipaalala ang kinahinatnan ng tatlo.
“Ah, pasensya na…”
“Wala ‘yun.” Lumakad si Flare papunta sa area na pagkukuhanan ng mga kagamitan. “Walang mangyayari sa’kin kung magmumukmok lang ako para sa mga bagay na hindi na maibabalik, kailangan natin umusad, move on ika nga ng mga sawi sa pag-ibig! Isa pa, nakabalik ka dito nang ligtas kaya nakasisiguro akong natalo mo na siya…”
Hindi nakaimik ang binata.
“Ano pang ginagawa niyo diyan?” tanong nito matapos bumaling sa kanyang likuran. “Alam kong mga puyat kayo pero hindi ko ‘to kayang mag-isa!”
“Flare,” tawag ni Tide. “Patingin nga ako ng plano mo?” Pinag-aralan niyang mabuti ang bawat anggulo at isa bagay lang ang kanyang napuna—ito’y maganda.
Kahoy, makapal na lubid, limitadong bilang ng mga pako at mga kagamitang pangkarpentero—mga bagay na natamo ng tatlo mula sa aleng namamahala. Ang kulang ay maaring punan ng mga bagay na makikita sa kalikasan. Tulad na istratehiya ng tatlo, ang mga kalahok ay lumalakad bilang grupo, dalawa o tatlo ang lilikha ng bangka o balsa, habang isa o dalawa naman ang maghahanap. Bahagyang tumaas ang tensyon matapos sumiklab ang gulo nang manira ng mga bangka ang ilang mga walang magawa.
BINABASA MO ANG
Flare Eternia: The Blade of Heaven
FantasyBalik wattpad na ulit! Medyo babaguhin ko ang storyline. Lipat tayo sa 1st person POV. Update update din pag me tym.