Chapter 4

2.4K 80 2
                                    

Mataas na ang sikat ng araw nang makalabas sina Flare sa ospital. Lulan ng pulang kotse na minamaneho ni old man, tumulak ang grupo pabalik ng gym. Nang makarating, mabilis na bumaba ang matanda at nagtungo sa harapang pintuan. Itinapat niya ang card key sa sensor at presto, bumukas ang pinto. Tumambad sa kanila ang kadiliman na sala, na kaagad din namang napawi matapos buksan ang mga ilaw.

Ipinahid ni Flare ang kaliwa niyang hintuturo sa flat screen at napag-alaman niyang wala kahit isang dumi ang sumama sa kanyang daliri. “Sinong naglilinis dito?”

“Ako po,” tugon ni old man.

“Magaling,” puri niya. “Kahit inatasan kayong bantayan ako, hindi mo nakaligdaang linisin ang ‘yong bahay.”

“Maraming salamat po.”

Sumingit si Aurora sa usapan ng dalawa. “Oy Flare, ako rin, tumulong sa kanya!”

“Ang husay mo,” nang-aasar na sabi niya. “Tingin mo kaya, sino ‘yung engot na dapat magbabantay sa’kin kapag dalawa kayong maglilinis dito?”

“Mahusay talaga akong maglinis!” masaya at mayabang na wika ni Aurora. “Ang pinagtataka ko lang, tatlo ba kaming pinagbabantay sa’yo?”

Ipinatong ni old man ang kamay niya sa balikat ng dalagita. “Dalawa lang po tayong pinagbantay ng Hari. ‘Yung engot na tinutukoy niya—”

Ipinatong din ni Aurora ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng matanda. “’Wag mo nang ituloy,” maluha-luhang sabi niya. “Sabi ko naman sa’yo eh, kaya ko nang maglinis mag-isa.”

“Ayos ka ah! Ako pa ang ginawa mong engot!”

“Bahala nga kayo sa mga buhay ninyo!” Lumakad si Flare patungong hagdanan. Hindi niya sinasadyang napatingala sa itaas at napukaw siya sa kanyang nakita. Iginala niya ang kanyang paningin at lubos niyang naunawaan na nag-iba ang ayos ng sala. Muli siyang humarap sa dalawa at tinatong ang mga ito. “Binago niyo ba ang desenyo ng sala? Sa pagkakaalam ko kasi, hindi ganito ang ayos nito dati eh. ‘Yung mga lumang painting sa dingding, napalitan na. ‘Yung transparent glass ng training room, tinted na ngayon. Tapos ‘yung TV kanina, bago ‘yun ah! Ano bang nangyari sa luma?”

Biglang naalala nila old man ang naging katapusan ng duwelo. Nagkabasag-basag ang mga salamin, nagbagsakan ang mga nakasabit sa dingding at nagkasira-sira ang lahat ng mga kagamitan. Bago pa isa-isahin ng binatilyo ang lahat nang napalitan, biglang napasagot ang matanda. “’Yung luma… Nasira!”

“Ba’t nasira?” mala-husgadong tanong niya.

“Ah… Eh… Nasira nung…”

“Nung laban namin ni Aurora?” duktong niya. “Kasi kung ako ang tatanungin, ang tignin ko, napalipad ako ni Aurora at napatagos sa salamin. Tapos, bumalandra ako sa pader at nagkasira-sira ang buong sala…”

“Ano ba naman iyang pinag-iisip mo, Young Master!” biglang kabig ni old man. “Hindi ba ang kuwento ko sa iyo, tinamaan ka nang uppercut sa baba tapos natumba ka na lang bigla. Binilangan pa nga kita ng sampu kaso wala ka nang kibo kaya isinugod ka na namin sa ospital…”

Flare Eternia: The Blade of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon